Sunday, October 6, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 3



Kasabay ng pagiging Maximum Level ng kanina pang PagkaConscious nitong si Doms ay nakikihalo na ang kaniyang nararamdamang pagkaTense habang tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang bagong shower na si Doc Racky na bini-Baby talk ang kanilang Labrador Golden Retriever na si Thalia...
"How's my beautiful baby... Wala ka na bang tummy Ache Thalia..." Ang malambing and nangGigil na pagbe-Baby talk ng Shirtless na si Doc Racky sa nanghihina pa ding si Thalia.
Kahit ayaw mang aminin ni Doms sa kaniyang sarili'y kitang-kita niya talaga na mas lalo pang nagLevel Up ang pagiging Handsome nitong si Doc Racky dahil nakasampay pa sa isang balikat nito ang kaniyang Tshirt at bagay na bagay dito ang suot nitong Cargo shorts...
Parang nag-init ang dalawang pisngi ng nananahimik na si Doms habang walang sawa niyang pinagmamasdan ang ma-Muscle na likod ni Doc Racky na may mga kaunting pang mga butil ng mga droplets ng tubig at medyo basa pa din ang buhok nito...
"Ang cute-cute... Ang taba-taba... Ang ganda-ganda..." Ang sunod-sunod na malambing na usal ni Doc Racky sa nakahiga sa sofang si Thalia.
Bothered din itong si Doms dahil nakaSquat sa tabi ni Thalia itong si Doc Racky at nagmumura ang magaganda and well formed nitong slight na balbuning mga binti at kahit na pilit na iniiwasan nitong si Doms na mapatingin sa tight buttocks ng walang kamuwang-muwang na si Doc Racky ay kaniya pa din niya itong binabalik-balikan ng kaniyang mga paningin...
"Aha... Gusto mo pala na tinatawag kang maganda ha..." Ang natatawang inusal muli ni Doc Racky kay Thalia nang makita nitong tumaas ang dalawang tainga ng Labrador Golden Retriever at kumawag ang buntot nito.
DING DONG!
"Dyaan ka lang muna Cutie Pie ha..." Ang sweet na sambit ni Doc Racky kay Thalia sabay tayo nito nang tumunog ang doorbel ng kaniyang bahay.
Lalong bumaligtad ang wisyo nitong si Doms nang dumaan sa kaniyang harapan itong shirtless and fresh na fresh na si Doc Racky dahil kaagad niyang nalanghap ang malamyos na ginamit nitong Cologne at talaga namang lalaking-lalaki sa pang amoy ni Doms ang kapitbahay nilang Vet...
"Wait laang..." Ang malakas na sambit ni Doc Racky sa nagDoorBell habang sinusuot nito ang white na semi fit na shirt na nakaSampay kanina sa kaniyang isang balikat.
"Uwi na tayo..." Ang sambit naman ni Doms kay Thalia at talaga namang hindi siya mapakali ng mga oras na iyon at talaga namang iba ang dating sa kaniya ng presence ni Doc Racky.
Pinilit ni Doms na buhatin ang nakahigang si Thalia ngunit kahit na ano pa mang gawin niyang pagbuhat ay talaga namang hindi niya makaya-kaya ang mataba nilang Pet...
"Sige na... Tayo ka na..." Ang pakiusap ni Doms kay Thalia ngunit huli na ang lahat dahil nakabalik na sa loob itong si Doc Racky.
"Hayaan mo na lang siyang magRest at nanghihina pa talaga yang si Thalia't naDehydrate..." Ang nakaSmile na sambit ni Doc Racky sa nagpaPanic na namang si Doms.
"Breakfast muna tayo..." Ang next na masayang sambit ni Doc Racky sa natamemeng si Doms.
Kaagad na naupo itong si Doc Racky sa sofa at kaagad niyang binuksan ang box ng Yellow Cab Pizza na kaniyang ipinaDeliver kanina bago siya magShower...
"Help yourself na lang..." Ang next na sinambit ni Doc Racky kay Doms.
Gutom na din si Doms ng mga oras na iyon at talaga namang kanina talaga namang nagwating ang kaniyang mga bulate sa sikmura nang malanghap niya ang napakaSarap na amoy ng Pizza...
Lalong tumulo ang laway ni Doms nang makita niyang New York Style Party Size Pizza ang inOrder nitong si Doc Racky...
"HEP..." Ang mabilis na saway naman ni Doc Racky nang biglang tumayo sa kaniyang pagkakahiga itong si Thalia at kaagad na lumapit ito sa box ng naka-Open na Yellow Cab Pizza.
"I'll get you something..." Ang mabilis na next na iniusal ni Doc Racky kay Thalia.
"Sige na at help yourself na... Medyo late na nga ang Breakfast natin eh..." Ang sinambit naman ni Doc Racky sa nakatayo't nakatanga pa ding si Doms nang tumayo ito sa kaniyang comfy na pagkakaupo sa Sofa.
"Benta na yan... Ang galing mo talagang umarte..." Ang sambit naman ni Dominic sa nagpa-Puppy Eyes sa kaniyang si Thalia at alam niyang gusto nitong makai-Score din ng New York Style Yellow Cab Pizza.
Hinimas-himas na lamang ni Doms ang ulo ng nagpapaCute na si Thalia at napailing na lamang siya dahil kanina'y akala niya'y naghihina pa ito dahil hindi ito makatayo...
"Here you go Thalia..." Ang masayang bungad ni Doc Racky nang makabalik na ito sa living room.
Napatingin na lamang itong si Thalia sa nakaSmile na si Doc Racky nang inilagay nito sa kaniyang harapan ang isang paper Plate na mayroong Dog Food na parang Liver Spread ang hitsura...
"Sorry Baby... Di ka pa pupuwede ng greasy food at baka magkaTummy Ache ka na naman..." Ang sambit naman ni Doc Racky sa hindi makapaniwalang Aso.
"Mga sample Dog Food yan na ibinibigay sa akin sa Clinic..." Ang explain naman ni Doc Racky nang makita niya ang isang question mark sa pagmumukha ni Dominic.
"Tara kain na tayo..." Ang muling pagyaya ni Doc Racky nang maupo na muli siya sa Sofa at nang mailapag na niya ang dalawang glasses at isang bote ng C2 Apple na 1 Liter sa maliit na mesa sa kaniyang living room.
Wala nang nagawa pa itong si Thalia kundi kainin na lamang ang ibinigay na Dog Food sa kaniya nitong si Doc Racky samantalang itong si Doms nama'y naupo na din sa tabi ni Doc Racky upang kumain na din at pareho na sila nitong si Thalia na kumukulo na ang mga sikmura dahil sa gutom...
Medyo nagCompose pa ng kaniyang sarili itong si Doms at talaga namang nahihiya siya sa Hospitality nitong si Doc Racky...
"I'M SO SORRY TALAGA..." Ang nasambit bigla ni Doc Racky habang ngumunguya ito ng Pizza nang makita niya itong si Doms na nakatitig lang sa Pizza.
"Anyare..." Ang nagtatakang reply naman ni Doms kay Doc Racky.
"I forgot that you're a Vegitarian pala... Wait lang ha..." Ang mabilis na usal ni Doc Racky sabay tayo niya sa sofa at kaagad niyang iniwang nakanganga itong si Dominic.
"Sina Mommy and Daddy lang iyon..." Ang nasambit na lamang ni Doms sa kawalan nang pumunta muli sa kitchen itong si Doc Racky.
"Here you go Doms..." Ang nakaSmile na sambit ni Doc Racky nang iniabot nito kay Dominic ang isang bowl ng Bananas, Apples and ilang packets ng Sky Flakes.
"Sorry talaga at nawala sa isip kong Vegetarian kayo..." Ang nahihiyang sinambit muli ni Doc Racky sa walang magawang si Doms.
Hindi na nagsalita pa itong si Doms and just like what's Thalia's doing ay tahimik na lamang niyang kinain ang ibinigay na breakfast sa kaniya nitong si Doc Racky...
Kahit na madaming gustong itanong ni Doms sa kaharap niyang si Doc Racky ay nangibabaw sa kaniya ang matinding hiya dahil extreme and very hostile ang kaniyang pakikitungo dito noong una...
"Hindi ka naman pala maangas..." Ang isip-isip ni Dominic habang pinagmamasdan niya ang maganang pagkain ng Pizza ni Doc Racky.

*******10:30 am*******

Sinamahan ni Doc Racky na umuwi itong sina Thalia and Doms at hindi siya nagpapigil nang tumanggi itong si Dominic na kaya na niya itong si Thalia na mag-isa...
"Ako na ang magbubukas ng Gate..." Ang volunteer kaagad ni Doc Racky nang tumapat na ang Adventure na idrini-Drive ni Doms sa tapat ng kanilang Gate.
"Ako na lang..." Ang sambit ni Doms kaya lamang ay nakababa na itong si Doc Racky sa Adventure at kaagad na nitong binuksan ang kanilang gate.
...
...
...
"Ta Lui... This is Doc Racky..." Ang pagpapakilala ni Doms kay Doc Racky sa kaniyang Tita Luisa.
"Kayo pala yung sinasabi ng kapatid kong si Juliet na Neighborhood Vet..." Ang impress na sambit naman ni Tita Luisa nang makipagShake hands itong si Doc Racky sa kaniya.
"Nice to meet you po... Pareho po pala kayong maganda na magkapatid... Kayo po ba ang youngest..." Ang reply naman ni Doc Racky na siya namang ikinahalakhak ng malutong ni Tita Luisa.
"MapagBiro ka pala..." Ang natatawang reply naman ni Tita Luisa.
"Nagsasabi lang po ako ng totoo... Na kay Doms na po yung reseta ng mga gamot ni Thalia..." Ang next na sambit naman ni Doc Racky.
"Dito ka na magLunch..." Ang mabilis na alok naman ni Tita Luisa kay Doc Racky.
"Thanks po pero busog pa po ako kasi late na din kaming nakapagBreakfast ni Doms sa bahay... Next time na lang po..." Ang magalang na usal naman ni Doc Racky.
"I Insist..." Ang ani naman ni Tita Luisa.
"Kailangan ko na pong pumunta sa Clinic ko... Iniwan ko na din kay Doms ang mobile number ko just in Case..." Ang mabilis namang reply ni Doc Racky and after that ay nagpaalam na siya kina Tita Luisa and Doms.
"Bye Thalia... See you again..." Ang nang-giGigil na sambit naman ni Doc Racky kasabay ng kaniyang pagkurot sa pisngi ni Thalia.
"I Suggest na palagi mo siyang iWalking at talagang delikado na ang pagiging OverWeight kasi ni Thalia..." Ang last na bilin ni Doc Racky nang inihatid na siya ni Dominic sa gate.
"Salamat talaga Doc..." Ang nahihiyang sambit naman ni Dominic sa papaalis na si Doc Racky.
"My pleasure to help..." Ang cool na reply naman ni Doc Racky sabay kindat niya't pagsaludo kay Doms.
Ilang minutes ding nakatayo itong si Doms sa gate after nang makaalis na itong si Doc Racky dahil malakas pa din ang kaniyang nararamdamang paggKabog ng kaniyang Dibdib...
"Doms..." Ang narinig ng binatang pagtawag ni Tita Luisa sa kaniya mula sa loob ng bahay na nagpabalik ng kaniyang lumilipad na diwa sa kalawakan.
"Adyan na po..." Ang mabilis na reply naman ni Doms habang isinasara na niya ang kanilang gate at kaagad na siyang pumasok sa loob ng bahay ngunit batid ni Doms na medyo nag-iinit ng kaunti ang kaniyang dalawang pisngi habang gumuGuhit na naman sa kaniyang isipan ang nakakawindang na pagkindat sa kaniya ni Doc Racky just a few seconds ago...
...
...
...
"Kala ko ba nagBreakFast na kayo kina Doc Racky..." Ang nagtatakang tanong ni Tita Luisa nang pinuntahan na niya itong si Doms sa Salas.
Naglambing kasi itong si Doms sa kaniyang Tita Luisa at nagpaluto siya ng tatlong pack ng Lucky Me Pancit Canton at nagpaPrito ng Itlog habang itong si Thalia nama'y nagSecond serving ng kaniyang paboritong Puppy Chow na Dog Food...
"Mahabang kwento Ta..." Ang maiksing reply na lamang ni Doms sa kaniyang Tita Luisa at pagkatapos ay kaniya na lamang na nginitian ito.
Kaagad na dinukot ni Doms ang kaniyang iPhone from his pocket at pagkatapos ay kaniya nang binuksan ang kaniyang LapTop...
"Sino kaya ito..." Ang sambit naman ni Dominic nang makita niyang may SMS message siya sa kaniyang iPhone.
Dahil sa pagkaGood ng kaniyang Mood ay napaSmile na lamang itong si Doms nang makita niyang nagMessage sa kaniya ang kaFB niyang si Harold...
"Good AM Too..." Ang reply naman ni Doms sa message sa 'good morning' message sa kaniya ni Harold at pagkatapos ay kaniyang tinignan sa kaniyang contacts ang mobile number ni Doc Racky dahil gagamitin niya ito upang iCheck kung may FB ito.
"Sino naman kaya ito..." Ang next na naiusal ni Doms nang makita niyang may isang nag Friend Request sa kaniya nang makapagLog-In na siya sa kaniyang Dummy na FB Account.
Kaagad na nagConfirm itong si Doms nang makita niya na ang BF ni Harold na si Kevin ang nagpadala sa kaniya ng Friend Request and after that ay kaagad na niyang inilagay sa search box ng FB ang mobile number nitong si Doc Racky...
Walang kamalay-malay itong si Doms na hindi na siya affected kina Harold and Kevin...
Hindi na din niya batid na nakaRecover na pala siya sa mapaklang nagyari sa kaniya the other evening noong nakipagkita siya for the first time sa balikbayan niyang kaFB na si Harold...
"SHIT..." Ang naibulalas na lamang ni Doms nang biglaang lumabas sa search result ang FB Account nitong si Doc Racky dahil hindi talaga niya expected ito.
"Anyare..." Ang curious na tanong naman ni Tita Luisa sa kaniyang pamangkin.
"Ah... Eh... May naDelete lang  po ako na message..." Ang pagsisinungaling nitong si Doms.
"Dyan muna kayo at tatapusin ko lang ang ginagawa ko sa Kusina..." Ang paalam naman ni Tita Luisa kina Doms and Thalia nang iniwan silang dalawa nito na nakasalampak sa sofa.
...
...
...
Hindi na din namalayan ni Doms na nakangiti na pala siya habang brina-Browse niya at mabusisi niyang tinitignan ang profile ni Doc Racky...
Doon napag-alamanan nitong si Doms na sa Philippines nag Elementary si Doc Racky at sa US na ito nagpatuloy ng kaniyang HighSchoool at pumasok sa Medical School...
Nakita din niya ang mga DP ni Doc Racky noong teenager pa ito at pati na din ang DP ng Mom and Dad nito at talaga namang naaliw itong si Doms nang dumako na siya sa Album when Doc Racky graduated...
Slight din na naImpress din itong si Doms nang makita niyang madaming mga sinalihang mga organization itong si Doc Racky that helps needy Children and Abused and Abandoned Animals sa US...
"C'mere Thalia..." Ang nakaSmile na sambit ni Doms sa kanilang Labrador Golden Retriever nang buksan na niya ang Album sa FB Photos ni Doc Racky na may Title na 'At The Clinic'.
Napasimangot itong si Doms nang tinignan lamang siya ng Blanko ng nakahilatang si Thalia sa Sofa na katapat ng kaniyang kinauupuan...
NapaSmile naman agad itong si Doms nang biglang may pumasok na magandang idea sa kaniyang isipan...
"Thalia oh... Si Doc Racky..." Ang kaagad na sinambit ni Doms sa kanilang Pet at biglang tumaas kaagad ang kaniyang dalawang kilay nang nagmamadali ang kanilang Labrador Golden Retriever na tumabi sa kaniya.
"Ang landi mo talaga..." Ang natatawang sambit ni Doms nang tumabi na sa kaniya itong si Thalia at ipinatong ng kanilang Labrador Golden Retriever ang ulo nito sa kaniyang lap at pagkatapos ay tumingin na din ito sa monitor ng kaniyang LapTop.
Masayang hinimas-himas at kinamot-kamot ni Doms ang likod ng isang tainga ni Thalia habang pinagmamasdan nila ang mga DP ni Doc Racky na may mga kasamang mga iba't-ibang mga animal patient nito sa kaniyang Clinic.
...
...
...
"Hello..." Ang masayang bati ni Dominic kay Harold nang tumwag ito sa kaniyang iPhone.
"Ano na Doms... Sasama ka ba sa Baguio... Wala kang gagastusin... Kami ang bahala sa lahat ni Kevin..." Ang masaya namang pang-i-Invite muli ni Harold kay Dominic.
"I'll pass on it at napakaBusy ko ngayong Month..." Ang mabilis namang reply ni Dominic kay Harold.
"Ganoon ba..."
"Yup... And Three's a company di ba... Just enjoy each other..." Ang walang kaBitter-Bitter na nasambit naman ng masayang si Dominic.
"How about another Dinner with us bago kami pumuntang Baguio..." Ang next na alok ni Harold kay Dominic.
"HOY DOMS... UMALIS MUNA KAYO NI THALIA DITO SA SALAS AT MAGWAWALIS AKO..." Ang malakas na utos ni Tita Luisa sa dalawa nang pumasok muli ito sa salas na bitbit ang walis tambo't dustpan.
"I'll just text you na lang... I have to go... Take Care..." Ang mabilis na sambit ni Doms kay Harold on the other line and then ay kaagad na niyang ini-End ang kanilang call ni Harold.
"Let's go na Thalia..." Ang next na sambit ni Doms sa kanilang Pet nang tumayo na siya bitbit ang kaniyang Laptop.
"Hoy... Ang pinagkainan n'yo..." Ang habol naman ni Tita Luisa sa kaniyang pamangkin.
"Paki na lamang po Ta... YABYU..." Ang nakaSmile and malambing na reply naman ni Doms sa kaniyang Tita Luisa at pagkatapos ay nagmamadali na siyang umakyat sa taas papunta sa kaniyang room.
NapaSmile na lamang itong si Tita Luisa nang makita niyang sumunod itong si Thalia kay Doms paakyat ng hagdanan...
"Magkasundo ata ang dalawa..." Ang nakaSmile and nagtatakang sambit na lamang ni Tita Luisa sa kaniyang sarili pertaining to her Nephew Dominic and Thalia.
...
...
...
"Let's sleep na..." Ang sambit ni Doms kay Thalia nang ibinagsak na nito ang kaniyang katawan sa kaniyang bed at talaga namang inaantok na siya that time since madaling araw pa siya gising dahil sa emergency na nangyari sa kanilang Labrador Golden Retriever na si Thalia.
Kaagad-agad namang sumampa itong si Thalia sa Bed ni Doms at tumabi dito...
Clueless na clueless talaga ang nahihimbing na si Dominic sa nangyaring 180 degrees na pagTurn Around ng kaniyang situation...
Noong isang araw lamang ay bitter na bitter siya't parang gumuho ang kaniyang buong mundo dahil sa nangyari sa kanila ni Harold ngunit ngayo'y magaan na magaan na ang kaniyang pakiramdam...
Hindi din napansin ni Dominic na hindi na siya naasar sa kanilang pet na si Thalia...
Walang ka batid-batid ang pamintang si Dominic na napakaLakas ng impact sa kaniya ng Vet na si Doc Racky...

*******From Tuesday To Friday*******

Hindi muna inilakad ni Dominic itong si Thalia sa madaling araw at ang reason na ibinigay na lamang niya sa kaniyang mga Parents ay baka nanghihina pa ang kanilang Labrador Golden Retriever at nagPromise naman siya na iwa-Walking niya ulit itong si Thalia kapag natapos na nito ang pag-inoom ng AntiBiotic na iniReseta nitong si Doc Racky...
Katulad ni Tita Luisa'y labis din ang pagtataka nina Mommy Juliet and Daddy Elvis sa pagiging close nina Dominic and Thalia dahil hindi man lang nila naringgan sa buong week na nag-away ang dalawa...
Kahit sa kaniyang work sa Museong Pambata'y good na good ang mood nitong si Doms at kahit na lingkisan pa siya ng kaniyang Co-Currator na si Myrtle ay hindi man lamang siya naBadTrip dito kahit minsan...

*******Saturday 7:00 pm*******

Nanliliit na talaga itong si Dominic dahil talaga namang bigay na bigay ang paghalakhak ng kaniyang Mommy Juliet and Tita Luisa sa PangboBola nitong si Doc Racky habang nagdiDinner sila sila sa kanilang Dining Room...
"No... Seriously po Misis... Madali ko po kaagad nahulaan na magkapatid kayo dahil pareho kayong maganda..." Ang nakaSmile na explain naman ni Doc Racky sa dalawa.
"AHA HA HA HA HA HA..." Ang malulutong na tawa naman ng namumulang si Tita Luisa.
"Just call me Mommy Juliet and you can call my Sister Tita..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet sa gwapong-gwapong si Doc Racky.
Naka Semi Fit na Sky Blue na 3/4 Polo Sleeves and Semi Fit din ang Dark Brown na slacks na suot ni Doc Racky nang pumunta na ito sa bahay nina Doms para paunlakan ang Dinner invitation ni Mommy Juliet sa kaniya...
"How's your Parents..." Ang nakaSmile na tanong naman ni Daddy Elvis kay Doc Racky.
"They're doing fine... Retired na po sila pareho and baka next year po eh magbakasyon po sila dito..." Ang reply naman ni Doc Racky.
"That's good... Sana eh magStay na sila for good dito sa Pinas..." Ani ni Daddy Elvis.
"I do hope so... Hindi nila po kasi mabitiw-bitiwan ang business nila doon..."
"Eh matanong nga kita... NagbabaKasyon ka lang ba dito..." Ang tanong naman ni Tita Luisa kay Doc Racky.
"I'll be staying here for good na po... Nagtayo ang kaibigan ko ng isang Animal Clinic na nag-a-Admit ng mga Animals kaya doon na po ako... I do Prefer na magStay na lang po dito sa Pinas..." Ang explain naman ni Doc Racky.
"Eh may tanong din po ako sa inyo..." Ang balik tanong naman ni Doc Racky sa kanila.
"What's that iho..." Ani ni Mommy Juliet.
"Sino po ang nagluto ng Kare-Kare at talaga naman pong the Best sa lahat ng natikman ko... Pati na din po yung bagoong... Hindi po kasi masyadng maalat..." Ani kaagad ni Doc Racy.
Kaagad na namula itong si Dominic sa sinabi ng tila bang nambobola pa ding Gwapong Vet...
"Si Doms... Tinuruan ko yan..." Ang proud na proud na sambit naman ni Tita Luisa.
"Ayos ah... Kahit Vegetarian ka pala eh marunong kang magluto ng mga ulam na may meat..." Ang impressed na sambit kaagad ni Doc Racky sabay tingin niya sa natamemeng si Dominic.
"Sinong may sabing Vegetarian yang si Doms... Kami lang ng Darling ko ang Vegitarian dito..." Ang explain naman kaagad ni Daddy Elvis.
Lalong nataranta itong si Doms dahil hindi niya expected na mauungkat sa oras na iyon ang kaniyang pagpapanggap na Vegetarian noong nasa sa house sila ni Doc Racky...
Ang kinakain lang kasi ni Dominic that time ay ang Vegetarian Pasta na ipinaluto ni Mommy Juliet kay Tita Luisa...
"Hindi mo sinabi sa akin..." Ang next na usal ng nahihiyang si Doc Racky kay Doms and pagkatapos ay ikinuwento na niya ang tungkol sa Yellow Cab New York Style Pizza na ikinatawa naman ng lahat.
"Kaya pala gutom na gutom ka ng umuwi na kayo ni Thalia..." Ang sambit naman ni Tita Luisa na lalo pang ikinapula ng mukha ni Doms.
"Another Glass..." Ang alok ni Mommy Juliet na hindi naman tinanggihan ni Doc Racky.
"Masarap po pala ito... Sa US po kasi eh lagi silang nagre-Redwine... Hindi ko naman po gusto ang lasa talaga ng RedWine..." Ang masayang sambit ni Doc Racky nang makainom na siya sa kaniyang glass ng Maria Clara ShangRia.
"Kami din... Hindi namin type ang RedWine that's why palaging may Maria Clara ShangRia sa fridge namin... Para lang kasi siyang Juice at smooth ang tama..." Ang explain naman ni Daddy Elvis sa namamanghang si Doc Racky.
"Ang sarap po talaga ng mga ulam... Ang akala ko po talaga eh puro gulay lang ang kakainin ko tonight... He he he..." Ang next na sambit ni Doc na lalo pang ikinatuwa ni Tita Luisa.
"Buti naman at hindi ka pihikan sa pagkain..." Ang usal naman ni Mommy Juliet.
"Malakas po talaga ako kumain... Kaya nga po palagi akong nagjo-Jogging sa madaling araw..."
"Buti nga eh at natiyempuhan ka namin that time nang isusugod na namin sana si Thalia sa ER... Wala na talaga kaming ibang maisip that time at nagpaPanic talaga kami..." Ang thankful na sinabi naman ni Mommy Juliet.
"Hindi ko na pala kayo nakikitang nagwa-Walking ni Thalia Ah..." Ang sambit ni Doc Racky kay Dominic at kaagad namang lumapit itong si Thalia kay Doc Racky at nagpaCute nang marinig nito ang kaniyang name.
"Dapat magExercise ka..." Ang pagBaby talk kaagad ni Doc Racky habang pinePet niya itong si Thalia.
"Delikado po talaga ang weight ni Thalia sa kaniya..." Ang sunod na explain ni Doc Racky.
"Ah... Eh... Akala ko kasi hindi pa siya pupuwedeng magpagod kapag nag-a-Antibiotic pa siya eh..." Ang mabilis na explain naman ni Dominic.
"Magjo-Jogging tayo Thalia bukas ha..." Ang sweet na sweet na sambit ni Doc Racky kay Thalia.
"ARF..." Ang kahol kaagad ni Thalia na ikanatawa ni Doc Racky.
"Good Girl... Ang Cute-cute talaga..." Ang outburst naman ni Doc Racky kay Thalia.
"Hihintayin ko kayo sa PlayGround bukas ha... 5am..." Ang nakaSmile namang sambit ni Doc Racky kay Doms.
"Si-si-sige..." Ang reply na lamang ni Doms dahil hindi niya alam kung bakit hindi siya makagawa ng excuse at hindi niya matanggihan ang nakaSmile sa kaniyang gwapong Vet.
"Gawa n'yo din po ba yaan..." Ang namamanghang sambit ni Doc Racky nang inilabas na ni Tita Luisa ang kaniyang pamatay na Three Chocolate-Triple Layer Cake.
"Yes naman..." Ang proud na proud na reply naman ng tipsy na si Tita Luisa dahil nakakapang Limang Bote na sila ng Maria Clara ShangRia.
"I'll schedule na lang ang pagpunta ko sa inyo para makita ko yung mga sinasabi mong mga Antiques na gusto mong ibenta..." Ani ni Mommy Juliet dahil nang malaman ni Doc Racky na may Antique shop pala ito'y kaaagad itong nagsabi na may balak siyang ibenta ang kanilang mga lumang furnitures.
...
...
...
Ilang hours din na nagStay sa bahay nina Dominic itong si Doc Racky dahil napasarap ang kanilang kuwentuhan nina Mommy Juliet and Daddy Elvis at kahit na din itong si Tita Luisa'y aliw na aliw sa mga banat at pangboBola ng gwapong Vet...
Itong si Dominic na lamang ang nagligpit sa mesa at naghugas ng mga palto't utensil and after that ay kaagad niyang inilabas mula sa Cabinet ang kanilang mga Lock-n-Lock na mga containers at nilagyan niya kaagad ito ng mga left over food...
"Ginagawa mo na pala yan Doms... Huwag mong kalimutang padalhan si Doc Racky ng Cake ha..." Ang masayang bungad ng tipsy na si Tita Luisa nang pumasok ito sa Kitchen.
"HA???!!!" Ang reply naman kaagad ni Doms sa kaniyang tiyahing nagbubukas na ng Fridge.
NaRealized na lamang nitong si Dominic ang kaniyang ginagawa at that time...
Lalong namula itong si Dominic nang mapagtanto niyang wala siya sa wisyong inihahanda na pala niya ng pangTake Home itong si Doc Racky...
"Isang round pa kayo..." Ang tanong naman ni Dominic nang makita niyang kumuha ulit from the Fridge ng isang Bote ng Maria Clara ShangRia ang kaniyang Tita Luisa.
"Hindi... IpapaTakeHome ng Daddy mo ito kay Doc... Dalian mo diyan at uuwi na si Doc Racky... Nalasing ata..." Ang sambit ni Tita Luisa kay Doms bago ito tuluyang lumabas na ng Kitchen at itong si Dominic nama'y kaagad na nagmadaling ayusin na ang kaniyang ipapaTakehome kay Doc Racky.
...
...
...
Kahit na itong si Thalia'y sumama din sa labas ng gate nang inihatid na nina Dominic ang papauwi't Tipsy na ding si Doc Racky...
"Busog na busog na po talaga ako... Salamat sa Take Home po..." Ang masayang sambit ni Doc Racky sa lahat.
"Para hindi ka na magluto... Bakit ka kasi hindi pa nag-aasawa eh..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet.
"I need to do something pa po kasi... Mwaah..." Ang reply naman ni Doc Racky at pagkatapos ay binigyan na niya ng goodbye kiss sa cheek itong si Mommy Juliet na napaSmile na lamang.
"Sana po eh imbitahan nyo po ulet ako dito... Mwaah..." Ang sambit naman ni Doc Racky kay Tita Luisa at binigyan din niya ng kiss ito sa Cheek.
"Anytime... Punta ka lang dito..." Ang natatawang reply naman ni Tita Luisa.
"Thank you po talaga... I'll look forward sa Golf Game po natin..." Ang ani naman ni Doc Racky at walang wisyo niyang niyakap si Daddy Elvis at mabuti na lamang ay nakaiwas itong si Daddy Elvis sa Kiss ni Doc Racky.
"Nalasing na ata... Ikaw na ang magbitbit ng paper bag ng food at ihatid nyo si Doc Racky sa kanila..." Ang nakaNgiting utos naman ni Mommy Juliet kay Dominic.
"Hindi ko po talaga akalaing ganoon ang tama ng Maria Clara... Ha ha ha... Para lang kasing Juice..." Ang natatawang sambit ni Doc Racky sabay akbay niya sa balikat ng natamemeng si Dominic.
"Look after Doc Racky ha..." Ang bilin muli ni Mommy Juliet habang lumalabas na itong si Dominic sa gate at ang nakaakbay sa kaniya na Tipsing si Doc Racky.
"Sumunod sa inyo si Thalia..." Ang pahabol naman ni Daddy Elvis para malaman ni Doms na nakabuntot sa kanilang dalawa ni Doc Racky ang kanilang Labrador Golden Retriever na si Thalia.
...
...
...
"Doms... Bat ang sungit mo sa akin..." Ang wala sa wisyong naitanong bigla ni Doc Racky sa natamemeng si Dominic.
"Bakit Doms..." Ang muling sambit ni Doc Racky nang hindi nagReply itong si Dominic.
"Buti pa itong si Thalia... Ang sweet-sweet..." Ang next na usal ni Doc Racky nang mapansin niyang kasama pala nilang naglalakad itong si Thalia.
"Swerte ang mapapangasawa mo... Ang sarap mong magluto ng Kare-kare..." Ang next na usal ng lasing na si Doc Racky kay Dominic.
"Bakit kaya ako nalasing... Nalasing ako ni Maria Clara... HA HA HA..." Ang walang sense na sambit ni Doc Racky nang mga sandaling iyon.
"NakaWalong bote kaya kayo..." Ang natatawang bulong na lamang ni Dominic sa kaniyang sarili sa kaniyang narinig na sinabi ni Doc Racky.
Tumaob itong si Doc Racky kanina at talaga namang matibay kasi sa inuman ang mga Hippie na Parents nitong si Dominic...
Nanatiling tahimik na lamang itong si Doms hanggang sa makarating na sila sa House ni Doc Racky at sa kabutihang palad na lamang ay itong si Thalia ang kinakausap ni Doc Racky habang naglalakad sila...
Pasimpleng inamoy-amoy ni Dominic ang kuwelyo ng polo ng nakaakbay sa kaniyang si Doc Racky at napaSmile siya nang maamoy na naman niya ang Cologne nito...
...
...
...
Kaagad-agad na isinalampak ni Dominic sa Sofa ang Grogging si Doc Racky at nagtungo siya sa kitchen upang ilagay sa loob ng fridge ang mga ibinalot niyang paTakeHome at ang isang bote ng Maria Clara ShangRia na ipinaTakeHome naman ng kaniyang Daddy Elvis ka Doc Racky...
That time lang na napansin ni Dominic na hindi pa pala nailalabas sa mga Boxes ang ibang mga gamit nitong si Doc Racky...
NapaSmile na lamang itong si Doms nang makabalik na siya sa Sala at talaga namang hindi niya mapigilang mapangiti nang makita niyang naghihilik na itong si Doc Racky at walang kamuwang-muwang na nakayakap ito sa nakatabi sa kaniyang si Thalia...
"Doc... Alis na kami..." Ang paalam naman ni Dominic kay Doc Racky.
Hindi niya alam kung naririnig siya ni Doc Racky.
"Let's go home na Thalia... Don't forget to lock up Doc..." Ang next na inusal ni Dominic.
"Hmmmm... Thank you ha..." Ang usal na lamang sa kaniya ng nakapikit na si Doc Racky.
"Your welcome..." Ang masayang reply naman ni Dominic at pagkatapos ay tuluyan na silang lumabas ni Thalia sa bahay nito.
...
...
...
After na makaPagLock Up and makapagShower na nitong si Doms ay agad-agad siyang humiga sa kaniyang bed na may mga ngiti sa kaniyang mga labi...
"What an interesting day... Haaaaiiissst..." Ang buntong hininga na lamang ni Dominic sa kawalan at talaga naman napakagaan ng kaniyang pakiramdam.
"What do you think Thalia..." Ang next na usal ni Dominic sa katabi niyang Labrador Golden Retriever.
Doon na muling pinagSleep ni Dominic sa kaniyang room itong si Thalia...
Kaagad namang tinignan ni Dominic ang kaniyang iPhone nang bigla itong tumunog at kaagad siyang napasimangot nang makita niyang si Harold ang tumatawag dahil iba ang kaniyang ine-Expect na tumawag sa kaniya ng mga sandaling iyon...
Nagbabakasakali kasi siyang si Doc Racky ang tumawag upang magThank You muli ito...
"Haaay..." Ang muling pagSigh ni Doms sabay yakap niya sa matabang si Thalia.
NapaSmile pang lalo itong si Dominic nang hindi umangal ang kanilang Chubbing Labrador Golden Retriever nang ginawa na niya itong Body pillow...
"Bukas magwaWalking tayo ha..." Ang masayang sambit ni Dominic sa kanilang walang angal na Labrador Golden Retriever Pet.
Hindi na niya sinagot pa ang tawag sa kaniya ni Harold at hinayaan na lamang niyang tumunog ang kaniyang iPhone...
"Mukhang Tanga lang..." Ang nakaSmile na nasambit ni Dominic sa kaniyang sarili para sa nalasing na si Doc Racky bago siya nahimbing na yakap-yakap ng mahigpit ang kanilang Pet na si Thalia.

*******The Following Morning*******

4:30 am pa lamang ay gising na gising na itong si Dominic at nang matapos siyang magPrePare ng kaniyang sarili'y kaagad niyang nilagyan ng Kadena ang pink Collar ni Thalia at himala namang hindi tumanggi ang Aso sa ginawa sa kaniya nitong si Dominic...
"Wag ka ngang excited..." Ang saway ni Dominic nang nagpupumilit na si Thalia na lumabas ng bahay.
Matagal-tagal ding in-Inspection ni Dominic sa harap ng Salamin ang kaniyang Hitsura at nang maSatisfy na siya sa kaniyang ayos ay kaagad na silang lumabas ng bahay nitong si Thalia upang pumunta na sa PlayGround ng kanilang Executive Village...
Hindi maiwas-iwasang ayusing muli ni Dominic ang suot niyang Shirt at Walking Shorts dahil medyo nagle-Level Up na naman ang kaniyang pagkaConscious habang papalapit na sila sa PlayGround...
"ARF..." Ang malakas na kahol ng excited na si Thalia nang makita nito sa malayo ang nag-i-iStretching na si Doc Racky.
"Wait lang..." Ang sambit ni Dominic nang wala pasabing wala siyang kahirap-hirap na kinaladkad ni Thalia papunta sa kinaroroonan ni Doc Racky.
Katulad ni Thalia'y nakaRamdam ng excitement itong si Dominic pero humugot ang binata ng isang napakatinding effort from his guts para lamang mapigilan niya ang kaniyang sarili na mapangiti habang pinagmamasdan niya ang kumakaway sa kanila't nakaSmile na si Doc Racky...

 Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush/Top Of The World
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You

To Be Continued

40 comments:

  1. ay, putek! kilig to the bones ako! haha!
    ganda ng flow ng kwento!

    sana kahit every other day ang updates. hehehe..

    TC!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap na ang every Three Days Update Kuya Ferds :))) I'll Try my
      Best!!!

      TC AND GOD BLESS DIN!!!

      Delete
  2. nice.... pasimplehan pa tong dalawa..... hehehe....dinaan lahat ke Thalia.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dadating din tayo dyan Kuya Patryckjr :)))

      Delete
  3. Ehhhhhhhh ka igat nalang ahahahahahaha PBB teens lang ang peg :))))

    Parang di mo talaga makalimutan si mommy Silvs ah?? Hahaha ginawa mong Sylvia si Juliet hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napalitan ko na Kuya PJ :))) LOL!!!

      Isang beses lang na nagamit ko ang Mommy Silvs :)))

      Delete
  4. Ang mag amo nainlove sa vet ...

    Wag kana mainarti Dom gaya ni Thalia ...

    thanks neng sa update na nakakakilig .. 😃

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag Lalake Ate ang pinag-uusapan eh nagkakasundo ano???

      HAHAHA!!!

      Delete
    2. Korek , kaya nagkasundo na sila ni Dom kasi bet nilang pariho si Doc Rocky , hehehe

      Delete
  5. Ayy namiss ko ang Maria Claria Sangria! Lol

    Buti naman nawala na pagka bitter ni Doms..I so love the story Kuya Ponse! Plus si Thalia na kumekestod kay Doc Racky!hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lalo na kapag may Ice :))) Yan ang masarap na kasama sa Christmas and New Year's Eve Dinner!

      Bukod sa health benefits na katulad din ng sa RedWine ay madaeng Vitamins pa ang Maria Clara ShangRia since may kasama itong mga Citrus Fruits!

      Hindi siya lasang panis and parang Juice lang talaga!

      LOL!!!

      Delete
  6. napacool talaga ng kwentong ito.hehe..thanks kuya Adik!!!

    Just

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po siya Cool Kuya Just... Adik po :)))

      Delete
  7. Parang ang sarap talaga mainlove. Yung stage na nagpapakiramdaman pa kahit di na maitago ang kilig. Bow ako sa kwento mo Kuya P.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kaya Mr.Stan!!! -__- MAS MASARAP ANG MAY PET!!!

      Delete
    2. Hahaha... kala ko mas masarap pa din manood ng japanese series at mag laro ng games eh. Hehehe

      Pero mas ok pa din may kasama kang mag alaga ng pet, manood ng tv at maglaro :-)

      Delete
  8. teh ,thank you sa update, muaah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bawal po ang Kiss Kuyang Anon... Magagalit yung nasa DP ko :)))

      Delete
  9. magagalit si thalia pag kay doms nainlove si doc, hehe. tnx sa update. ang sarap talagang mainlove, pero ihanda mo nmn ang sarili mo at uuwi kang luhaan, hehe. alam mo nmn ang mga boys, belat parin ang gusto. haha.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap talagang MaInLove Kuyang 0309 :)))

      MA-IN-LOVE LANG! LOL!

      Delete
  10. awww... saang village ba yan at kahit madaling araw nako natutulog pipilitin kong gumising ng madaling araw makapag jogging lang din kasama nila :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu Lawfer! Masaya sa Executive Village na yaan! Baka makasalubong mo din yung isa pang nagJo-Jogging na nag-e-Ehek din! LOLs!!!

      Delete
  11. ponse, speaking of nag eehek, wala pa bang update sa kanya? miss kona eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meyoon na po Tito Robert! niTag ko na po kay sa FB :)))

      Delete
  12. magkabati na si Doms At si Thalia....love it Kuya Ponse Poge

    ReplyDelete
    Replies
    1. May chance na baka may pag-wayan silang dalawa Kuya Vince :))) LOLs!
      Joke lang :))) HAHAHA!!!

      Delete
  13. Kinikilig ako habang nagbabasa hahaha... @___@
    Sino kaya kay Doms at Thalia ang liligawan ni Doc Racky

    ReplyDelete
    Replies
    1. tawag po dyaan eh CHILLIGz Kuya Richie...

      Cheesy + Kilig

      lols :)))

      Delete
  14. Minsan lang ako kung kiligin pero habang binabasa ko to hindi ko maiwasang ngumiti ng todo... xD
    kelan ang kasunod? Pasensya na mejo nahuli ako ng basa... sobrang bc kasi sa trabaho...

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. After 3 days Mr.FrostKing :))) Dating gawi sa updating :)))

      Delete
  15. Replies
    1. maTsalap talaga ang Maria Clara Sangria Kuya Russ :))) LOLs!

      Delete
  16. Eh yung nakangiti ako nung natapos ko itong chapter na 'to? Hahaha.:)) What a great way to cap off my busy Monday! Thanks for this, my friend.

    Hugs,

    Rico

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan nga ang gusto namin Kuya Rico :))) Mapawi ang stress and pagod nyong mga readers!

      Hugz din!

      Delete
  17. si Thalia na talaga ang naging tulay! Haha! Excited much sa chapter 4.

    I lab it kuya ponse.

    Nung mabasa ko sa previous chapter na kumain ng chocolate cake si Thalia, nag-alala na ako, bawal kasi sa aso ang chocolate, pwede sila mamatay dun, nagcacause yun ng rapid heart beat sa aso..kung tama ang alam ako?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek, Andy! Ako rin nag-panic. I have dogs kasi and no no talaga ang chocolates!

      Delete
    2. @ANDY ... Batet mo hindi kinoConfirm ang friend request ko seo???

      @Kuya Rico... Sa mga may Breed lang Toxic ang Chocolates :) Yung Askal ko eh favorite ang Flat Tops and Hany!

      Delete
  18. HI kuya Ponse,,, kilig nman... next POST na... suggestions dapat may encounter si Thalia at Britney ung tipong nagpapagandahan ang dalawang aso na lukaret na ito.... hahahahaha... KEEP IT UP...

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm thinking about that Kuya Bobby... kaya lang i'm doubting na baka maging kalabisan naman... :)))

      Delete
  19. Swak yung kanta.. Naimagine ko talaga na may ending song for every chapter..

    Ang galing!!!

    Sino ba nauna si Barry o si Karen?

    You know what I mean.. :)

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete