Sunday, September 22, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 1



***** Friday 3:30 pm*****

Halos tamang-tama lang pala ang pagpunta ng 25 years old na single na si Dominic sa Divisoria dahil napatapat siya na walang masyadong mga taong namimili kaya nama'y hindi gaanong siksikan ang mga stalls and hallways ng 168 Mall...
"Wala nang tawad..." Ang tanong ni Dominic sa tindera.
"Naku Koya... Wala na at tataas pa yan kapag malapit na ang Pasko..." Ang explain naman ng tindera sa binata.
"Sige... Babalikan ko na lang at magkaCanvas pa ako sa iba..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Doms sa tindera kasabay ng pagkuha niya sa kaniyang bulsa ng kaniyang iPhone.
"Smile Ate..." Ang next na sambit ni Dominic habang kinukuhanan niya ang stall ng tindahan.
Kaagad-agad namang nagPose and nagSmile ang malanding tindera nang kuhanan siya ng picture ni Dominic...
"Sa amin ka bibili ha... Babawasan ko pa..." Ang sweet na pahabol ng tindera sa papaalis na binata.
NapaSmile na lamang si Dominic sa inusal ng tindera't pagkatapos ay kaniya ng itinuloy ang kaniyang pagkaCanvass ng mga Christmas lights and Decors sa naturang Mall...
Wala na naman kasing schedule sa kaniyang work itong si Dominic kaya nama'y minabuti na niyang gawin ang ipinag-uutos sa kaniya ng kaniyang Mom dahil last week pa kasi siya kinukulit nito at pinapupunta sa Divisoria upang tumingin-tingin ng mga magiging usong Christmas Decors sa para sa darating na Holiday Season this year...
Isang Curator sa Museong Pambata itong si Dominic kaya nama'y napakaFlexible ng kaniyang time sa work and since wala nga siyang duty this afternoon ay kaniyang sinamantala ang kaniyang pagiging available para hindi na siya kulitin pa ng kaniyang Mom dahil may napakaImportante kasi siyang gagawin this coming Saturday and Sunday...
Kaagad-agad na tinignan ni Dominic ang nagRegister na number sa kaniyang iPhone nang biglang tumunog ito habang naglilibot siya 168 Mall at kaagad siyang napasimangot nang makita niyang ang name ng isa niyang kasamahan na nagRegister sa caller ID...
"Bakit Myrtle..." Ang bati ni Dominic sa biglang tumawag sa kaniyang iPhone.
"Doms... Nasan ka..." Ang ani ng babae from the other line.
"Nasa Divisoria na..." Ang maikling sagot lamang ng binata.
"NAMAN EH... Ba't di mo ko sinabihan..." Ang reklamo naman ng babae.
"Sinabihan kaya kita... Di ba ang sabi mo kanina eh pag-iisipan mo muna..."
"Sana sinabihan mo ako bago ka umalis... Nakakainis ka talaga Doms..." Ang reklamo ng Babae sa kabilang line na lalo pang ikinaSimangot ni Dominic.
"Sorry nakalimutan ko... Don't worry at nagkaCanvass pa lang naman ako..." Ang explain naman ni Dominic sa babae.
"Pagbumili na ako eh sasabihan na kita..." Ang pagpapatuloy ni Doms.
"Promise..." Ang pagkoConfirm ng babae.
"Promise..." Ang ulit naman ni Dominic.
"Sige... I'll look forward to that... Mga kailan naman kaya yun..." Ang next na sinabi ng babae.
"Next Month..." Ang pinipigilang tumawang sagot ni Dominic.
"NAMAAAAAAAAN..." Ang malanding reply naman ng Babae.
"Joke lang yun Myrtle... Baka next week..." Ang bawi naman ni Dominic.
"I will hate you talaga... Basta ha.... Isasama mo ako para makatingin na din ako ng decors..." Ang sambit naman ng Babae.
Ilang minutes ding nag-usap ng mga walang kuwentang mga bagay over the phone sina Dominic and ang kaniyang kasamahan sa work na si Myrtle at talaga namang Clueless itong si Myrtle na sinadya talaga ni Dominic na tumakas upang hindi niya ito makasama...
"Wheeeew..." Ang naisambulat na lamang ng binata nang matapos na ang kanilang conversation ni Myrtle over the phone at tila ba pakiramdam niya'y naDrain ang lahat ng kaniyang Energy sa pakikipagBolahan sa kaniyang kasamahan.
Hindi na matandaan pa ni Dominic kung ano nga ba ang naging dahilan kung bakit naging close sa kaniya itong si Myrtle. Namalayan na lamang ni Dominic isang araw na ume-Epal na sa kaniya ang kaniyang kasamahang babae na siya namang ikinauuyam niya dahil bigla na lamang naging feeling close na talaga ito sa kaniya...
Alam naman ni Dominic na may Crush sa kaniya ang kaniyang co-Curator na si Myrtle dahil sa mga chismis na din mismo ng iba pang mga staff ng Museong Pambata ngunit sa tanang buhay ni Dominic ay hindi niya ninais or pinangarap na maging ganoon kaClose sa kaniya ang kasamahang si Myrtle...
Batid ng binata na hindi naman siya nagpakita ng interest sa kaniyang kasamahan kaya nama'y wala reason itong si Myrtle na mag-inarte na para na ba niyang GirlFriend ito...
Mabait and Gentleman kasi itong si Dominic dahil sa pagpapalaki at sa mga itinuturo na din sa kaniya ng kaniyang mga Parents kaya nama'y hinayaan na lamang niya itong si Myrtle sa mga Antics nito towards him ngunit nagsisisi din naman itong si Dominic dahil parang apoy na hindi na mapatay-patay ang kaepalan sa kaniya ng kaniyang kasamahan...
Although nasasakal itong si Dominic kay Myrtle ay nagDecide na lamang siyang maging Friendly dito dahil may nakukuha din naman siyang magandang bagay sa kanilang set up...
Ginawang isang panakip butas ni Dominic ang pagiging friendly niya kay Myrtle at talaga namang naging maganda't effective na effective ito kaya nama'y hanggang ngayo'y wala pa ding nakakaalam sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho na isa siyang napakalaking Paminta...
Kahit na nagkaroon na ng maraming girlfriend itong si Dominic noong nasa HighSchool at College pa siya'y alam niya sa kaniyang sarili ang kaniyang totoong sexual preference ngunit just like other gays and bisexual ay tago itong si Dominic since bothered pa siya dahil medyo hindi pa tanggap ng Filipino Culture ang mga katulad niya...
"I'd better go..." Ang nasambit na lamang ni Dominic sa sarili nang makita na niya ang oras sa kaniyang Fossil's Diver's WristWatch.
Tinignan muna ni Dominic sa photo folders ng kaniyang iPhone ang kaniyang mga nakuhanang mga itinitindang mga Christmas Decor at ang mga nakaLabel na Description ng mga Prices nito at nang makasigurado na siya'y kaagad-agad na siyang lumabas ng 168 Mall...
"Manong... Glorietta po..." Ang sambit niya sa Driver nang makasakay na siya ng taxi.
"Ang layo naman..." Ang reklamo naman kaagad ng Taxi Driver.
"Dadagdagan ko ng P100..." Ang sambit naman ni Dominic sa Driver at nang makapagSettle Down na siya sa BackSeat ay kaagad-agad niyang tinignan ang kaniyang Dummy FB Account sa kaniyang iPhone.
Lalong naExcite itong si Dominic kasabay ng pag-Guhit ng isang matamis na Smile sa kaniyang mga labi nang makita niyang may PM siya from his long time FB friend...
"I'm excited to see you tomorrow... I have a surprise for you..." Ang PM ng kaniyang kaFB na si Harold.
Nakilala ni Dominic ang kaniyang kaFB na si Harold sa isang Gay and Bisexual private group sa FB and itong si Harold ang siyang unang nag-approach kay Dominic via sending a friend request and doon na sila nagsimulang magpalitan ng PMs and after that ay naging close na silang dalawa sa FB...
Almost 6 months na ang naging communication nila ni Harold at kung minsa'y si Harold pa mismo ang tumatawag sa kaniya upang makausap siya over the phone...
"May surprise din ako sayo..." Ang reply na PM ni Dominic sa PM ni Harold na lalo pang ikinaGood ng mood ni Dominic.
Isang OFW sa Singapore itong si Harold at kakauwi lang nito sa Manila two days ago kaya nama'y nagSet up silang dalawa ng meet up since comfy na silang dalawa OnLine sa isa't-is at upang maiLevel Up na din nila ang kanilang closeness as friend...
Aminado naman itong si Dominic na Na-attract talaga siya sa looks ni Harold sa simula pa lamang at lalo pa siyang naAttract dito dahil napakaSweet nito sa kaniya sa FB and sa mga SMS messages nito sa kaniya...
Although hindi pa official ang pagiging sila'y ramdam na ramdan ni Dominic na para na silang couple ni Harold kahit na Friends lamang sila sa FB...
NagStart ang kutob ni Dominic na mayPagtingin sa kaniya itong si Harold dahil one time ay naglakas loob siyang magPM kay Harold ng 'I Love You Friend' at agad-agad din naman siyang ni-Reply-an nito ng 'I Love You Too' na siyang nagpabaligtad sa buong mundo ni Dominic...
Masasabing isang Late Bloomer and Virgin pa sa pakikipagSame Sex relationship itong si Dominic and that was the first time na magsabi siya't masabihan ng 'I love you' ng same gender kaya nama'y naging isa itong napakalaking bagay para kay Dominic...
"Anything else pa po Sir..." Ang tanong ng Cashier kay Dominic nang ibinalik na muli nito ang Visa Card nang binata.
"Yan lang... Thank You..." Ang nakaSmile na reply lamang ni Dominic sa cashier at excited na niyang kinuha ang binili niyang Fossil's Nate Chronograph Silicone Watch In White.
Excited na excited itong si Dominic sa loob ng taxi habang papauwi na siya sa kanila...
Naiimagine kasi ni Dominic ang surprise look ng gwapong mukha ni Harold kapag ibinigay na niya dito ang binili niyang Fossil's Watch bukas. Pareho kasi ang brand ng kanilang watch ng kaFB niyang si Harold at one time ay nakita niyang nagPost ito ng Status sa FB na may Photo ng nasabing watch kaya nama'y ito ang kauna-unahang pumasok sa isipan ni Dominic na ipang-su-Surprise niya kay Harold kapag nagkita na sila bukas...
Lalong napangisi itong si Dominic nang maisip niya ang surprise sa kaniya ni Harold...
Napakagat ng kaniyang mga labi ang excited na si Dominic at alam niyang magtatapat na itong si Harold sa kaniya based on their last conversation...
NagConfide kasi itong si Harold kay Dominic sa FB na gusto na nitong pumasok sa isang relationship kaya nga lang ay wala siyang lakas ng loob na magtapat sa matagal na niyang Crush sa FB...
Alam ni Dominic sa kaniyang sarili na siya ang tinutukoy ni Harold kaya nama'y nag-act na lamang si Dominic na clueless siya at sinabi sa kaniya ni Harold at sinabihan na lamang niya ito that he'll support him...
"I'm excited to see you tommorow..." Ang nakapagpangiti ng wagas-wagas kay Dominic nang mabasa niya ang latest na reply ni Harold sa kaniya sa FB kaya nama'y tinawagan na niya sa mobile itong si Harold.
"Hey..." Ang bungad ni Dominic nang sumagot itong si Harold.
"Musta na Tol..." Ang masayang reply naman ni Harold.
"Eto... Pauwi na... Ikaw..." Ang sambit ni Dominic.
"Eto... NagpapaGwapo..." Ang reply naman Harold.
"Para kanino..." Ang nakangiting tanong naman ni Dominic.
"Edi para sa'yo... Nakakahiya naman kasi at baka magmukha akong alalay kapag kasama kita..." Ang natatawang banat naman ni Harold sa kinikillig na si Dominic.
"Sira ka talaga Tol... Kahit nakapambahay ka lang eh ayos na ayos na yun..." Ang natatawang reply naman ni Dominic sa kausap.
"Seriously... I want to be at my Best kapag nagkita na tayo..." Ani ni Harold sa biglang natamemeng si Dominic.
"Basta.. I can't wait to see you..." Ang last na sinambit ni Harold kay Dominic and after that ay nagpaalam na ito sa kaniya dahil maliligo na ito dahil may lakad kasi sila ng family niya.
NapaSigh na lamang itong si Dominic at talaga namang ito na ang kaniyang pinakahihintay sa buong buhay paminta niya...
Kahit may nararamdamang pangamba sa kaniyang puso itong si Dominic na pumasok sa isang same sex relationship ay masayang-masaya pa din siya...
Hindi na siya mangangarap pa and magiging curious pa kung ano nga ba talaga ang pakiramdam ng isang taong nasa isang relationship...
Hindi na din siya maiinggit sa mga nakikita niyang mga kaFB niyang mga katulad din niyang Paminta na nag-i-iStatus sa FB ng kanilang mga Photo na kasama ang kanilang mga kaPartner...
"Haaaissst..." Ang mahabang bugtong hininga na lamang ni Dominic nang mga sandaling iyon habang iniisip niyang may panibagong na namang chapter na mabubuksan sa kaniyang Bisexual life.

*****7:30 pm*****

Agad-agad na bumungad sa dalawang tainga ni Dominic ang malakas na sound ng pagpapatugtog ng kaniyang Mom ng mga Christmas SoundTrack ng 'The Carpenters'...
"Oh my Son... Ba't ang tagal mo... Mwaaaah..." Ang sweet na bati sa kaniya ng kaniyang Mom nang makapasok na si Dominic ng kanilang Living Room.
"May dinaanan pa po kasi ako..." Ang reply back naman ni Dominic habang hinaHug niya ang kaniyang Mom.
"Nagawa mo ba ang pinagagawa ko..." Ang biglang serious na tanong naman ng Mom ni Dominic.
"Yup... Here... Nasa Photo Folders lahat pati ang prices..." Ang answer naman ni Dominic habang iniaabot niya ang kaniyang iPhone sa kaniyang Mom.
"Print mo na lang at malabo na ang mga mata ko...:" Ang reply naman ng Mom ni Dominic.
"Mamaya na lang Ma... Where's Dad..." Ang nakaSmile na sinabi naman ni Dominic sa kaniyang Mom.
"Baka on the way home na yun... May pinabili lang ako sa Mall..." Ang maiksing reply naman ng Mom ni Dominic.
"Hey..." Ang biglang bati naman ng Dad ni Dominic nang makapasok na ito sa sala.
"Speaking of..." Ang ani ng Mom ni Dominic at kaagad nitong nilapitan ang kaniyang husband upang bigyan ng kiss.
"Eto na yung mga pinabibili mo Darling..." Ang sweet na sambit ng Dad ni Dominic habang iniaabot niya ang isang maliit na paper bag sa kaniyang wife.
"What do you think Doms..." Ang nakaSmile na usal ng Mommy ni Dominic habang ipinakikita niya sa kaniyang anak ang laman ng maliit na paper bag.
"Silver and Red... Silver and White... Or Silver and Blue..." Ang tanong ng Mom ni Dominic upang hingin ang idea ng kaniyang anak sa kung anong magandang motiff para sa kanilang Christmas Decoration for this year.
"Anything Ma... Kahit naman magSuggest ako eh kung anong trip nyo eh yun ang nasusunod di ba..." Ang natatawang sambit lang ni Doms.
Tradition na ng Family nina Dominic na maagang maglagay ng Christmas Decor kapag nakapasok na ang 'Ber' Months.
"Just do your Magic Darling..." Ang segunda mano naman ng Dad ni Dominic sabay yakap niya sa kaniyang wife.
"Good Answer..." Ang nakaSmile na sambit naman ng Mom ni Dominic.
NapaSmile na lamang si Dominic habang pinagmamasdan niya na sweet na sweet na pag-uusap ng kaniyang Mom and Dad...
Naging maganda ang mga pinuhunang mga stocks ng mga Parents ni Dominic sa mga iba't-ibang mga malalaking Company kaya nama'y maagang mga nakapagRetired ang mga ito...
Bukod sa kanilang mga Stocks ay may mga natatanggap na pension ang Mommy Juliet and Daddy Elvis ni Dominic from the Government and may mga private retirement plans pa sila kaya nama'y maalwan na maalwan angkanilang pagreRetired...
Dominic was born with a Silver Spoon in his mouth dahil noong mga nagwo-Work pa ang kaniyang mga Parent's ay mga bigatin ito sa kanilang mga Profession...
Ilan ang hinahawakan ng kaniyang Mommy Juliet na mga Public and Private Museums noong nagtratrabaho pa ito bilang Art Gallery Director habang ang kaniyang Daddy Elvis nama'y mataas ang position bilang isang Head ng mga Architectural Firms and Public Engineering Offices.
Kahit mga Retired na ang mga ito'y kumikita pa din ang mga Parents ni Dominic bilang mga Consultant sa kani-kanilang mga Industry...
Nagpapasalamat din itong si Dominic sa kaniyang mga magulang dahil kahit na may kaya ang mga ito'y tinuruan siya nito't ginabayan kaya nama'y lumaki siyang humble and down to earth...
Malaki din ang gratefulness sa puso ng binata sa kaniyang Mommy Juliet and Daddy Elvis dahil sa kanila niya nakuha ang kaniyang looks...
Parehong may Spanish Blood ang parents ni Dominic kaya nama'y lahat ay nanghihinayang at nagsasabing sana'y nag-artista na lamang ang binata at nasayang lamang ang pagiging gwapo't mestizo nito dahil lagi na lamang itong nakakulong sa Museong Pambata...
"Can I have this Dance please..." Ang sweet na sinambit ni Daddy Elvis kay Mommy Juliet na siya namang pinagbigyan kaagad ng isa.
Napailing na lamang itong si Dominic habang sweet na sweet na nagsasayaw ang kaniyang Mom and Dad kasabay ng himig ng tumutugtog na 'The Carpenters' Song sa kanilang salas.
Isa lang ang reklamo ni Dominic sa kaniyang mga Parents...
Mga napag-iwanan na ang mga ito ng panahon at tila ba nagStay ang mga ito sa woodstock or 70's era kaya nama'y halos parang mga binata't dalaga pa kung umasta ang mga ito...
Certified na mga hippies ang Mom and Dad nitong si Dominic...
Ang palaging get up ni Mommy Juliet ay ang mga mahahaba nitong mga Dresses at palagi itong may mga suot-suot na mga malalaking loop earings, Beaded necklaces at ang mga hindi mabilang na mga bangles sa magkabilaang mga wrist nito samantalang ang kaniyang Daddy Elvis nama'y long hair pa din until now na palaging nakaPonyTail at mahilig ito sa mga tie Dyed shirts at buhay pa din ang mga BellBottoms vintage jeans nito...
Kahit sa music ay napaglipasan na din ng panahon ang mga ito at sila na ata ang couple na siyang pinaka number one Fan ng yumaong si Karen Carpenter...
Sina Mommy Juliet and Daddy Elvis din ang salarin kung bakit adik na adik din ang binatang si Dominic sa mga songs ng 'The Carpenters' dahil pinalaki nila ang kanilang anak sa pakikinig ng mga kanta ng sikat na sikat na Vintage Band ng magkapatid na sina Richard and Karen Carpenter...
"Hindi pa ba kayo kakain..." Ang bungad naman ni Tita Luisa sa tatlo nang pumasok na ito sa salas.
"Busog pa ako Ta..." Ang sambit na lamang ni Dominic sa kaniyang tiyahin.
"Mag-a-Apple na lang ako Ate..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet sa kaniyang nakakatandang kapatid.
"Coffee lang ako..." Ang sambit naman ni Daddy Elvis habang patuloy pa din silang nagsasayaw ni Mommy Juliet.
"Doms... Sumabay ka na sa akin magDinner..." Ang sambit naman ng nakasimangot na si Tita Luisa kay Dominic.
"Maya-maya na po ako Ta... Pahinga po muna ako bago kumain..." Ang reply naman ni Dominic sa kaniyang tiyahin at pagkatapos ay kaniyang ibinagsak ang kaniyang buong bigat  sa kanilang sofa upang sumalampak.
"GROOOOWL... ARF... ARF... ARF..."
"POTCHA NAMAN THALIA..."
Ang kahol ng aso't bulyaw ni Dominic na magkasabay na biglang umalingawngaw sa apat na sulok ng salas nila.
"Naku... Nasaktan ka ba Baby..." Ang concerned and biglang sambit naman ni Daddy Elvis at kaagad niyang nilapitan ang kanilang alagang Labrador Golden Retriever.
"ANO KA BA NAMAN DOMS... HINDI MO MUNA TINITIGNAN ANG INUUPUAN MO..." Ang sermon kaagad ni Mommy Juliet sa kaniyang nagulantang na anak.
"Hindi ko napansin at saka Sofa kaya yan... Inuupuan ng Tao..." Ang sagot naman ni Doms sabay pagbibigay niya ng masamang titig niya sa kanilang pet na Labrador Golden Retriever.
Magkasing kulay kasi ang kanilang sofa at ang fur ni Thalia kaya nama'y hindi napansin kanina ni Dominic na nakasalampak na sa kanilang sofa ang kanilang Labrador Golden Retriever...
"GROWL... GRRRRR..." Ang galit na galit namang pag-angil ng Asong si Thali kay Dominic na lalo pang ikinaasar ng binata.
"IKAW ANG MAY ISIP EH... IKAW ANG MAGPASENSYA...Tahan na Baby..." Ang sambit lamang ni Mommy Juliet at kaniya nang pinuntahan ang kanilang Pet na si Thalia at tinulungan na din niya ang kaniyang husband si Daddy Elvis sa pag-papatahan kay Thalia.
"INI-iSPOILED NYO KASI YANG MATABANG ASONG YAN..." Ang galit na usal lamang ni Dominic sa kaniyang Parents at kaagad siyang nagdabog papuntang kusina upang sabayan na ang kaniyang Tita Luisa na magDinner.
"ARF... ARF... ARF..." Ang mabagsik namang kahol ni Thalia sa papaalis na binata.
"WATCH YOUR WORD YOUNG MAN... Sensitive ang mga animals..." Ang pahabol na sermon muli ni Mommy Juliet sa kaniyang anak.
Isa pa sa kinaiinisan ni Dominic sa kaniyang mga hippy na parents ay ang pang-i-iSpoiled nito sa kanilang Labrador Golden Retriever na Pet na si Thalia...
Kahit na naiintindihan niyang walang ng pwedeng i-Baby ang kaniyang mga Parents kaya nama'y nag-alaga na lamang ang mga ito ng Aso'y aminado ang binata sa kaniyang sarili na nagseSelos siya paminsan-pinsan kay Thalia kaya nama'y paminsan ay hindi niya maiwasang kumulo ang kaniyang dugo sa kanilang masungit na aso...
Sa sobrang pang-i-iSpoiled nina Mommy Juliet and Daddy Elvis kay Thalia ay naging extreme ang pagkaObese nito kaya nama'y ito ang ginagamit na pang-asar ni Dominic sa kanilang Labrador Golden Retriever...
"Nag-away na naman kayo ni Thalia..." Ang bungad ni Tita Luisa sa kaniyang nakaSimangot na pamangkin.
"Matandang dalaga na kasi kaya masungit..." Ang wala sa isip na naisambulat ni Dominic sa tiyahin.
"Anong Problema mo sa matatandang dalaga..." Ang walang emotion na tanong nang naniningkit ang mga matang si Tita Luisa.
"Si Thalia... Si Thalia yung sinasabihan ko Tita Lui..." Ang biglang pagbawi kaagad ni Dominic sa kaniyang sinabi kanina.
Si Tita Luisa ang kasa-kasama noon ng mg Parents nila ni Mommy Juliet at nang mamatay na ang mga ito'y doon na lamang tumira itong si Tita Luisa sa bahay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Mommy Juliet...
Dalawa lang na magkapatid itong sina Tita Luisa and Mommy Juliet at naging parang second mother na din ni Dominic ang kaniyang Tita Luisa at katulad din ng kaniyang nakababatang kapatid ay napag-iwanan na din ito ng panhanon at hindi na nakapag-asawa pa but happy naman si Tita Luisa dahil para na din siyang may pamilya sa family ng kaniyang nakababatang kapatid na si Mommy Juliet...

*****Saturday 5:30am*****

Maagang nagising itong si Dominic at talaga namang excited na excited siya since yesterday pa para sa kanilang meet up ni Harold...
"Huwag ka nang magReklamo..." Ang naiinis na sambit ni Dominic nang nilalagyan niya ng kadena ang Pink na Collar ng kanilang umaangil na Labrador Golden Retriever na si Thalia.
"Grrrrr..." Ang badtrip na angil na lamang ni Thalia dahil talaga namang ayaw na ayaw niyang nilalakad siya tuwing umaga.
"Bakit ba ang tamad mong mag-Exercise... Pero kapag tumatakas ka naman eh mabilis ka pa sa alas kuwatro..." Ang inis na sambit ni Dominic sa nagpupumiglas na si Thalia habang naglalakad sila sa kalye ng kanilang executive village.
May mga times kasi na kapag gustong mag-gala at lumandi ni Thalia ay nag-o-Over the bakod ito...
"Kailangan mo ng exercise at ang taba-taba mo na!" Ang muling usal ni Dominic nang biglang huminto na naman ang kanilang Aso.
"Sus naman..." Ang next na usal ni Dominic nang walang pasabing umebak sa gitna ng kalsada itong si Thalia.
"Bilisan mo Thalia at baka may makakita sa atin..." Ang usal muli ni Dominic sa umeebak na si Thalia.
"Grrrrrrr..." Ang muling angil ni Thalia at ang talaga namang kinaayawan niya'y ang naiistorbo siya sa kaniyang pag-Ebak.
"Hindi mo dapat pinatatae yang Aso mo sa kalsada..." Ang boses ng isang lalaki na bigla na lamang na narinig nitong si Dominic mula sa kaniyang likuran at napasinghap siya nang kaniyang nilingong ang lalaking may nag-aari ng boses.
Kahit itong si Thalia'y biglang tumigil sa kaniyang pag-Ebak nang mapansin din nito ang hitsura ng lalaking nakahuli sa kanilang dalawa ni Dominic...
Kaagad-agad na inInspection ng natatarantang si Dominic mula ulo hanggang paa ang lalaki at halatang-halata niyang nasa kasagsagaan ng pag-jo-Jogging ito dahil basa sa pawis ang suot-suot nitong semi fit na gray na shirt at kahit naka Jogging pants ang lalaki'y halata ni Dominic na maMuscle ang mga legs nito...
Nagtagal pa ang pag-i-inspection ni Dominic sa mukha ng lalaki...
Although halata ni Dominic na nasa mga late 20s na ang lalaking nag-jo-Jogging ay nagtatagalya ito ng isang matinee look at napakaMasculine ng features ng bone structures nito sa mukha na binagayan naman ng matangos nitong ilong...
"Hindi mo ba dadamputin yang dumi ng Aso mo..." Ang biglang sinambit ng lalaki na siyang nagpabalik sa natulalang diwa ni Dominic.
"Ansabe mo..." Ang nasambit na lamang ng natatarantang si Dominic.
"Sabi ko hindi mo ba dadamputin yang dumi ng Aso mo..." Ang ulit ng lalaki at kaagad namang napatulala si Dominic nang mapansin niya ang nagmumurang Adams Apple ng kaniyang kaharap na lalo pang nagbigay ng very Masculine look nito.
"Bakit ko naman dadamputin..." Ang reply naman ni Dominic habang unti-unti na siyang nahihimasmasan dahil sa attitude ng athletic built na lalaki.
"Baka may makaapak dyan..."
"Natural na naaApakan naman ang tae ng aso di ba..." Ang smart ass na sagot ni Dominic nang maangasan na siya sa kaharap niyang lalaki.
Dahil sa sobrang taba nitong si Thalia ay every morning na inilalakad ni Dominic ito palibot sa kanilang executive village para kahit papaano'y makapag-Exercise ito and routine na din ni Thalia na umeEbak sa kalsada and this is the first time na may maangas na naglakas loob na sumaway sa kanilang dalawa...
"Sa US eh bawal yan..." Ang sambit naman ng naasar na ding lalaki.
"Eh nasa Pinas naman tayo ah..." ang hindi papatalong pangangatwiran ni Dominic.
Now lang kasi niya nakita ang lalaking sumaway sa kanila ni Thalia at kaagad na nahulaan nitong si Dominic na bagong salta lang sa kanilang Village ang lalaki.
Based on what the man said ay napaghalata na ni Dominic na Balikbayan ito dahil sa pagko-Compare nito sa US and Pinas...
"Teka nga lang... Bawal ang mga outsiders dito ah... Bakit ka pinapasok ng Guard..." Ang sunod na sambit ni Dominic sa lalaki.
"Hindi ako outsider... Kakalipat ko lang..." Ang reply naman ng lalaki.
"You should train your dog para hindi siya tumatae kung saan-saan..." Ang sunod namang sinabi ng lalaki sa naasar na din na si Dominic.
"Sabihin mo yan sa buong Pinas..." Ang pabalang na sagot naman ni Dominic.
"Come here Thalia..." Ang next na nasambit ni Dominic nang makita niyang nakalapit na pala itong si Thalia sa lalaki at tila ba sarap na sarap ito habang kinakamot ng Guy ang likod ng tainga ng Labrador Golden Retiever.
"Hey... You shouldn't do that yo your Pet..." Ang biglang saway naman ng lalaki nang makita niyang marahas na hinila ni Dominic ang kadena ni Thalia.
"Sabi nino..." Ang reply lamang ni Dominic habang papalayo na siyang hila-hila ang nagpupumiglas na si Thalia.
"FUCK!!!" Ang biglang malakas na naiusal ni Dominic that time.
"HA HA!!!" Ang masaya't nang-aasar na halakhak naman ng lalaki.
Namumula sa galit at hiya ang buong mukha ni Dominic at binalewala naman ng humahalakhak na lalaki nang tinignan niya ito ng masama...
"Uwi na tayo..." Ang galit na sambit na lamang ni Dominic kay Thalia upang iwan na ang tumatawa pa ding lalaki.
Halos umusok na ang dalawang butas ng ilong ni Dominic dahil sa galit at hiya at talaga namang nag-aalburuto siya habang papauwi na sila ng kanilang napakaTabang Aso...
Dahil asar na asar itong si Dominic sa maangas na bagong salta sa kanilang executive village na lalaki'y hindi niya napansin ang ebak ni Thalia at kaniya itong naapakan kanina...
...
...
...
"Ang landi mo talaga Thalia..." Ang buska kaagad ni Dominic sa kanilang matabang Labrador Golden Retriever nang makauwi na sila at kaagad niyang tinanggalan ito ng kadena.
"Grrrr... ARF..." Ang galit na reply naman ni Thalia sa anak ng kaniyang mga Amo.
Kaagad na pumunta si Dominic sa likod ng kanilang bahay upang hugasan ang kaniyang Banana Peel na Flip Flops habang si Thalia nama'y dumirecho kaagad sa Garden upang ituloy ang naudlot nitong pag-Ebak sa kalsada kanina...
...
...
...
"Doms..." Ang pagtawag ni Mommy Juliet sa kaniyang anak.
"Ano yun Ma..." Ang reply naman ni Dominic.
"Kayo na munang bahala dito ng Tita Lui mo at baka gabihin kami ng Dad mo..."
"Saan po kayo pupunta..."
"Sasamahan ako ng Papa mo sa Shop the whole day and then after that eh sasamahan ko naman siya sa kaniyang dinner meeting with his client..." Ang explain naman ni Mommy Juliet kay Dominic.
May isang maliit na Antique and Vintage shop din kasi itong si Mommy Juliet that she started para lamang may mapagkaabalahan siya on her retirement.
"Sure Ma... Hindi ba kayo magbre-Breakfast..." Ang tanong naman ni Dominic nang mapansin niyang nakaPorma ang kaniyang Mommy.
"NagJuice lang kami ng Dad mo at hindi magandang full ang stomach kapag nagyo-Yoga..." Ang usal naman ni Mommy Juliet.
Vegetarian and Heath Concsious kasi ang Mom and Dad ni Dominic...
"Huwag mong ipapasok yang Tsinelas mo sa bahay..." Ang last na bilin ni Mommy Juliet kay Doms nang makita niyang hinuhugasan ng kaniyang anak ang tae sa slippers nito.
"Ma... Alis din ako mamayang gabi... May lakad ako with my Friend..." Ang pahabol na paalam ni Dominic sa kaniyang Mom.
"AY... Tamang-tama't buti sinabi mo... Bili ka naman ng Puto Bumbong at Bibingka kapag may nadaanan ka pag-uwi... Huwag mong palagyan ng Margarine... THANK YOU DOMS!!!" Ang masayang sunod-sunod na usal kaagad ni Mommy Juliet sabay alis niya sa harapan ni Dominic.
"Teka Ma... Bakit ako... Aalis naman kayo ni Dad eh..." Ang reklamo kaagad ni Dominic but it's too late na dahil narinig na ni Doms na lumabas na sa kanilang gate ang sasakyan ng kaniyang Dad.
"IMBA..." Ang outburst na lamang ni Dominic habang nakatayo siyang mag-isa sa posohan nila at feeling niya'y naisahan na naman siya ng kaniyang Mommy.

*****7:30 pm*****

Buong araw na nagkulong lang si Dominic sa kaniyang room upang makapagPrepare sa kaniyang Dinner Meet Up with his FB close friend na si Harold at talaga namang sinadya niyang hindi magparamdam dito the whole day upang makadagdag din sa kaniyang nararamdamang nagle-Level Up na thrill sa araw na iyon...
Hindi na ginamit pa ni Dominic ang kanilang Adventure bagkus ay nagTaxi na lamang siya papunta sa meeting place nila ni Harold. Dalawa kasi ang sasakyan nila Dominic...
Ang isa'y Adventure and ang isa nama'y isang Vintage Volkswagen na siyang ginagamit ng kaniyang Mom and Dad...
Medyo naasiwa itong si Dominic dahil medyo moderate to heavy ang Traffic papuntang GreenField District at lalo pang kinabahan ang binata nang magpadala ng SMS si Harold upang ipaalam sa kaniyang nasa BlackWood Bar and Grill na siya...
"Just give me 15 to 30 minutes at Traffic..." Ang reply naman ng excited na si Dominic.
"Just take care... I can't wait t see you and surprise you..." Ang balik reply naman ni Harold via SMS.
Hindi na nagReply pa itong si Dominic at napakagat na lamang siya ng kaniyang mga labi at talaga namang nagwawating na sa mga oras na iyon ang halo-halong emotions sa kaniyang dibdib...
...
...
...
Kahit na malakas ang hangin at ulan that time ay hindi ito nakapagpababa ng level of excitement and anticipation ni Dominic...
Bago pumasok sa BlackWood Bar and Grill ay tinignan muna ni Dominic ang kaniyang Reflection sa Glass door ng resto at kahit na medyo kinakabahan siya't nako-Conscious ay napangiti siya dahil satisfied na satisfied siya sa kaniyang hitsura and get up...
NakaRed na Lacoste Polo shirt lang siya at naka Sure fit na Levi's Sure fit na Jeans na tinernuhan niya ng isang pair ng black Chuck Taylors...
Mas lalo kasing lumalabas ang pagkaGwap't Mestizo nitng si Dominic kapag hindi siya masyadong nakaPorma...
"This is it Doms..." Ang buntong hininga na lamang ng binata sa sarili nang makapasok na siya sa Resto at hindi talaga namang hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili kung bakit siya nakakaramdam ng matinding kaba't excitement that very second.
Nanlamig ang buong katawan ni Dominic nang masilayan na niya itong si Harold...
Tulad nang sinabi ni Harold sa kaniyang SMS kay Dominic ay naka Gray na surefit na 3/4 sleeves na polo ito na lalo pang nagpaGwapo sa baby face nito...
"Doms... Is that you..." Ang malakas na usal ng nakangiting si Harold nang mapansin na nito ang nakatayong kaFB.
Lalo pang nakoConscious itong si Dominic dahil lumabas ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilaang cheeks ng gwapong si Harold...
NapaSmile na lamang itong si Dominic nang makalapit na siya sa Table na iniReserved mismo ni Harold para sa kanilang meet up and after that ay walang pasabing tumayo sa kaniyang kinauupuan itong si Harold at mahigpit na niyakap nito si Dominic...
"At last... Nayakap na din kita Doms..." Ang masayang sambit ni Harold habang mahigpit niyang yakap-yakap ang kaFB.
"SYET..." Ang malakas na sigaw sa isipan ni Dominic dahil damang-dama niya ang matitigas na muscles ni Harold at amoy na amoy din niya ang scent ng ginamit na mild cologne nito na lalo pang nagpalambot sa kaniyang mga tuhod.
"What's this..." Ang nakaSmile na curious na tanong ni Harold nang iniabot na sa kaniya kaagad ni Dominic angisang maliit na paper bag.
"What the..." Ang nasambit na lamang ni Harold sabay tingin niya kay Dominic.
"Surprise..." Ang nahihiyang sambit lamang ni Dominic.
"Doms... You don't need to..." Ang hindi makapaniwalang usal ni Harold at talaga namang naSurprise siya nang makita niya ang nasa loob ng maliit na paper bag na Fossil's Nate Chronograph Silicone Watch In White.
"Wala yun..." Ang mahinang reply lamang ng namumulang si Dominic at hanggang ngayon ay wala pa din siyang mahugot na mga sentences para kay Harold.
"Let's SitDown muna bago ko naman sabihin ang surprise ko sa'yo..." Ang excited na usal ni Harold.
"FUCK..." Ang muling bulalas sa isipan ni Dominic nang biglang hinawakan ni Harold ang kaniyang mga kamay.
"Mas gwapo ka pala sa personal..." Ang next na malambing na usal ni Harold sa lalo pang nabaliw na si Dominic.
"Cool ka lang Doms... Relax lang..." Ang pagbibilin ni Dominic sa kaniyang sarili at talaga namang lalo pa siyang kinabahan ng mga sandaling iyon.
"Wait lang ha... NagCR lang siya..." Ang isinunod na sentence ni Harold sa biglang natamemeng si Dominic.
"Ha..." Ang naibuska na lamang ng naguguluhang si Dominic.
"Here He comes..." Ang nakaSmile na usal naman ni Harold sa biglang kinabahang si Dominic and after that ay may lumapit na isang gwapo ding lalaki sa kanilang table.
"Eto ang surprise ko sa'yo Doms... Please meet Kevin... Ang bago kong Boyfriend..." Ang masayang intro ni Harold kay Dominic.
"Hi... Ikaw pala si Doms... Lagi kang ikinukuwento sa akin ni Harold..." Ang nakaSmile namang usal ni Kevin nang makaupo na ito sa kanilang table.
...
...
...
"Nagulat ka ano... Thank you talaga sa pagSupport mo sa akin Doms na pumasok muli sa isang relationship..." Ang thankful na sambit ni Harold sa nakatulalang si Dominic.
...
...
...
"Hey... Are you okay..." Ang tanong naman ni Kevin nang hindi nakapagReply itong si Dominic.
...
...
...
"Oist Doms... Okay ka lang ba..." Ang sambit naman ni Harold.
...
...
...
Kahit na ayaw iAbsorb ni Dominic ang situation ay wala siyang nagawa dahil unti-unti na niyang nareRealized ang kaniyang katayuan ng mga sandaling iyon...
...
...
...
Wala pa din siyang maiReply sa dalawa niyang kaharap habang unti-unting nanlalamig ang kaniyang buong katawan...
...
...
...
"Doms..." Ang muling usal ni Harold kay Dominic.
...
...
...
"AWTSUUUUUUUUUUUUU!!!" Ang malakas na sigaw ng puso't isipan ni Dominic nang totally na maAbsorb na niya ang lahat-lahat between Harold and Him.


Samahan po ninyo ang ating bidang si Doms hanggang sa maRealized niya na nagreReflect na pala sa kaniyang buhay ang mga Songs ng kaniyang Idol na si Karen Carpenter at hanggang sa maRealized din niya sa kaniyang buhay that there is a lesson to be learned sa mga lyrics ng kaniyang mga paboritong mga 'The Carpenters' Song
 Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush/Top Of The World
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You

To Be Continued

45 comments:

  1. Replies
    1. Buti ka pa Mr. FrostKing eh alam mo samantalang si Kuya Doms eh Clueless :))) Hahaha!!!

      Delete
    2. ganyan tlga pag "spectator" ka lng. mas madami kang alam keysa sa bida. haha.

      Delete
  2. Broken hearted agad agad Dom! Lol

    At may nagtataray na namang dog haha! Love it!

    Thanks Kuya Ponse! Isa na namang kaabang abang na kwento :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Atleast si Thalia eh may karapatang magTaray dahil may Breed :)))

      Delete
  3. good start..medyo bitter lang c doms LOL..

    ReplyDelete
  4. Parang nakakarelate ako ah. Cant waiy sa part 4, 7 & finale. Those are my fav carpenter's songs. Exciting na naman to!!!
    Thanks kuya p.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa List na ang Hint ng magiging flow ng Story Mr. Stan :)))

      Delete
  5. masyado ka kasing assuming eh. or baka pinagseselos kalang at gusto makita ang reaksyon mo. hehe. pusong luhaan agad si doms. may parega-regalo pa kasi eh. pwede nmng s ibang araw yun.

    Ang duda ko nung una itong c harold ay yung sumita s knila ni thalia s village. hindi pala. pero baka sya yung bf ni harold. kya lalo pa syang natulala.

    rhon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan talaga kapag excited nang magkaBoyFriend Kuya Rhon :))) lol! :)))

      Delete
  6. yan kc, super assuming. he he he. anu ka ngaun Doms, nga nga! he he he. tnx ponse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya huwag tularan si Kuya D0ms :))) Hahaha!!!

      Delete
  7. Dapat ang name ng aso ay Miley para ka level ni britney hehehehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. May Class naman ang Thalia Kuya PJ :))) Hahaha!!! baka magalit si Jai Cyrus na kaFB natin :)))

      Delete
  8. Hirap talaga mg-expect hahaha kawawang Dominic. Malay natin baka nasa village lng pala nila ang kapalaran niya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. malay mo naman kuya Richie eh nasa museong pambata :)))

      Delete
  9. awtsuuu tlaga >_<

    aasa-asa un pla umaasa lang tlaga xa :(
    may maangas neighbor ka nman doms, xa nlang :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure ka na ba Lawfer??? Nakita mo naman ang anyare kay Kuya Doms na mapagAssume :)))

      Delete
  10. kuyaaaa! Gustong gusto ko talaga mga akda mo. Wag ka sanang titigil sa pagsusulat.
    XoXo
    -frontier

    ReplyDelete
  11. yey.. meron na naman akong aabangan..

    Mike (silent reader) hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mice to meet you Kuya Mike :))) Tenchu po sa pagbasa't Pag-iwan ng Comment!!!

      MERRY CHRISTMAS!!!

      Delete
  12. Nc 1 !!


    « bubwit »®

    ReplyDelete
    Replies
    1. By 1st or 2nd week ng December eh tapos na po ito (or kung mas maaga pa) and after that eh puro Christmas Espesyal na si Ponse :)))

      Delete
  13. And you're back, Ponse my favorite!

    What a good start! I'm sure papatok nanaman ito. Na-miss ko mga sulat mo. Parang hinahanap-hanap ng puso ko. Naks. Hahahaha.:))

    All the best,

    Rico

    ReplyDelete
    Replies
    1. Friend Rico... :))) Huwag ka masyadong magExpect :)))
      Mababaw lang po ito :)))

      TC Palage and God Bless!!!

      Delete
    2. Kahit mababaw pa ito friend, nasa writing style mo ang magic.

      Aminin, yung mga kilig box-office movies mababaw din naman ang premise pero nadadala ng writing at siyempre, mounting ng direktor.

      Parang ganun lang din sayo. Artist ka, my friend! Yihee, kilig na yan! Hahahaha.:))

      - Rico

      Delete
    3. Hindi po Artist si Ponse Friend :))) ADIK po si Ponse :)))

      Delete
  14. Early Christmas gift sa aming mga readers ah...maganda ang 1st chapter mabilis ang eksena....keep it up

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mayroon pa po akong isa pang gift pagdating ng December Kuya Raffy :)))

      Delete
  15. Wow , neng sosyal na ung mataray na aso , wawa c Britney tinalbogan ni Thalia ...

    Wawa c Doms umpisa palang nabigo na kaagad ...

    Super excited ako sa next chaptet .. Solomoch ng madami neng 😍😜😜

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas may karapatan naman Ate Joy si Thalia kaysa kay Britney :))) HAHAHA!!!

      Delete
  16. Basta tatak Ponse talaga, kaabang-abang. Isa ka talagang ADIK kuya Ponse

    Anlupet
    DaBest
    Imba
    Kulet

    haha, pinilit ko lang yan, wag mo nalang masyadong pansinin. Kudos sa bagong story. umpisa pa lang di na ako makapaghintay ng mga kasunod.

    ~JACK

    ReplyDelete
  17. Bakit pala nasa msobscratch.blogspot.com to?

    ~JACK

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Ponse kasi eh naglalagay palagi ng background music and may radio ang msob site kaya nagkakasabayan ang sound. kaya dito na laang sa scratch Kuya Jack!!! :)))

      Delete
  18. Hi kuya Ponse... Hala may magmumokmok nanaman at magiging masungit... hahahahahaha. Asan na yung Adventure ni Britney at Baby Joey Boy...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nadun sa ph0t0 album ng MS0B FB Page Kuya B0bby :)))

      Delete
  19. Ito pla c kuya ponse...mukhang gwapo c kuya ponse at bigotilyo pa at balbasin pa.bkit side view lng?harap k nman kuya ponse pra mkilala kita..ehek!!!ang layo ng comment ko s istorya...awtsuuu ba..hummm...feel ko prin ang ehek ay arf arf..kc may aso n nman n mahilig mag arf arf...thanks kuya ponse

    ReplyDelete
  20. awesome start!!!!! Iba ka talaga kuya Ponse the pogi....another great story..

    ReplyDelete
  21. awesome start!!!!! Iba ka talaga kuya Ponse the pogi....another great story..

    ReplyDelete
  22. wow new story!!!thank you kuya ponse!!!

    Just

    ReplyDelete
  23. wow new story!!!thank you kuya ponse!!!

    Just

    ReplyDelete
  24. Ang galing...

    Greeting cards that I'd been sent.. The Christmas rush is through..

    Ang galing mo talaga Kuya Ponse.. Gusto ko yung kanta sa Part 4 though hindi ko pa nababasa.. Feeling ko intense.. :D

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete