Monday, September 30, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 2




*******Saturday 11:30pm*******

Hindi talaga makapaniwala itong si Dominic kung saan niya nahugot kanina ang strength and ang kaniyang fighting spirit at nakatagal siya na makasama ang kaniyang kaFB Friend na si Harold at ang new BF nitong si Kevin...
Kahit na gustong maiyak at maglupasay itong assuming na si Dominic sa Blackwood Bar and Grill kanina'y nagtiis na lamang siyang magkunwaring he was happy for Harold at pumasok na ulit ito sa isang same sex relationship...
Isang napakatamis at napakaFake na smile na lamang ang ibinibigay ni Dominic sa dalawa habang nagdiDinner sila at talaga namang every seconds na kasama niya ang sweet na sweet na sina Harold and Kevin ay pakiramdam niyang sinasaksak ng napakaraming mga matatalas na bread knife ang kaniyang puso...
Talagang umasa itong si Dominic na siya ang tinutukoy and ang lucky one na sinasabi sa kaniya sa FB ni Harold na gusto nitong makaRelationship kaya nama'y tinodo't itinaas niya ang kaniyang expectation sa kanilang meet up kaya nama'y halos gumuho na ang kaniyang buong mundo nang mapag-alamanan niyang si Kevin ang kaRelationship ng matagal na niyang crush na KaFB niyang si Harold...
...
...
...
Hindi na nagDoorbell pa itong si Dominic at ginamit na lamang niya ang kaniyang mga Keys at tuloy tuloy na siyang pumasok sa kanilang gate at kahit na ang sukli sa taxing kaniyang sinakyang papauwi sa kanila'y hindi na niya hiningi pa sa Driver...
"Hey... Kumusta ang lakad mo Doms..." Ang masayang greet sa kaniya ng kaniyang Mommy Juliet na siya namang ikinagulat ni Dominic.
Sa kusina kasi dumaan itong si Dominic para hindi siya makita't matanong ng kaniyang mga kasama sa bahay just in case na gising pa ang mga ito at talaga namang wala siya sa mood na makipag-usap kanino man...
"HA..." Ang reply na lamang ni Dominic sa kaniyang Mom and Dad na nakaupo at nagkoCoffee sa kanilang kitchen.
"I said... Kumusta ang lakad mo Doms..." Ang ulit ng kaniyang Mommy Juliet kay Dominic.
Tulala pa din si Doms at ang kaniyang diwa'y tila naiwan ba sa Blackwood Bar and Grill...
"Para kang naEngkanto..." Ang natatawang sambit naman ni Daddy Elvis sa kaniyang anak.
"Ah... A-a-ayos naman po Dad..." Ang balik diwang reply naman kaagad ni Dominic at katulad ng kaniyang ginawa kanina noong kasama niya sina Harold and Kevin ay nagkunwaring okay na okay itong si Dominic in Front of his smiling parents.
"Eto na po yung pinabibili Ma..." Ang next na mahinang sinabi ni Dominic sabay abot niya ng isang maliit na plastic bag ng puto bumbong at bibingka sa kaniyang napaSmile pa lalong si Mommy Juliet.
"WOW NAMAN DOMS... Mainit-init pa... Tara samahan mo muna kami magCoffee ng Daddy mo..." Ang masayang sambit naman ni Mommy Juliet sa pagal na pagal na si Dominic.
"I'll just go to my room and sleep... Medyo napagod po ako..." Ang matamlay na reply ni Dominic habang binibigyan niya ng goodnight kiss ang kaniyang Mommy Juliet.
"Are you okay Son..." Ang concern na tanong naman sa kaniya ni Daddy Elvis nang bigyan niya ito ng HighFive.
"Antok lang ako Dad..." Ang maikling naisagot na lamang ng nagsisinungaling na si Doms at kaagad na siyang nagtungo sa kaniyang room at kanina pa kasi niya gustong-gustong mag-Emo.
...
...
...
Sa shower palang ay bumuhos na kasabay ng tubig mula sa shower head ang mahigit tatlong oras nang pinipigilang mga luha nitong si Dominic at kahit na natapos na siya't nakapagpunas na'y patuloy pa din niyang ibinubuhos ang kaniyang napakalaking sama ng loob na mag-isa...
"ANG TANGA MO TALAGA DOMS..." Ang naiiyak na usal ni Dominic habang sinesermunan niya ang kaniyang sarili at kung may buhay lamang ang kaniyang body pillow ay kanina pa ito natigok dahil sa napakahigpit na yakap dito ng mga braso't binti ng nag-iEmong si Dominic.
"ANYAREEEE???!!!" Ang next na iyak ni Dominic at talaga namang hindi siya makapaniwala sa masaklap niyang dinanas kanina.
"ANG TANGA TANGA MO TALAGA KASI..." Ang pag ulit muli ni Dominic nang mabatid niya sa kaniyang sarili na wala siyang pupuwedeng ibang masisi kungdi ang sarili niya dahil sa kaniyang pag-a-Assume na crush din siya ng kaFB niyang si Harold.
Aminado itong si Dominic na big time ang kaniyang tama sa kaFB niyang si Harold ngunit labis ang kaniyang panghihinayang dahil hindi niya ipinagtapat dito ang kaniyang tunay na nararamdaman at nagAssume na lamang siya without confirming kung pareho ba sila ng feeling towards each other nitong si Harold...
"Hu... Hu... Hu..." Ang sunod-sunod na hikbi ng walang magawang si Dominic at talaga namang lalong nagLevel Up ang kaniyang pag-iEmo nang pumasok sa kaniyang isipan ang tanong na 'Magiging sila ba kaya ni Harold sakali mang nagtapat siya dito't hindi nag-Assume'.
Lalo pang naBadtrip itong si Dominic nang tumunog ang SMS Alert ng kaniyang iPhone at nang mabasa niya ang message sa kaniya ni Harold ay lalo pang tumulo ang kaniyang mga luha...
"We're going to Baguio next weekend... Sama ka sa amin ni Kevin..." Ang message ni Harold nal siya pang lalong ikinaEmo ni Dominic.
"I'll do a rain check with my Schedule..." Ang maiksing reply na lamang ni Dominic and pagkatapos ay kaagad-agad niyang ini-Off ang kaniyang iPhone upang wala nang makaDisturb sa kaniyang pagdraDrama.
Hindi na namalayan pa ni Dominic na nakatulugan na pala niya ang kaniyang pag-iyak...
Awang-awa talaga siya sa kaniyang sarili dahil hindi pa nga niya nararanasan ang maramdaman kung gaano kasiya ang pagkakaroon ng may kaRelationship ay mas nauna pa niyang nalasap at maExperience ang sakit ng pakiramdam ng isang nakaranas ng kauna-unahang Break Up...

*******Sunday 5:30 am*******

Kaagad na bumangon from his Bed ang namumugtong si Dominic at kahit na gusto pa niyang ituloy ang kaniyang naalimpungatang pagtulog ay hindi na niya ito magawa pa dahil muling pumasok na naman sa kaniyang isipan ang mga pangyayari kagabi...
Matapos magToothBrush at maghilamos ay kaagad na hinanap ni Dominic ang kanilang matabang Labrador Golden Retriever na si Thalia upang ilakad muli ito at talaga naman kasing pumapasok sa kaniyang isipan ang larawan ng sweet na sweet na sina Harld and Kevin kapag siya'y nakatengga't walang ginagawa...
"Nasaan na kaya yun..." Ang naiinis na sambit ni Dominic nang hindi niya makita si Thalia sa loob ng kanilang bahay kaya nama'y napabugtong hininga na lamang siya't lumabas sa kanilang garage at nang hindi pa din niya nakita doon ang kanilang Family Pet ay nagdadabog siyang tumungo sa kanilang Garden.
"I KNEW IT..." Ang nangGigigil na usal na lamang ng Bad Trip na si Dominic nang makita niyang nakatumba at putol-putol ang mga Ornamental plants ng kaniyang Mommy Juliet na nasa sa tabi ng kanilang bakod.
"Napakaagang lumandi..." Ang next na naiinis na sambit ni Dominic at kaagad siya bumalik sa loob ng kanilang bahay upang kunin ang kadena nitong si Thalia at saka siya tuluyan nang lumabas ng kanilang gate upang hanapin ang kanilang nag-over the bakod na Aso.
Hinihigpitan kasi nila itong si Thalia at talagang namang hindi nila ito pinapalabas ng mag-isa sa kanilang bakuran dahil may Breed nga ito at para na din hindi ito makipaghalubilo sa iba pang mga askal na pakalat-kalat sa kanilang mga Kalsada.
Although nakatira sila sa isang executive village ay marami pa ding nakakapasok ditong mga Askals kaya nama'y ganoon na lamang sila kahigpit sa kanilang Labrador Golden Retiriever pero kahit na anong paghihigpit ang gawin nila'y nakakalusot pa din sa kanila itong si Thalia at kapag inabot ng ito ng pagkaBored sa loob ng kanilang bahay or naisipang magLandi ni Thalia ay mag-o-Over the bakod na lamang ito...
Kahit na mataba itong si Thalia ay sanay na sanay at napakabilis nitong nakakaAkyat palabas sa bakod nina Dominic at ang sign na tumakas itong si Thalia ay ang mga sira-sirang halaman nila na nasa sa tabi ng bakod...
"Saan ka na naman ba nagpunta..." Ang inis na inis na usal ni Dominic para sa kanilang Pet na si Thalia habang sinusuyod niya ang kabuuan ng kanilang village.
Hindi na namamalayan pa nitong si Dominic na napapaling na sa kanilang Asong si Thalia ang kaniyang pagkaBadTrip ng araw na iyon...

*******After 30 mins*******

Halos nahalughog na niya ang buong Executive Village nila at ang lahat ng mga kalsada nito kahahanap kay Thalia ngunit hindi pa din nakikita ni Dominic ang kanilang Aso na slight nang nagpapakaba sa kaniya nang mga oras na iyon at ang last niyang pinuntaha'y ang PlayGround ng kanilang Village...
"Andito ka lang pala..." Ang naiinis na sambulat ni Dominic nang makita niya ang Golden Fur Coat ng kanilang umeskapong Aso.
Lalo pang naningkit ang dalawang namamga't namumugtong mga mata ni Dominic dahil sa kakaiyak kagabi nang makita niyang nakikipagLaro itong si Thalia sa kanilang maangas na hunk na kapitbahay...
Tandang-tanda pa din ni Dominic ang kaangasan ng Guy nang nahuli nitong umeebak itong si Thalia noong isang umaga at sinaway sila nito...
"THALIA... COME'ER..." Ang malakas na bulyaw ni Dominic nang slight na makalapit na siya sa dalawa.
Lalo pang naningkit at kumunot ang noo ni Dominic kasabay ng pagsasalubong ng kaniyang dalawang kilay nang makita niyang nagmamadaling nagtago itong si Thalia sa likod nang nakatayong pawisang Hunk...
"Ha ha ha... Ang cute pala ng name mo..." Ang masayang sambit naman ng lalaki sabay kamot niya sa likod ng isang tainga ng Aso nina Dominic.
"THALIA.... COME'ER SABI..." Ang galit na bulyaw ulit ni Dominic sa kanilang Aso.
"Hey... Cool ka lang Bro... Natatakot ang Aso..." Ang awat naman ng Concerned na Hunk at pagkatapos ay nagSquat itong humarap kay Thalia upang pakalmahin ang nagtatagong Aso sa kaniyang likuran.
Kaagad na napansin ni Dominic ang maumbok na Butt ng Guy nang nagSquat ito...
Ganoon na naman ang Get Up nito...
NakaGray na Semi Fit na Shirt na basa ng pawis at nakaJogging pants...
"HALIKA DITO THALIA..." Ang muling bulalas ni Dominic dahil hindi siya makalapit-lapit kay Thalia dahil medyo nako-Conscious siyang sa presence ng gwapong hunk na kasama ng kanilang Pet Dog.
"Lalong hindi lalapit sa iyo ang Aso at natatakot..." Ang mahinahong sambit ng pawisang Hunk na lalo pang ikinaasar ni Dominic.
"BA'T MAS MARUNONG KA PA SA'KIN..." Ang snap ni Dominic sa nagmamagaling na Hunk at wala na siyang nagawa pa at lakas loob na siyang lumapit sa dalawa.
"WHOOOOAAAAHHH!!!" Ang biglang outburst ng lalaki nang makita niya sa malapitan ang pagmumukha nitong si Dominic.
"PROBLEMA MO..." Ang mabangis na tanong agad ni Dominic sa nagulat na lalaki.
"Are you Okay..." Ang concerned na tanong ng lalaki at talaga namang nagulat siya dahil napakapula at namamaga ang dalawang mata't ilong ng mestizong si Dominic.
"NON OF YOUR BUSINESS... LIKA NA DITO..." Ang mabilis na reply ni Dominic sa lalaki at kaagad niyang ikinabit ang hawak-hawak niyang Kadena sa Pink na Collar ni Thalia.
"Sige na Thalia... Sumama ka na..." Ang mahinahong bigkas na lamang ng lalaki sa nagpupumiglas na si Thalia.
"Nice to meet you Thalia... See you again..." Ang pahabol ng lalaki sa nakaKadenang si Thalia nang hinila na ito pauwi ni Dominic.
Hindi na muling nilingon pa ni Dominic ang pawisang gwapong hunk dahil lalo pa siyang naBadTrip sa iniasal nito na para bang kilala nito ang kanilang Pet na si Thalia...
"ANG LANDI-LANDI MO TALAGA..." Ang biglang usal ng nag-aalburutong si Dominic sa kanilang Aso habang papauwi na silang dalawa.
"ARAAAY..." Ang malakas na daing ni Dominic nang walang pasabing binigyan siya ng isang mabilisang Snap ni Thalia sa kaniyang sakong.
"GROOOOOWL..." Ang angil naman ni Thalia sa naiinis na si Dominic.
"Totoo naman eh..." Ang next na nasambit na lamang ni Dominic kay Thalia habang hinihimas-himas niya ang kaniyang sakong na gamuntikan nang lapain ng kanilang Aso.
Takot din naman kasi itong si Dominic kay Thalia dahil pakiramdam niya'y mas malaki pa at mabigat ang katawan nito kaysa sa kaniya at alam niyang kayang-kaya siyang dumugin at lapain ng kanilang Aso kapag napikon ito...

*******8:00 am*******

Since Breakfast pa until now ay nagdi-Discussion pa din itong sina Dominic and Mommy Juliet habang nakatayo sila sa labas ng kanilang gate at hinihintay nilang na maiatras papalabas ni Daddy Elvis ang kanilang Vintage Volkswagen Car...
"AWOOOO... ARF... ARF... ARF..." Ang malalakas na panghoy ni Thalia mula sa backyard ng bahay nina Dominic na lalo pang nagpaConcern kay Mommy Juliet.
"Doms... Pakawalan mo na si Thalia..." Ang muling pakiusap ni Mommy Juliet sa kaniyang anak.
"Kaya umaabuso Ma eh... Mamaya maDognap yan at katayin..." Ang panakot naman ni Dominic sa kaniyang Mom.
Dahil sa sobrang pagkaBadtrip nitong si Dominic ay ikinadena niya itong si Thalia sa kanilang likod bahay para hindi na muli pang makapag-over the bakod at makatakas ito...
Labis naman ang pagka-awa ni Mommy Juliet sa kanilang Pet ngunit pumayag na din naman siyang itali muna si Thalia habang nasa sa Simbahan silang lahat at medyo natatakot din naman siya sa sinabi ni Dominic na baka ito maDog nap at katayin dahil ang Chubby chubby pa naman kasi ni Thalia...
"Himala Doms... Sumama kang magsimba..." Ang birong bati ni Tita Luisa sa kaniyang katabi sa BackSeat na pamangkin.
"Nice naman... Anong nakain mo Doms..." Ang pagbibiro naman sa kaniya ng kaniyang Mommy Juliet.
Kaysa magStay at magmukmok na lamang itong si Dominic sa house ay naisipan na lamang nitong sumama sa kaniyang Mom and Dad at Tita Luisa sa Sunday Mass...
"Are you Okay Doms... May sakit ka ba..." Ang tanong naman ni Daddy Elvis nang makita niyang namamaga't namumula ang mga mata't ilong ni Dominic.
"Sipon lang Dad... Naulanan ako kagabi eh..."
"Mas okay ka pa atang may sakit at naaalala mong magsimba..." Ang hirit muli ng kaniyang tumatawang si Tita Luisa.
Hindi na lamang kumibo pa itong si Dominic at talaga namang guilty siya't hindi na niya matandaan pa ang last time na nakapakinig siya ng Mass...
During the Mass nama'y hindi pa din maiwasan ni Dominic na maisip pa din ang nangyari last evening at pakiramdam niya'y habang buhay na niyang dadalhin ang hinagpis na idinulot ng kaniyang pag-a-Assume...
Parang nagSelf Torture itong si Dominic during the Mass dahil imbes na makinig siya sa Sermon ni Father ay kaniyang inalalang muli ang mga kilig and sweet moments nila sa FB ni Harold...
"Lord ganito po ba talaga..." Ang tanging naiDalangin na lamang ni Dominic sa mga sandaling iyon dahil wala na siyang iba pang malapitan upang paghingahan niya ng kaniyang sama ng loob.
...
...
...
"Doms..." Ang malambing na pagpukaw ni Mommy Juliet sa tahimik at nakatingin sa labas ng bintana ng Volkswagen na si Dominic.
"Ano yun Ma..."
"Pwede bang samahan mo kami ng Tita Lui mo sa Market Market..." Ang nagbabakasakaling request ng Mom ni Dominic.
"Sure..." Ang maiksing sagot lamang ng tahimik pa ding si Dominic na ikinataas ng noo nina Daddy Elvis, Mommy Juliet and Tita Luisa habang papauwi na sila ng bahay.
"Okay ka lang ba Doms..." Ang tanong naman ni Daddy Elvis sa anak.
"Okay lang ako Dad... Why did you asked?"
"Tita naman eh..." Ang next na usal ni Dominic nang inilapat ni Tita Luisa ang palad nito sa kaniyang noo.
"Madali ka kasing sumunod sa request ko eh..." Ang nakaSmile na sambit na lamang ni Mommy Juliet sa kaniyang anak.
Every Sunday kasi'y hindi nila mapaalis-alis ng bahay itong si Dominic at pahirapan talaga na utusan ito kaya nama'y nagtataka sila nang wala itong karekla-reklamong nag say ng 'Yes' sa kaniyang Mom...
"Medyo mainit ka Doms..." Ang concerned na sambit naman ni Tita Luisa.
"Ayos ka lang ba talaga Doms... Namumula yang mata't ilong mo..." Ang sambit naman ni Daddy Elvis sa kaniyang Anak.
"Ayos lang po ako... Naulanan lang ako kagabi kaya po sinipon ako pero ininuman ko na ito ng Bio Flu..." Ang pagsisinungaling lamang ni Dominic sa kanila upang hindi na siya kulitin pa ng mga ito.
Nakahinga naman ng maluwang itong si Dominic nang hindi na siya kinulit pa ng kaniyang mga kasama sa loob ng Volkswagen hanggang sa makauwi na sila ng bahay...

*******The Wholeday*******

Pagkauwing-pagkauwi nila'y agad na kinalagan ni Mommy Juliet sa pagkakaKadena ang umaalulong pa ding si Thalia at ilang minutes din nilang pinatahan ni Daddy Elvis ang nagtatampong Labrador Golden Retriever na lalo pang ikinaBadTrip nitong si Dominic...
After Lunch ay kaagad na nagsabi itong si Tita Luisa na may nakalimutan pala siyang gagawin today kaya nama'y hindi siya makakasama sa Market Market at ang kaniyang younger sister na lamang na si Mommy Juliet and si Dominic ang mga nagsilakad gamit ang kanilang Adventure habang itong si Daddy Elvis nama'y makikipagGolf sa kaniyang mga kaBarkada since noong 70s pa...
Buong araw na walang reklamo't imik itong si Dominic kaya nama'y sinamantala nitong si Mommy Juliet ang chance na utusan ang kaniyang anak na si Dominic na ipagDrive siya sa iba't ibang mga mall upang makapag-check at matignan lamang niya ang mga uso't ibinebentang mga Christmas Decor...
After nilang makapaglibot sa Market Market ay nagpaDrive si Mommy Juliet papuntang Glorietta at kanilang sinuyod ang Ayala Mall, SM and LandMark. After nilang matignan and maInspection ang mga Christmas Decors na available ay nagpaDrive naman ulit siya kay Dominic papuntang Megamall and last nilang pinuntahan ang Shang RiLa...
Kahit traffic ay wala pa ding ka rea-Reaction itong si Dominic na medyo ipinagtataka na ni Mommy Juliet dahil hindi man lang siya nakarinig ni isang katiting na reklamo from his Son...
"Okay ka lang ba talaga Doms..." Ang hindi na napigilang tanong ni Mommy Juliet sa anak habang binabagtas na nila ng kanilang Adventure ang daan papauwi sa kanila.
"I'm okay Ma... Just a bit off the weather lang dahil sa sipon..." Ang matamlay na reply lamang ni Dominic sa kaniyang Mom.
"Maligo ka ng maligamgam at pakatapos ay uminom ka kaagad ng gamot..." Ang next na sinabi ng nag-aalalang si Mommy Juliet sa kaniyang anak.
"What do you think Doms about the Mall's Christmas Decors..." Ang next na tanong ni Mommy Juliet sa kaniyang Anak.
"Hindi ko po napansin... Masama talaga ang pakiramdam ko po kasi Ma..." Ang naiinis na reply naman ni Dominic sa kaniyang Mommy Juliet.
Hindi na lamang nagsalita itong si Mommy Juliet dahil kitang-kita niya sa pagmumukha ng kaniyang anak na si Dominic na masama talaga ang pakiramdam nito...

*******6:30 pm*******

Nang maipasok na ni Dominic ang kanilang Adventure sa lob ng kanilang Garage at maisara na nito ang kanilang gate ay agad na sinalubong naman sila ng kaniyang excited na excited na si Tita Luisa...
"Lalo atang sumama ang hitsura mo..." Ang bati ni Tita Luisa kay Dominic.
"Sipon lang po ito Ta Lui..." Ang reply naman ni Dominic.
"May maganda akong gamot para dyan..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Tita Luisa.
"Ano yun Ta???" Ang naCurious na tanong agad ni Dominic sa lalo pang napaSmile na si Tita Luisa.
"Gumawa ako ng Chocolate Cake... Nasa Mesa..." Ang proud na proud na sambit ni Tita Luisa sa naSurprise na si Dominic.
"Tignan mo nga yang batang yan oh..." Ang umiiling na sinabi ni Mommy Juliet sa kaniyang elder sister na si Tita Luisa nang makita niyang humaribas ng takbo papasok sa loob ng bahay itong si Dominic nang marinig nito ang salitang Chocolate Cake.
"Kaya ka pala hindi sumama..." Ang next na masayang sambit ni Mommy Juliet sa kaniyang Ate.
"Mukhang hindi kasi maganda ang timpla ni Doms eh at matagal ko nang nabili yung mga ingredients... kaya naisipan kong igawa siya ng Chocolate Cake..." Ang sagot naman ni Tita Luisa.
"TA NAMAN... PURO ICING LANG NAMAN ANG NASA CAKE PLATTER EH..." Ang malakas na reklamo ni Dominic mula sa loob ng bahay kaya nama'y kaagad-agad na pumasok na din ang magkapatid upang matignan ang sinasabi nitong si Dominic.
Ang HomeMade Triple Chocolate Cake kasi ni Tita Luisa ang pinakaFavorite ni Doms kaya nama'y medyo naUpset ang binata nang wala siyang nakitang cake sa kanilang mesa...
"Hinintay ko talaga kayong makauwi at isang slice lang kinain ko..." Ang naguguluhang sambit naman ni Tita Luisa sa kaniyang nagtatampong pamangkin nang makita niyang wala ang kaniyang ginawang Chocolate Cake sa mesa.
"Baka naman itinabi ni Elvis..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet at pati siya'y naguluhan na din sa pangyayari.
"Wala pa naman yung kotse ni Dad eh..." Ang sambit naman ni Dominic.
"Eh papaano naman maglalaho ang Cake sa mesa..." Ang nagtatakang sambit naman ni Tita Luisa.
"THALIA..." Ang malakas na pagtawag ni Mommy Juliet sa kanilang Labrador Golden Retriever and kaagad namang pumasok itong si Thalia sa Kitchen.
"NAKAKAINIS KA TALAGA..." Ang malakas na bulyaw ni Dominic nang makita niyang puro chocolate icing ang nguso ng kanilang matabang Aso.
"KAYA KA TUMATABA EH..." Ang nagdadabog na kaagad na isnsumbat ng parang batang si Dominic kasabay ng kaniyang pag-i-Storm palabas ng Dining room.
"ARF..." Ang galit na kahol naman ni Thalia kay Dominic.
Naiwang nakanganga na lamang sina Mommy Juliet and Tita Luisa dahil that was the first time na makita nila ang ganoong behavior ni Dominic...
Labis silang nagtataka talaga at medyo kakaiba ang ikinikilos ni Dominic since nang makauwi ito kagabi...
...
...
...
Hindi na inistorbo pa nina Mommy Juliet itong si Dominic at pinabayaan na lamang nila itong magkulong sa kuwarto at malakas ang kanilang kutob na sinusumpong ito dahil sa Sipon nito.

******* 5:00 am The Following Day*******

Napabalikwas sa kaniyang higaan itong si Dominic nang maalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog nang marinig niya ang malakas na pagkatok at pagtawag ng kaniyang Mommy Juliet mula sa labas ng pintuan ng kaniyang room...
TOK TOK TOK
"DOMS... DOMS... DOMS..." Ang malakas at sunod na sunod na pagtawag ng nagpaPanic na si Mommy Juliet.
"ANYARE MA???!!!" Ang tanong kaAgad-agad ni Dominic nang mabungaran niya ang nag-aalalang mukha ni Mommy Juliet.
"SI THALIA!!!" Ang next na sinabi ng labis na nagpaPanic na si Mommy Juliet at kaagad namang pinuntahan ni Dominic ang kanilang Labrador Golden Retriever.
Katulad ng kaniyang Mommy Juliet ay nagPanic na din itong si Dominic nang makita niyang nakalupasay sa sahig ng kanilang Kitchen at hinang-hina itong si Thalia...
Sa paligid ni Thalia'y nagkalat ang puro kulay brown na suka't malabnaw na dumi nito kaya nama'y kaagad-agad na nagLevel Up ang pag-aalala na din ni Dominic...
Kahit na kinaAasaran minsan nitong Dominic ang kanilang Labrador Golden Retriever ay naawa siya sa kasalukuyang lagay nito dahil parang part of their Family na din kasi ang turing niya kay Thalia...
...
...
...
Kasama sina Daddy Elvis and Mommy Juliet ay halos paliparin na ni Dominic ang kanilang Adventure upang itakbo sa Vet itong si Thalia...
"Ano Darling sumagot na ba..." Ang nag-aalalang tanong ni Daddy Elvis sa nagpaPanic pa ding si Mommy Juliet.
"Cannot be reached ang Cell Phone ni Doktora... Wala namang sumasagot sa land line nila..." Ang sagot naman ni Mommy Juliet habang nire-Redial niya ulit ang number ng Vet ni Thalia.
"Dalhin na lang natin sa ER at walang bukas na Vet Clinic sa ganitong oras..." Ang suggestion naman ni Daddy Elvis dahil nga'y madaling araw pa lamang ng umaga ng mga oras na iyon.
"Hindi tatanggapin si Thalia sa Hospital... Mom try nyo again... Alam n'yo po ba ang Address nina Doktora..." Ang nagpaPanic na sambit naman ni Dominic.
"DOMS WATCH OUT!!!" Ang biglang bulyaw ni Daddy Elvis nang mapansin niyang may tao sa harapan ng kanilang humaharurot na Adventure.
"FUCK!!!" Ang nasambit na lamang ni Dominic at hindi niya napansin ang pedestrian dahil nakalimutan niyang magbukas ng headlight dahil sa kaniyang pagkaTaranta.
SCRRREEEEEAAAAAACCCCHHH!!!
Mabuti na lamang ay mabilis ang Reflexes ni Dominic at kaagad niyang naapakan ang break at naikabig niya ang steering wheel ng Adventure kaya nama'y naiwasan niyang mabundol ang lalaking Pedestrian...
"KONTING INGAT NAMAN TSONG!!!" Ang malakas na bulyaw naman ng Pedestrian na gamuntikan ng masagasaan ni Dominic.
"PASENSYA NA POGI AT MAY EMERGENCY LANG ANG BABY NAMIN..." Ang malakas na paghingi ng paumanhin ni Mommy Juliet sa Pedestrian.
"Emergency... Baka makatulong po ako..." Ang next na sinabi ng lalaking nasa kalsada sabay lapit niya sa nakabukas na bintana ng Adventure.
"Dadalhin namin sa hospital ang Baby namin..." Ang next na sambit ni Mommy Juliet sabay pakita niya sa katabi niya sa backseat na nanghihinang si Thalia.
"Si Thalia yan ah..." Ang surprised na nasambit ng lalaki nang makita nito ang Labrador Golden Retriever.
"IKAW!!!" Ang naibulalas nina Dominic at ng lalaki nang magtama ang kanilang paningin.
"Magkakilala kayo..." Ang tanong naman ni Daddy Elvis sa dalawa.
"Mahaba pong kuwento Sir... Kilala ko po yang si Thalia..." Ang sambit naman ng lalaki at batid ni Dominic na nasa kalagitnaan ito ng pagjo-Jogging dahil halata ito sa pawisang Semi Fit Shirt na suot ng lalaki.
"Baka hindi po siya tanggapin sa ER... Dalhin nyo na lang po sa bahay..." Ang next na sinambit ng lalaki sa kina Mommy Juliet.
"HA???!!!" Ang sabay-sabay na bigkas ng tatlo sa lalaki.
"I'm a licensed Vet... Dalhin nyo na lang po si Thalia sa bahay para matignan... May mga gamit po ako sa bahay..." Ang mabilis na explain ng lalaki nang makita niya ang naguguluhang expression ng tatlo.

*******After An Hour*******

Nakahinga na ng maluwag itong si Dominic habang tahimik lang niyang hinihimas-himas ang Golden Fur Coat nang natutulog na sa Thalia...
Sa kabutihang palad nama'y kaagad na na-Injection-an ng pampatigil suka at para sa pagtatae itong si Thalia kaya nama'y bumuti-buti na ang lagay nito...
Katulad ni Dominic ay maalwan na din ang pakiramdam ng kaniyang Mommy Juliet and Daddy Elvis dahil ligtas na kasi ang kanilang itinuturing na Baby na si Thalia...
"AHA HA HA HA... " Ang malulutong na halakhak ni Mommy Juliet na ikinaiinis naman ni Dominic dahil parang matagal na nilang kakilala ang nagpakilala sa kanilang Vet na lalaki.
"Seriously... I thought that nasa 40s pa lang po kayong dalawa..." Ang next na narinig ni Dominic na sinabi ng lalaki sa kaniyang mga Parents.
"Pareho na kaming nasa 70s ng Darling ko..." Ang explain naman ng nakaSmile na si Daddy Elvis sa Vet.
Tahimik lamang na nakikinig itong si Dominic sa usapan ng tatlo habang nasa sa loob sila ng salas sa bahay ng Hunk na kinababanasan niya...
"We just take care of our health..." Ang sambit naman ng tuwang-tuwang si Mommy Juliet na ikinasimangot naman ni Dominic dahil pakiramdam niya'y 'At Home' na 'At Home' ang kaniyang Mom and Dad sa bahay ng Hunk na Vet.
"Paano Doc... Mauna na muna kami at kailangan naming magPrepare ng Darling ko at may mga lakad kami today..." Ang paalam ni Daddy Elvis nang tumayo na silang dalawa ni Mommy Juliet sa sofa.
"Racky na lang po..." Ang nahihiyang sambit naman ng Vet.
"Anong klaseng pangalan yun..." Ang isip isp ni Dominic nang marinig niya ang name ng maangas na Hunk.
"Huwag ka na lang pumasok Doms today at sasabihan ko na lang ang Head ng Museum nyo..." Ang bilin naman ni Mommy Juliet sa kaniyang anak.
Matalik na kaibigan kasi ni Mommy Juliet ang Head Currator ng Museong Pambata kaya nama'y pumayag na din itong si Dominic sa suggestion ng kaniyang Mommy Juliet...
"I'll need to Observe her for the next three hours..." Ang sambit naman ni Doc Racky nang mapansin niyang bubuhatin na sana nina Daddy Elvis and Dominic ang nahihimbing na si Thalia.
"Ganoon ba... Maiwan ka na lang dito Doms at baka magtae at sumuka na naman yang si Thalia..." Ang bilin ni Daddy Elvis sa biglang nagPanic na si Dominic.
"Teka lang Dad..." Ang reklamo naman ni Dominic pero hindi na nakaabot ito sa pandinig ni Daddy Elvis dahil kinakausap na naman nila ni Mommy Juliet si Doc Racky.
"Ibigay mo na lang sa anak namin yung Reciet ha... Thank you talaga..." Ang sambit ni Mommy Juliet na kaagad na tinanggihan naman ni Doc Racky.
"Naku Huwag na po...NagVolunteer po akong tignan si Thalia and si Thalia po kasi ng ang kauna-unahang naging kaibigan ko dito sa Village..." Ang masayang explain naman ni Doc Racky.
"Ganoon ba... Well I want to hear that story... Maybe we can invite you na lang for a Dinner sa bahay..." Ang next na sambit naman ni Mommy Juliet kay Doc Racky.
"My Pleasure... Hindi po ako tumatanggi sa mga Dinner invitations..." Ang mabilis and nakaSmile na reply kaagad-agad ni Doc Racky sa mag-asawa and after that ay kaniya nang inihatid sina Mommy Juliet and Daddy Elvis palabas sa gate ng kanilang bahay.
Kaagad-agad na nagCompose nang kaniyang sarili itong si Dominic at kahit na medyo banas pa din siya sa mahilig na mag-Jogging sa madaling araw na si Doc Racky ay hindi talaga maintindihan nitong si Dominic sa kaniyang sarili kung bakit tumataas ang level ng kaniyang pagiging Conscious kapag kaharap na niya ang Hunk na Vet...
Lalong-lalo na ngayong naiwan siyang mag-isa sa bahay nito na kasama ang natutulog na si Thalia...
"Coffee..." Ang biglang narinig na lamang ni Dominic mula kay Doc Racky nang mga sandaling iyon na kaniya talagang ikinagulat.
Hindi na niya namalayang nakatayo na sa kaniyang tabihan ang pawisan pa ding Hunk na Vet...
Hindi kaagad nakapagsalita itong si Dominic at kaniyang inilingan na lamang ang alok sa kaniya ni Doc Racky...
"Matagal na ba siyang naghihilik..." Ang next na tanong ni Doc Racky habang hinihimas-himas nito ang ulo ng tulog na si Thalia.
Just like a while ago ay hindi na naman nakapagsalita itong si Dominic dahil slight na nahawakan ni Doc Racky ang kaniyang isang kamay na humahaplos-haplos din sa Golden Fur Coat ni Thalia...
Inilingan na lamang ni Dominic si Doc Racky at talaga namang hindi siya makatingin ng direcho dito dahil palaging nagagawi ang kaniyang paningin sa malalalim na dimples sa magkabilaang cheeks ni Doc Racky...
Inisip na lamang ni Dominic na nahihiya siya sa kaharap na Vet dahil gamuntikan na niya itong masagasaan kanina pero the real reason kung bakit nako-Cnscious itong si Dominic ay talaga namang nakakabilis talaga ng tibok ng  puso ang pagkaHunk at ang kaGwapuhan ni Doc Racky...
"Mahirap nang i-Diet itong si Thalia pero talagang kailangan niya at delikado na para sa kaniya ang pagiging overweight niya..." Ang next na sinambit ng nakaSmile na si Doc Racky.
Kaagad na lumaki ang dalawang mata ni Dominic nang walang pasabing nagHubad ng kaniyang basa sa pawis na semi fit na shirt itong si Doc Racky at pagkatapos ay ipinunas nito sa kaniyang ma-Muscle na upper Body ang kaniyang pinaghubarang shirt...
"Just make yourself at home... Shower lang ako..." Ang cool na cool na sinabi ng Shirtless na si Doc Racky sabay tapik niya sa isang balikat nang natulalang si Dominic.
Hindi na nakapagReact itong si Dominic habang pinagmamasdan niya ang papaalis sa kanilang tabi ni Thalia na si Doc Racky...
That time ay tila ba nawala sa kaniyang wisyo itong Shocked na Shocked na si Dominic...
This is the first time na nakakita kasi sa malapitan itong si Dominic ng isang gwapo't machong shirtless na lalaki sa katauhan nitong si Doc Racky...
Tila ba nagkaAmnesia itong si Dominic at mabilis na nawaglit sa kaniyang isipan ang masakit at masaklap na nangyari sa kanilang dalawa ng kaniyang kaFB na si Harold habang malagkit na malagkit niyang pinagmamasdan ang well developed at V-shaped na back ni Doc Racky na lalo pang nagpabilis ng pagtibok ng kaniyang sugatang puso...


 Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush/Top Of The World
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You


To Be Continued

25 comments:

  1. Akala ko kontrabida na forever si thalia kay domz hindi pala at siya pa ang tulay para sa lovelife ni dominic :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho lang silang dalawa Kuya PJ :))) LOL!!!

      Delete
  2. Talamat kuya ponse..mwahh

    ReplyDelete
  3. Namiss mo si ma'am silvs kuya p. Hehehe napahalo sya sa kwento mo.
    Nakakabitin pero promising din itong kwento mo. Cant wait for the next chapter. Maaga pa lang may kilig factor na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman Mr.Stan... :))) Medyo nasa system ko pa din kasi sila eh :)))

      Delete
  4. Nice start mister author.

    ReplyDelete
  5. thanks kuya ponse.saya ng pakiramdam sa bago mong story!

    Just

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan talaga Kuya Just at palaging masaya sa umpisa :)))

      Delete
  6. parang inlove na c dom kay doc racky. ang bilis nmn nyang makarekober kay rold. dom sumama kayo ni doc racky sa baguio. hehe.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. NapakaBilis naman atang makaRecover ni Doms Kuya 0309 :)))

      Delete
  7. Wla ako masabi.. napurol ang utak ko sa sobrang excitement.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dating gawi tayo Mr.FrostKing :)))

      CHILLIGZ!!!

      Cheesy + Kilig

      Natatandaan mo pa ba ito Mr.FrostKing ???

      Delete
    2. Yup.. hehe magaling ka sa mga ganyan ehh... :)

      Delete
  8. Kuya Ponse Kakilig namn... ano na mangyayari ngayon... naku next na po... Excited Much!!!! Thanks sa update...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dating gawi po Kuya Bobby... Within 7 days ang update ni Ponse :)))

      Tenchu and TC Palage!!!

      GOD BLESS!!!

      Delete
  9. weeee i knew it! i knew it!

    hahahaha sabi na yang maangas na lalaking vet pla ang para kay dom eh ^w^

    ReplyDelete
  10. love it.love it.love it.love it.love it. Yun lang masasabi ko Kuya Ponse kong Poge:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po Poge si Ponse Kuya Vince... :))) ADIK po si Ponse :)))

      Delete
  11. hmmmm, mukhang may ibang twist na mangyayare ah, he he he nice one ponse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madae po tayong nakaTagog Twist Tito Robert :)))

      Delete
  12. panalong-panalo!


    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  13. Ang galing mo talaga Kuya Ponse.. Mas na aapreciate ko yung mga kanta sa dulo ng kwento.. :)

    Revive lang ba nila yang kantang yan? We cannot judge the title by it's content..

    Swak siya.. :)

    Kama kama dam dubidu dam dam

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete