Monday, October 14, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 4



Kaagad-agad na nagmamadaling nilapitan ni Thalia itong si Doc Racky at agad-agad naman itong nagSquat upang iPet at kamut-kumutin nito ng marahan ang ulo ng kumakawag-kawag na Labrador Golden Retriever...
"Ha ha ha... NaMiss mo ba ako Thalia..." Ang masayang bati nitong si Doc Racky.
"ARF..."
"Good Girl..." Ang ani ni Doc Racky nang nagResponse sa kaniya itong si Thalia.
"G'morning Doms... Wala ka bang pasok..." Ang sambit naman ni Doc Racky sa nananahimik and  sa nakatayo sa kanilang tabi ni Thalia na si Dominic.
"9:00 am pa Doc..." Ang maiksing reply naman ng conscious na si Dominic.
"That's good..." Ang maikling reply naman ni Doc Racky kay Doms at pagkatapos ay kaagad na itong tumayo upang lapitan itong si Dominic.
"ARF..." Ang mabilis na kahol ni Thalia at walang pasabing dinamba niya itong si Doc Racky na papalapit kay Doms.
"Hey... Ha ha ha... Full of energy ka ata ngayon Thalia..." Ang masayang sambit ni Doc Racky at muli na naman siyang nagSquat upang makipaglaro sa maharot na si Thalia.
"ABA..." Ang malakas na biglaang naibulalas ni Doms sa kaniyang isipan ng mga oras na iyon.
Hindi maitatanggi ni Dominic na gising na gising siya ng mga sandaling iyon at hindi rin siya pupuwedeng mamalikmata't nag-i-Imagine dahil kitang-kita niya sa kaniyang dalawang mga mata ang ipinakita sa kaniyang expression ng pagmumukha ni Thalia.
Tinignan kasi ni Thalia ng pagka-Angas-angas ang nakatayong si Dominic at huling-huli din ng binata ang mga nakakalokong mga ngisi sa kaniya ng Chubbing Aso...
"Ang Cute-cute... Ang Taba-taba... Ang Ganda-ganda..." Ang patuloy na masayang sinasambit ni Doc Racky habang niyayakap-yakap niya si Thalia kaya hindi niya napansin ang ginawa nitong pagTaunt kay Doms.
"Lets' go na..." Ang next na sinambit ni Doc Racky sa Dalawa nang tumayo na ito't nagsimula nang maglakad.
"ARF..." Ang biglang daing ni Thalia nang biglang hinaltak ni Doms ang kadena nito nang sumabay itongThalia sa paglalakad nitong si Doc Racky.
"What's wrong Baby... Tanggalin na nga lang natin ang Kadena mo ha..." Ang concern na sambit ni Dominic sa nagpapa-awang si Thalia.
"Baka tumakbo yan kung saan..." Ang mabilis namang pagtutol ni Dominic.
"Don't worry Doms... Magbi-Behave ka naman di ba Thalia..." Ang pagbe-Baby talk ni Doc Racky habang tinatanggal na niya ang nakakabit na kadena sa Pink Collar ni Thalia.
"ARF..." Ang masaya namang reply ni Thalia kay Doc Racky.
And just like what Thalia did a while ago ay sumimple itong tinignan at nginisiang muli ang naasar na si Doms...
"Bring it on..." Ang parang batang sambit ni Dominic sa kaniyang isipan for Thalia habang pinagmamasdan niya na magkasabay na nagbri-Breeze walking na itong sina Thalia and Doc Racky side by side.
Parang batang mabilis na nakapagDrawing na si Dominic ng isang ScoreBoard sa kaniyang isipan at hindi talaga niya mawari na pinapatulan na pala niya ang nakaFirst Score na si Thalia...

Thalia 1 : Doms 0

"Doc wait up..." Ang sambit ni Dominic sa papalayong sina Doc Racky and Thalia at talaga namang hindi siya magpapatalo sa kanilang aso.
Hindi mawari ni Doms ng mga sandaling iyon kung bakit gusto niyang magpapansin kay Doc Racky at ayaw niyang malamangan siya ng matabang si Thalia...
"Baka naman maLate kayo Doc Racky..." Ang paglalakas loob na sambit ni Dominic to start  his conversation with Doc Racky.
"HEY THALIA... HUWAG KA MUNANG TUMAKBO't MAG-WARM KA MUNA..." Ang malakas na sambit ni Doc Racky kasabay nang paghabol nito sa nagsisimula ng magJogging na si Thalia.
"Nak ng teteng naman..." Ang naibulalas ni Doms sa kaniyang sarili nang in-ignore siya ni Doc Racky na humabol kay Thalia.
"Sige lang..." Ang medyo naiinis na sambit muli ni Doms nang nakita niyang nilingon siya't muling nginisian ng kanilang Pet na Labrador Golden Retriever.

Thalia 2 : Doms 0

After ilang minutes lang ay nasa kasagsagan na silang tatlo sa pagjo-Jogging at talaga namang minamatyagan ni Dominic itong si Thalia at talaga namang inaabangan niya itong hingalin...
Hindi masyadong nag-e-Exercise itong si Dominic kaya nama'y nakakaramdam na siya sa mga sandaling iyon ng pagkahingal ngunit laking pagtataka niya na going strong pa din ang matabang si Thalia at nakakasabay pa din sa mga bumibilis na strides ni Doc Racky...
"Doc wait lang... Pahinga muna tayo..." Ang habol hiningang pakiusap ni Dominic nang hindi na nito makayanan pa ang pangangapos niya ng Oxygen sa kaniyang Lungs.
"Kakasimula pa nga lang natin eh..." Ang nakatawang sambit ng hindi humihintong si Doc Racky kay Dominic.
"ARF..." Ang segunda mano naman ni Thalia na lalo pang ikinaasar ni Dominic.
"Gayahin mo nga itong si Thalia... Full of Energy..." Ang next na inusal ng nakangiting si Doc Racky at hindi nito pinansin ang hinihingal na si Dominic bagkus ay humabol muli ito sa nauuna na sa pagjo-Jogging na si Thalia.

Thalia 3 : Doms 0

"May araw ka ding tabachoy ka..." Ang talunang usal ni Dominic at pagkatapos ay wala na siyang nagawa pa kaya nama'y kaagad siyang humabol upang hindi siya mapag-iwanan nina Thalia and Doc Racky.
Kahit na medyo naba Badtrip na itong si Doms sa kaangasan sa kaniya ni Thalia ay medyo bumabalik muli ang kaniyang pagkaGood Mood dahil kay Doc Racky...
Iba talaga ang dating kay Doms kapag nakikita na niyang medyo pawisan na ang athletic na Vet...
"OUCH..." Ang biglang malakas na daing ni Doms nang walang pasabing nakaramdam siya ng slight na pamumulikat sa kaniyang right leg.
"What's wrong..." Ang concern na tanong naman ni Doc Racky nang lapitan niya ang biglang humintong si Dominic.
"Pinupulikat ako Doc..." Ang nakangiwing sambit ni Dominic sabay turo niya sa nanakit niyang Right leg.
"First time mo bang magJogging..." Ang tanong naman ni Doc Racky at pagkatapos ay nagSquat ito sa tabi ni Doms at minasamasahe ang right legs nito.
"Years na nung nakapagJogging ako..." Ang nahihiyang sambit naman ng nagsisimula nang magBlush na si Dominic.
"ARF... ARF... ARF..." Ang walang pasabing malalakas na kahol ni Thalia na ikinaudlot ng pag-uusap nina Doms and Doc Racky.
Kaagad na nanlaki ang dalawang mga mata ni Dominic nang makita niyang paika-ikang naglalakad itong si Thalia...
"Ayan kasi... Hindi ka nagWarm up..." Ang natatawang sambit ni Doc Racky at kaagad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaSquat sa tabi ng pinupulikat na si Dominic.
Kaagad na iniwan ni Doc Racky itong si Doms at mabilis niyang pinuntahan si Thalia...
"Pinupulikat ka din Sweetie..." Ang sweet na sweet and concern na sambit ni Doc Racky kay Thalia.
Nanlalaki talaga ang dalawang butas ng ilong ni Dominic dahil muli na naman siyang tinignan at nginisian ni Thalia at walang kaalam-alam itong si Doc Racky dahil busy ito sa pagmaMassage sa matatabang mga legs ni Thalia...
"Let's go..." Ang masayang hikayat muli nitong si Doc Racky kina Doms and Thalia upang simulan na nilang muli ang kanilang naudlot na pagjo-Jogging.
...
...
...
Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang paghinga ni Doms dahil talaga namang pinipilit niyang makasabay sa mga strides ng athletic na si Doc Racky at kinalauna'y pati na din itong si Thalia'y nahihirapan na ding sumabay sa pagtakbo ng Fit na Vet...
Hindi na din namalayan pa ni Dominic na nakakailang ikot na pala sila sa loob ng kanilang executive village dahil ang tanging nasa sa isip na lamang niya that time ay hindi siya magpapatalo kay Thalia sa pagpapa- Impress kay Doc Racky...
"ARF... ARF... ARF..." Ang biglang pagkahol ng malakas ni Thalia at kaagad naman siyang nilingon ng pawisang si Doc Racky.
Biglang tumabi itong hinihingal na si Thalia sa sidewalk ng kalsada at nang makita na siya ni Doc Racky ay bigla na lamang itong sumalampak sa semento't pumikit...
"Pagod na pagod na talaga ang Bebe ko..." Ang natatawang usal naman ni Doc Racky nang nakalapit na siya sa nakahigang si Thalia.
Medyo naBothered naman itong si Dominic nang makita niyang malalalim ang mga paghinga ng matabang si Thalia at nananatiling nakapikit lamang ito kahit na hinahagod-hagod na nitong si Doc Racky ang malaking tummy ng nahimatay na si Thalia...
"Sige na nga tomorrow na lang natin iContinue ang Jogging natin..." Ang next na usal ng pawisang Vet sa nakapikit at nakahiga pa din sa sidewalk na si Thalia.
"Doms... Can you please open the gate..." Ang next na pakiusap ni Doc Racky sa nagulat na si Doms.
Dahil sa sobrang hingal and pagod ni Dominic sa pagjo-Jogging ay hindi na niya namalayang nasa tapat na pala sila ng bahay ni Doc Racky...
Kaagad namang binuksan ni Dominic ang gate ng bahay at laking gulat niya sa next na ginawa nitong si Doc Racky...
"YAAAAARRRRGGGHHH..." Ang malakas na sambulat ni Doc Racky nang buong lakas niyang binuhat ng parang Baby itong si Thalia.
Kaagad namang napaNgangang bigla itong si Doms dahil talaga namang nagmura ang lahat ng mga nakaExpose na mga muscles sa biceps ni Doc Racky dahil sa matindi nitong effort sa pagbubuhat sa matabang si Thalia...
Naunang pumasok sa Gate itong si Doc Racky na buhat-buhat na parang baby itong si Thalia at kung kanina'y medyo nag-alala itong si Dominic na baka hindi nakayanan ng matabang si Thalia ang kanilang pagjo-Jogging ay kabaligtaran naman ang nangyari at this moment...
Parang bulang naglaho ang pagkaBothered nitong si Dominic nang makita niyang biglang dumilat itong si Thalia at as usual ay nginisian na naman siyang muli nito habang karga-karga ito ni Doc Racky...
That time ay naRealized na lamang ni Doms na plinano ni Thalia na magkunwaring nahimatay at mag-inarte upang maka-iScore muli ng points kay Doc Racky...

Thalia 4 : Doms 0

Sa sobrang pagod ay nakaThree bowls ng water itong si Thalia habang si Dominic nama'y halos maubos na ang laman ng inilabas na Pitcher of cold water nitong si Doc Racky...
"Ano.. Okay ka na Thalia..." Ang sweet na tanong ni Doc Racky habang piniPet niya itong si Thalia.
Nakaupo ngayon si Doc Racky sa Sofa at nagpupumilit itong overweight na si Thalia na pumatong sa lap ni Doc Racky...
"Ang sweet-sweet talaga... Jogging ulit tayo bukas ha..." Ang masayang usal muli ni Doc Racky.
"Kala mo naman magkakasya sa lap..." Ang himutok ni Dominic habang tinitignan niya ang maharot na nakikipalarong si Thalia kay Doc Racky.

Thalia 5 : Doms 0

Alam ni Dominic na nilampaso siya ng kanilang Pet na Labrador Golden Retriever sa pagpapa-Impress kay Doc Racky ngunit hindi pa rin mawari ni Dominic kung bakit gusto niyang mapunta at makatiyak na nasa sa good side siya ni Doc Racky...
NagReason out na lamang itong si Dominic sa kaniyang sarili na kaya niya gustong maIpmpress itong si Doc Racky ay dahil hindi naging maganda ang kauna-unahan nilang pakikipagsalamuha sa isa't isa ngunit deep inside ay batid ni Dominic ang buong katotohanan...
Alam ni Dominic na may tama siya kay Doc Racky since from the first time that He met him...
Mas malakas na nga lang ngayon compare noon...
"Let's go na Thalia..." Ang sambit ni Dominic na biglang ikinatigil ng paghaharutan ng dalawa.
"Bukas ulit Thalia ha..." Ang sambit ni Doc Racky sa biglang nalungkot na si Thalia.
"Doc... Thank You..." Ang sambit ni Dominic habang ikinakabit na niya ang hawak-hawak niyang kadena sa pink Collar ni Thalia.
Tahimik lamang itong si Doms habang hawak-hawak niya ang Kadena ni Thalia at muli na namang nagLevel Up ang kaniyang pagkaConscious nang inakbayan siya't inihatid sila ni Doc Racky sa gate...
"Sa uulitin Doms..." Ang nakaSmile na sambit ni Doc Racky sabay pagbibigay niya ng isang mahinang suntok sa isang braso ni Dominic.
"Sige Doc Thank you..." Ang mahinang reply naman ni Doms at hinding-hindi talaga niya matignang straight sa mata itong si Doc Racky.
...
...
...
"Sana kasing sweet nya din ni Thalia..." Ang mahinang bugtong hininga na lamang ni Doc Racky sa kaniyang sarili habang tinitignan niya ang naglalakad na pauwing sina Doms and Thalia.
"Take Care Doms... Ba-Bye Thalia my Baby..." Ang sweet na malakas na pahabol ni Doc Racky sa papalayong sina Doms and Thalia habang kinakawayan niya ang mga ito.
"ARF..." Ang masaya namang kahol ni Thalia at itong si Dominic nama'y niReply-an na lamang ng isang kaway itong si Doc Racky.
"Uwi na tayo dali..." Ang next na sambit ni Dominic kay Thalia nang makita niyang naghubad na si Doc Racky ng basa sa pawis na shirt nito na ikinapula na naman ng dalawang pisngi nitong si Dominic.
Kahit na alam ni Dominic na nilampaso siya ni Thalia sa scoreboard nilang dalawa'y magaan na magaan pa din ang kaniyang pakiramdam that time...
Napangiti na lamang itong si Dominic habang pinagmamasdan niya ang nananahimik na naglalakad na si Thalia...
"Akala mo ba magagalit ako sa iyo..." Ang nakaSmile na sambit ni Dominic sa kanilang Pet na Labrador Golden Retriever.
Tinignan na lamang siya ni Thalia at talaga namang nakita ni Doms ang guiltiness sa dalawang mga mata nito...
"Hindi ako insecure sa iyo..." Ang next na sambit ni Doms sa kanilang matabang asa.
"So interesting wasn't it..." Ang nakaSmile na next na sinabi ni Doms kay Thalia.
"Kailangan na talaga siguro natin na regular na mag-Jogging..." Ang usal muli ni Doms habang papalapit na silang dalawa ni Thalia sa kanilang bahay.
Kahit na medyo marahan ang kanilang ginagawang paglakad ni Thalia'y mabilis pa din ang tibok ng puso ni Doms...
InDenial pa din itong si Dominic sa kaniyang sarili at muling nagReason out na lamang siyang kulang lang siya ng Exercise pero deep inside his mind ay alam niya kung sino ang nagpapaBilis ng tibok ng kaniyang puso sa mga oras na iyon...

**************

Pagkapasok na pagkapasok nila sa gate ay kaagad na inalis ni Dominic ang Kadena ni Thalia sa Pink Collar nito at pagkatapos ay agad silang dumirecho sa kitchen...
...
...
...
"Akala ko ba mga nagJogging kayo para magLoose ng weight... Aba'y talo n'yo pa ang mga contsruction worker kung kumain..." Ang natatawang sambit ni Mommy Juliet habang pinagmamasdan niyang maganang kumakain ng breakfast sina Doms and Thalia.
Naka tatlong servings ng kaniyang dog food itong si Thalia at itong si Doms nama'y siyang sumimot ng mga nilutong breakfast ng kaniyang Tita Luisa...
"I'll prepare na for work..." Ang masayang paalam ni Dominic sa hapag at pagkatapos ay nagmamadali na siyang umakyat papunta sa kaniyang room.
"Iba talaga ang nabibigay na mood ng exercise..." Ang nakaSmile na pansin ni Daddy Elvis dahil maganda ang mood nitong si Dominic this morning.
Every morning kasi'y nakikitaan nila itong si Doms ng pagkatamad at tila ba wala sa mood kada umaga...

*******At Museong Pambata*******
*******12:30 pm*******

Hindi pa din naaalis ang smile ni Dominic since nang umalis siya sa kanilang bahay hanggang ngayon sa kanilang Lunhch time kaya nama'y napansin kaagad iyon ng kaniyang mga kasamahan lalong-lalo na itong si Myrtle...
"May kakaiba ata sa iyo Doms ah..." Ani ng isa nilang kasamahan habang kumakain sila ng Lunch sa kanilang Pantry.
"Ha..." Ang sambit naman ng nakaSmile na si Doms.
"Meron Doms..." Ang singit naman ng katabi niyang si Myrtle.
Everytime kasi during Lucnh ay talaga namang nakasanayan na ng lahat na palaging magkatabi sa upuan itong sina Myrtle and Dominic...
"Dumating na din sa wakas ang pinakahihintay ko Doms... AYIEEE!!!" Ang malanding outburst ni Myrtle sabay pagbibigay niya ng isang mahigpit na Hug sa natatawang si Dominic.
"INLABABO KA NA SA AKIN... AYIEEE!!!" Ang next na maharot na usal muli ng parang sawa kung lumingkis na si Myrtle.
NagSmile back na lamang itong si Dominic sa sinabi ng kaniya ni Myrtle...
"Paano mo naman nasabi yan Aber..." Ang tanong ng isa nilang kasamahan kay Myrtle.
"Kung hindi inLove sa akin si Doms eh kanina pa niya inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya..." Ang mabilis na reply naman ni Myrtle and after that ay kaagad na natahimik ang buong pantry at lahat ng mga mata'y napatuon kina Doms and Myrtle...
"Ako inLove..." Ang natatawang sambit na lamang ni Doms sa kaniyang mga kasamahan habang nagroRoll eyes siya.
"Hindi kaya..." Ang sambit naman ng isa pa nilang kasamahang Currator.
"InLove ka Doms... Sa akin ka inLove di ba..." Ang garapal na sambit naman ng umaasang si Myrtle.
"Hindi kaya ako inLove... Masaya lang ako..." Ang nakaSmile na reply naman ni Doms.
"Bakit ka naman masaya aber..." Ang hamon naman ni Myrtle.
Lalo pang napaSmile itong si Doms nang marinig niya ang question sa kaniya ng malanding si Myrtle dahil kaagad na gumihit sa kaniyang imagination ang gwapong mukha ng Hunk na si Doc Racky...
"SYET... INLABABO KA NA NGA TALAGA KAY MYRTLE..." Ang hindi makapaniwalang sambit naman ng isa nilang kasamahan.
"Anyare sa'yo..." Ang tanong naman kay Myrtle ng isa nilang co-Currator nang mapansin nitong biglang inalis nito kaniyang ang pagkakayapos kay Doms.
"Wala nang Thrill..." Ang maiksing sambit lamang ni Myrtle at kaagad-agad ay naramdaman ni Doms sa tono ng pananalita nito ang isang malaking pagkaka-Dissapoint.
"Anong wala nang Thrill..." Ang tanong kaagad ni Doms.
"Basta..." Ang maiksing sagot na lamang ni Myrtle na ikinaCurious naman ng lahat.

*******That Afternoon*******

Naging busy ang mga Currators ng Museong Pambata dahil 5 Schools ang nagFieldtrip at nakaSchedule sa Museum that afternoon kaya nama'y nagYes na lamang itong si Doms nang bigla siyang niyaya nitong si Myrtle upang ilibre sa StarBucks after work...
Ang akala ni Doms ay naHaggard lang itong si Myrtle dahil sa sobrang dami ng mga batang nagField Trip...
"Doms..." Ani ni Myrtle nang makaupo na sila sa isang table.
"Ano yun..." Ang reply naman ni Dominic.
"InLove ka na ba sa akin..." Ang out of no where na tanong ni Myrtle na ikinasamid bigla ni Dominic.
"Ha..." Ang gulat na tugon naman ni Doms nang makaRecover na siya sa pagkakasamid.
"Sabi ko inLove ka na ba sa akin..."
"Bakit mo naman naitanong yan..." Ang tugon ni Dominic at talaga namang hindi siya makapaniwalang iyon ang kanilang topic ng mga sandaling iyon.
"Eh kasi... Naalala mo yun napag-usapan kaninang lunch..." Ang pagpapaCute na explain ni Myrtle.
"... ... ... ... ..."
"Mukha ka kasing inLove eh... Sa akin ka ba inLove..." Ang next na sinabi ni Myrtle nang hindi nagsalita itong si Dominic.
"Teka... To make it clear... Hindi ako inLove..."
"InLove ka eh... Aminin mo na Doms..."
"Hindi nga eh... Sige nga... paano nyo nasabing inLove ako..."
"Eh kasi kakaiba ka last week eh..."
"Anong kakaiba sa akin..." Ang curious na tanong kaagad ni Dominic.
"May twinkle ang mga eyes mo..." Ang panimula naman kaagad ni Myrtle.
"And then pilyo ang mga ngiti mo...
Katapos eh hindi ka naasar sa akin last week..." Ang nahihiyang pagtatapos ni Myrtle.
"Hindi naman ako naasar sa iyo ah..." Ang defensive na pagsisinungaling kaagad ni Doms.
"Weh... Dati kapag niyayakap kita eh mabilis pa sa alas kuwatrong kumakawala ka sa akin pero lately eh hindi ka na kumakalas sa hug ko..."
"Porke't ganon eh inLove na kaagad..." Ang natatawang sambit naman ni Dominic na tinunguhan na lamang ng nagpapaCute pa ding si Myrtle with matching beautiful eyes pa.
"Umamin ka na nga kasi Doms..."
"Hindi nga ako inLove..." Ang pagde-deny pa din ni Doms.
"Eh ba't nagbla- Blush ka..." Ang ngisi naman ni Myrtle na lalo pang ikinapula ng mukha ni Dominic.
"Sige na nga kung ayaw mong aminin okay lang..." Ang matagumpay na next na sinabi ni Myrtle nang hindi nakaSagot itong si Dominic.
"Basta pakiusap lang Dominic... Kung inLove ka sa akin eh huwag mo akong liligawan dahil hindi kita sasagutin..." Ang dire-direchong sinabi ni Myrtle na lalo pang ikinaSamid ng kaharap niyang si Dominic.
"ANO???!!!"
"Okay lang na mainLove ka sa akin... Pero hanggang doon lang Doms..."
"Ang gulo mo Myrtle..."
"Ayoko pang pumasok sa isang relationship... Aaminin ko... Crush kita... Bigtime...
Pero hanggang Crush lang Doms!!!" Ang reply naman ni Myrtle.
Napataas ang kilay nitong si Dominic at talaga namang naguguluhan siya sa sinasabi sa kaniya ni Myrtle...
Aminado naman itong si Dominic na talagang ipinapakita ni Myrtle ang pagkaCrush nito sa kaniya kaya lamng ay nagtataka siya kung bakit ayaw nitong pumasok sa isang relationship...
"Masarap ang may Crush..." Ang nakangiting sambit ni Myrtle.
"But it doesn't mean na kailangang maging kaRelationship mo ang Crush mo..." Ang pagpapatuloy ni Myrtle.
"Iba ang pakiramdam kapag inLove ka Doms...
Yung tipong looking forward ka everyday na makikita mo siya...
Makakausap...
MakakaBiruan...
Yung mami-Miss mo siya...
Tulad ng ginagawa ko sa iyo..." Ang next na sinambit ni Myrtle.
"NAKAKA-RELATE KA ANO..." Ang next na usal ni Myrtle nang mahuli niyang napaSmile itong si Dominic.
"Ako ba ang Crush mo..." Ang next na tanong ni Myrtle sa nabiglang si Dominic.
"Ang kulit mo naman... Masaya lang ako..." Ang ulit na explanation kaagad ni Dominic sa kaniyang kaharap.
"Bakit ka naman masaya aber..." Ang paghahamon muli nitong si Myrtle at wala na namang naiReply itong si Dominic kundi isang pilyong smile lamang.
"Basta... Magaan sa pakiramdam at palagi kang masaya kapag inLove ka..." Ang pagpapatuloy ni Myrtle sa kaniyang naudlot na sinasabi.
"Yung parang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita..." Ang next na sinabi ni Myrtle and at that moment ay parang nanunuksong pumasok na naman muli ang larawan ni Doc Racky sa isipan nitong si Doms.
At habang pinakikinggan ni Dominic ang monologue nitong si Myrtle ay lalo pang guma-gaan ang kaniyang pakiramdam at sa hindi maipaliwanag na kadahilana'y biglang nakaramdam ng matinding Bliss sa kaniyang puso itong si Dominic...
"Everybody needs to be inLove..." Ang pagtatapos ni Myrtle sa kaniyang sinasabi.

1 min...

2 mins...

3 mins...

"Hoy Doms..."
"Ano yun..."
"Ba't natameme ka..."
"Wala lang..."
"Anong wala lang... Agree ka ba sa sinabi ko..." Ang tanong ni Myrtle na tinunguhan naman kaagad ni Dominic.
"Pero wait lang..." Ang biglang sambit naman ni Dominic.
"Di ba mas masarap ang nasa isang Relationship..." Ang curious na tanong ni Dominic.
"Yes and No..." Ang mabilis namang answer ni Myrtle.
"Ha???!!!"
"Yes... Masarap ang nasa sa isang relationship ka... No naman... Kasi... Mahabang explanation..." Ang  explain ni Myrtle.
"Anong mahabang explanation..."
"For example Doms... Ako na lang... I'm single and i'm so happy about it kaya lang there are times na nangungulila ako and naiinggit sa mga Friends kong may mga BF and Asawa pero come to think of it naman Doms... Marami kang gagawing sacrifices kapagnaging tayo..."
"What do you mean Myrtle..."
"Kunwari... Halimbawa naging tayo..." Ang pagsisimula muli ni Myrtle.
"Kapag may pupuntahan ako eh kailangan pa akong magpaalam sa iyo...
Ganoon din naman dapat ikaw...
Kailangan magteText ako sa iyo regularly...
Kailangan magde-Date tayong dalawa...
Kailangang magkasabay tayo sa Lunch...
Kailangang dadalawin mo ako sa bahay namin...
Kailangan dadalhin mo ako sa iyo para makakuwentuhan ko ang mga parents mo...
Dadating ang times na magkakatampuhan tayo...
Tapos mag-aaway tayo...
Blah... Blah... Blah..." Ang sunod-sunod na pagbibigay ng mga examples ni Myrtle sa tahimik and nakikinig pa ding si Doms.
"And Right now... Pakiramdam ko eh mas masaya na ako na inLove ako sa Crush ko..."
"... ... ... ... ..." Nanatiling tahimik pa din itong si Dominic habang inaAbsorb niya ang mga sinabi sa kaniya nitong si Myrtle.
"Sometimes ang nararamdaman nating pagkakaroon ng isang Crush sa isang tao eh napagkakamalan nating iyon na ang sign na kailangan nating maging kaRelationship ang Crush natin...Kaya yung iba hindi nagtatagal kapag nakatuluyan nila ang Crush nila eh..." Ang last na sinabi ni Myrtle.
"Kaya ako... eEnjoyin ko na lang muna ang feeling ng pagkakaroon ng Crush..." Ang hagikhik nitong si Myrtle na ikinaSmile na din nitong si Dominic.
"Well said..." Ang nasambit na lamang ni Dominic dahil alam na alam niya ang pakiramdam ng sinasabi sa kaniya nitong si Myrtle.
Pinagmuni-munihan nitong si Dominic ang mga sinabi sa kaniya nitong si Myrtle hanggang sa magpaalam na sila sa isa't-isa't makauwi na siya sa kanilang bahay...

*******From Wednesday To Friday*******

Medyo slight na nanglupaypay itong sina Dominic and Thalia dahil nakatanggap itong si Doms ng SMS message kay Doc Racky na cancelled muna ang kanilang pagjo-Jogging due to the bad weather dahil last night pa lamang ay malakas na ang buhos ng ulan...
Even if na nakatanggap sila ng notice from Doc Racky ay maaga pa ding gumigising itong sina Doms and Thalia at nagbabaKasakali silang tumila ang ulan ngunit sa kasamaang palad nama'y straight na three days na bumuhos ang malakas na ulan dahil sa isang Low Pressure Area na namuo sa Philippines Area Of Responsibility...
Pansin din sa bahay ang pananamlay nina Doms and Thalia at talaga namang sumasabay sila sa pagkaGloomy ng Weather at kahit na sa mga kasamahan nitong si Dominic sa Museong Pambata'y napansin din ng mga ito ang malaking ikinatamlay ni Doms...
Hindi na lamang pinansin ng mga taong nakapalibot kay Dominic ang pagiging gloomy nito at inakala na lamang nila na nakikisabay lang sa weather itong si Doms...
Mas lalo pang naging gloomy itong si Dominic dahil hindi na muli pang nagpadala ng Text Message sa kaniya itong si Doc Racky at nahihiya naman din kasi siya na magText dito upang kamustahin ito...

*******8:30 pm Friday*******

Pagkatapos na magDinner ay matamlay na umakyat na agad si Dominic sa kaniyang room at ganoon din naman katamlay itong si Thalia na sumunod na din kay Dominic...
Ramdam na ramdam ni Dominic ang kaniyang pagod from this week's work kaya naman pagkatapos na makapagShower nitong si Doms ay kaagad niyang ibinagsak ang kaniyang pagal na pagal na katawan sa kaniyang bed...
"Miss mo na si Doc Racky ano..." Ang matamlay na tanong ni Doms sa nakahigang si Thalia at kitang-kita ni Doms sa mga mata ng kanilang Pet na si Thalia na nasaSad din ito.
Slight na napaSmile itong si Dominic dahil sa hitsura nitong si Thalia at kahit na ayaw niyang aminin sa kaniyang sarili'y pareho lamang ang kanilang nararamdaman ng mga oras na iyon...
"Tignan na nga lang natin ang FB niya..." Ang next na sinabi ni Dominic at kaagad namang slight na nabuhayan itong si Thalia.
Habang hinihintay ni Doms na bumukas ang kaniyang LapTop ay para bang nanunuksong sumagi sa kaniyang isipan ang napag-usapan nila ni Myrtle sa Starbucks...
"Yung Parang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita... Yung mami-Miss mo siya..." Ang boses ni Myrtle na naalalang bigla ni Dominic kasabay ng paguhit ng isang smile sa mga lips ng binata.
"Thalia... C'mere..." Ang excited na sambit ni Dominic sa kanilang Pet  ngunit tinignan lamang siya nito.
"Kaw talaga..." Ang nakaSmile na sambit muli ni Dominic kay Thalia.
"Halika... magSelfie tayo para makita ni Doc Racky..." Ang natatawang usal ni Doms at hindi na siya nagulat pa nang mabilis na lumapit sa kaniya itong si Thalia.
"Wacky face ha... 1... 2... 3... Smile..." Ang sambit ni Doms and luckily nama'y naJackpot-an nila na naging maganda ang result ng kanilang selfie ni Thalia.
Hindi na nag-aksaya pa itong si Doms ng mga saglit at kaniyang inUpload kaagad ang selfie nilang dalawa ni Thalia and then ay ginawa niya itong Profile Pic sa kaniyang Real FB account at pagkatapos ay kaagad siyang nagpunta sa FB ni Doc Racky at nagSend ng Friend Request...
Nakita nitong si Dominic na last week pa nagStatus sa FB itong si Doc Racky habang tinitignan muli nila ni Thalia ang mga DP sa FB ni Doc Racky...
"Everybody needs to be inLove..." Ang sinabi ni Myrtle na para bang nanunuksong sumagi na naman sa isipan nitong si Dominic.
Napakagat ng labi itong si Dominic at napayakap kay Thalia dahil hindi siya makapaniwalang nagawa niyang magparamdam kay Doc Racky sa pamamagitan ng pagseSend ng isang Friend Request sa FB...
"SHIT!!!" Ang malakas na bulalas ni Doms nang biglang tumunog ang notification alert ng FB ni Doms at agad siyang napakagat ng kaniyang mga lips dahil talaga namang hindi siya makapaniwala nang makita niya na naConfirm kaagad ni Doc Racky ang kaniyang friend request.
"FUCK... FUCK... FUCK..." Ang sunod-sunod na nagpaPanic na outburst ni Dominic nang biglang tumunog ang incoming Video Call alert sa kaniyang FB na galing kay Ricardo Salvador.
Mabilis na hinaltak ni Dominic sa leeg ang katabi niyang si Thalia at kaagad niyang itinapat ang pagmumukha nito sa kaniyang laptop and after that ay kaniyang inAccept na ang Video Call ni Doc Racky...
Hindi talaga makapaniwala itong si Doms na online at this moment itong si Doc Racky...
"Hi Doms... WHOOOOAAAAA ! ! !" Ang malakas na sambulat ni Doc Racky sa monitor nang biglang bumungad sa kaniya ang matabang pagmumukha ni Thalia.
"ARF... ARF... ARF..." Ang masaya't excited na kahol naman ni Thalia nang makita't marinig niya itong si Doc Racky sa Monitor ng Laptop.
"BAD KA DOMS... HA HA HA..." Ang sambulat naman ni Doc Racky.
Gamit ang kaniyang dalawang mga kamay ay kaagad-agad na sinuklay-suklay ni Dominic ang kaniyang buhok upang ayusin ito bago siya humarap sa Laptop...
"Tawag ka kasi ng tawag eh..." Ang natatawang reply ni Dominic sabay tulak niya kay Thalia upang pumuwesto sa harapan ng Laptop.
"ARAAAAY!!!" Ang malakas na daing ni Doms nang walang pasabing dinamba siyang bigla ni Thalia upang makabalik ito sa harapan ng Monitor ng laptop.
"HA HA HA..." Ang malakas na tawa na lamang ni Doc Racky sa kanilang dalawa.
"NaMiss mo ba ako Thalia..." Ang baby talk ni Doc Racky sa masayang askal.
"ARF... ARF... ARF..."
"Doms..."
"Ano yun Doc..."
"Kapag hindi na umuulan bukas...  Jogging ulit tayo ha..."
"Sure Doc... Miss na miss ka na nga ni Thalia..." Ang reply naman ni Dominic habang sumisingit siya sa tabi ng matabang si Thalia upang makita siya sa monitor nitong si Doc Racky.
"NAGPA SEMIKAL KA..." Ang gulat na usal ni Doms nang maRealize niya ang hitsura nitong si Doc Racky.
"Bagay ba..." Ang mabilis na tanong ni Doc Racky kasabay ng pagpapaCute niya sa webcam at pagpo-Pose na para ba siyang kasali sa Mr.Pogi.
Mabuti na lamang ay nasa Videocall sila kaya nama'y nagpapasalamat itong si Doms at hindi napansin ni Doc Racky ang kaniyang pagbla-Blush dahil talaga namang napakaGwapo sa paningin ni Doms ang new look ni Doc Racky.
Bagay na bagay kay Doc Racky ang SemiKal at may mga papatubong mga balbas itong si Doc Racky na halatang hindi nakapagShave ng ilang araw...
Mas lalo pa itong naging masculine and charming sa mga mata ni Dominic...
"ARF... ARF... ARF..." Ang kahol naman ni Thalia para magpapansin.
"Bagay daw sabi ni Thalia..." Ang mabilis na usal nang natatawang si Dominic.
"Doms... I need to sleep early at napadaan lang ako sa FB ko...
Tulog na din kayo ni Thalia at maaga pa tayo bukas..." Ang nakaSmile na pagpapaalam ni Doc Racky kay Doms.
"Sige Doc... See you tomorrow..." Ang reply naman ni Doms sa nagbaba-Bye na si Doc Racky..
"ARF... ARF... ARF..."
"Goodnight Thalia... See you tomorrow my Baby... Miss ko na kayo..." Ang sweet na last na sinambit ni Doc Racky bago sila magEnd ng Video Call ni Doms.

*******12:30am Saturday*******

Hindi pa din nakakatulog itong si Dominic dahil sa halo-halong emotions na kasalukuyang nagwaWating sa kaniyang dibdib simula pa nang matapos ang kanilang Video Chat ni Doc Racky...
"Ang hirap talagang ng situtation ko..." Ang isip-isip nitong si Dominic habang nagpapa-Antok.
Although tanggap naman at batid ni Doms ang mga Pros and Cons ng isang bisexual kapag naInlove ang mga ito sa isang Straight...
"Haiiist..." Ang mahabang pagSigh ni Doms dahil alam niya na mas pipiliin ng isang straight na makiPagrelationship sa opposite sex.
Ipinikit na lamang ni Doms ang kaniyang mga mata habang hinahagod-hagod niya ang Golden Fur Coat ng naghihilik na si Thalia na nakatabi sa kaniya...
...
...
...
"Mas masarap kaya ang may Crush..." Ang bigla na namang pumasok sa isipan ni Dominic na boses ni Myrtle na nagpadilat muli sa kaniyan dalawang mga mata.
...
...
...
"Kahit na malandi ka eh may point ka din..." Ang napaSmile na nasambit na lamang ni Doms that time para kay Myrtle.
Nang mga sandaling yao'y naging malinaw na malinaw and nagkaroon ang sense ang mga sinabi sa kaniya ni Myrtle...
Kaagad na tumagilid itong si Dominic sa kaniyang pagkakahiga upang gawin muling body pillow ang matabang si Thalia...
Kasabay ng muling pagpikit ni Dominic ay napaSmile siya dahil sa isang self realization...
...
...
...
"Why not... why not..." Ang murmur ni Doms sa kaniyang sarili habang dinadalaw na siya ng pagka-antok.
...
...
...
That time ay nalagpasan na ni Doms ang kaniyang self denial period...
...
...
...
Tinanggap niya ng buong-buo ang kaniyang natuklasang katotohanan sa kaniyang sarili...
...
...
...
Ang katotohanang patay na patay talaga siya kay Doc Racky...
...
...
...
"Hindi ko po kailangan Lord ng isang Ralasyon..." Ang muling murmur nang papahimbing na si Dominic.
...
...
...
"Kailangan ko po ng isang inspirasyon..." Ang last na nasambit ng magaan ang pakiramdam na si Dominic bago siya nahimbing habang inaaninaw niya sa kaniyang pangarap ang larawan ng nakaSmile na SemiKal na si Doc Racky.

 Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush/Top Of The World
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You

To Be Continued

25 comments:

  1. Dios ko! Ka igat ni Thalia! Go Domz wag patatalo kay Thalia hahahahahah

    ReplyDelete
  2. super kakilig! grrrrr..
    pati ako feeling naiinit cheeks ko kapag kausap ni domz si doc!
    hahaha!

    hay..
    ansarap nmn talaga kc ng may crush!
    tama ang mga sinabi ni myrtel. ^^,

    ReplyDelete
    Replies
    1. PROMISE Kuya Ferdz :))) Iba kapag talaga di ba kapag InLove ka sa Crush mo :)))

      Delete
  3. Sana laging maganda ang panahon para tuwing umaga magkikita abg tatlo ..

    Ang landi talaga ni Thalia , nilampaso ng todo c Dom . Super tawa ako sa chapter na to neng at may kadamang kilig ,, adik lng ehh ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan talaga kapag may kapitbahay na Pogi! :))) Kailangang magpapapansin :))) Hahaha!!!

      Delete
  4. tuluyan ng nakalimutan ni doms yung friend nya. dapat kasi sumama k nlng s baguio haha. ayan nagugulo tuloy ang puso mo kay doc racky. ginawa pang excuse c thalia ni doc at doms. magtapat na kayo s isat-isa para tapos na problema.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba talaga ang lakas ng dating ni Doc Racky Kuya 0309 :))) LOLs!

      Delete
  5. buti pa si thalia egat heh ehee..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganoon kalakas ang dating ni Doc Racky kaya Kuya Russ :))) LOLs!!!

      Delete
  6. Jusko!hahaha!kakalerki si Thalia!third party lang ang peg! :D

    Nakarelate ako dun sa mga pinagsasabi ni Myrtle sa yes or no sa relationship..ganyan ganyan ako mag isip..hay

    Thank you Kuya Ponse!mwah! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pare-pareho lang tayo nina Myrtle! Nyahahaha!!! :)))

      Delete
  7. Sana masundan agad. I love it. Ntutuwa ako ke thalia kahit aso may pagkakire.

    Randz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho lang sila ni Domz and Thalia Kuya Randz :))) Nyahahaha!!! :)))

      Delete
  8. May nalasahan akong mapait dun sa opinion ni myrtle... lol...

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point si Myrtle Mr.FrostKing :)))

      Kaya single pa si Ponse ih! :)))

      Delete
  9. Masarap mainlove lalo na kung inlove din sya sayo. Yun ung feeling na di nawawala ang kilig. Buti pa si Dok Raki at Dom mukhang nagkatagpo na. Nakakakilig na nakakakaba din at nakakaexcite pa ang mga susunod na aabangan.

    Galing Kuya P!

    I know I need to be inlove!!!! Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Libre lang ang ma-in-Lab Mr. Stan :)))

      Delete
    2. Tomohhhh!!!!

      Those kilig moments :-)

      Delete
  10. Crush ko na din c Doc Racky nyay... Inspired tuloy ako hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madami ka pa pedeng maging Crush Richie :))) Tingin ka laang sa paligid mo :)))

      Delete
  11. kilig to the bones... iba talaga style mo kuya Ponse... than you kuya Ponse kahit may sayad ka... hahahahahaha

    ReplyDelete
  12. Nice story. Can't wait for the next chapter.

    ReplyDelete
  13. Mali ako ng prediction sa Part 4.. Kala ko intense, kilig pala.. I felt hindi match yung song sa story.. I like that song so much siguro mali lang ang timing ko pag pinakikingan ko siya.. Besides sa music video medyo may pag smile sa story dun..

    I know I ask perfection of a quite imperfect world..

    Ang galing galing mo talaga kuya Ponse..

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete