Wednesday, October 23, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 5



*******Within The Week*******

Very Happy and Satisfied na satisfied itong si Dominic sa ginawa niyang set-up niya sa kaniyang sarili towards sa walang kamuwang-muwang na si Doc Racky...
Tahimik lamang na ini-Enjoy ni Doms ang company nitong si Doc Racky everytime na nagjo-Jogging sila tuwing madaling araw and eventhough panira ng kaniyang mga moments ang kaniyang matabang pet na Labrador Golden Retriever na si Thalia ay hindi magawa-gawa nito na sirain ang kaniyang pagiging masaya and ang kaniyang pagkaGood ng mood sa tuwing kapiling nila si Doc Racky...
Tanging pagbubuntong hininga na lamang ang naibubulalas ni Dominic kapag tinitignan niya ng palihim ang pawisang si Doc Racky dahil hindi niya maiExpress kung gaano kagaan ang kaniyang loob kapag lumalabas ang dalawang biloy nito sa magkabilaang cheeks and pinaPartner-an pa ng pag-ngiti ng mga nito at angpagka- perfect white ngtinataglay nitong good set of teeth...
NapapaSmile na lamang si Dominic sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan na tama ang ginawa niyang Decision...
Kahit na batid ni Dominic na pupuwede siyang magSelos sa kaniyang Crush na si Doc Racky ay hindi naman magiging masyadong malaki ang impact nito sa kaniya dahil alam niyang wala siyang karapatang magselos dahil Crush lang naman niya ito...
Napatunayan din ni Dominic sa kaniyang sarili na tama ang kaniyang naging Decision dahil after ng one week na pagjo-Jogging nilang tatlo nina Thalia and Doc Racky ay nagpaalam muli itong si Doc Racky na hindi na naman siya makakasama sa kanilang pagjo-Jogging dahil may aAttend-an siyang isang Vet Conference and Seminar sa Baguio...
Slight na nalungkot lang naman itong si Dominic pero abot tainga naman ang kaniyang naging ngiti nang sinabihan siya ni Doc Racky na palagi siyang makikipag-VideoChat sa kanila ni Thalia every evening kapag nasa Baguio na siya...

*******Tuesday 6:00pm*******

Hindi naman masyadong naMiss nina Dominic and Thalia itong si Doc Racky dahil nakakaVideo chat nga nila ito gabi-gabi pero alam ni Dominic na iba pa din kapag personal nilang nakakasama itong si Doc Racky...
Masaya si Dominic kapag nakaka-usap niya't nakikita ang semiKalbong si Doc Racky sa Monitor ng kaniyang Laptop pero mas labis ang kaniyang kasiyahan when he's close to Doc Racky physically...
Yung tipong pagpipiyestahan niya ng kaniyang mga paningin ang basa sa pawis na shirt ni Doc Racky...
Ang maamoy niya sa katawan nito ang magkahalong scent ng pawis and and scent ng safeguard white na ginamit nito kapag nadidikit si Doc Racky sa kaniya habang nagjo-Jogging sila...
At higit sa lahat ay ang hindi niya pinagsasawaang pagSmile sa kaniya ni Doc Racky everytime na mahuhuli siya nitong nakakatitig sa kaniya...
Walang kaalam-alam itong si Dominic na napapangiti na pala siya habang iniisip niya itong si Doc Racky...
"Doms..." Ang pagpukaw ni Mommy Juliet sa binata na hindi pinansin ng nangangarap na si Doms.
"HOY DOMS!!!" Ang bulahaw ni Mommy Juliet nang hindi siya pinansin ng kaniyang anak.
"ANYARE???!!!" Ang gulat na usal ni Doms sa kaniyang Mom.
"Pangiti-ngiti ka ah... May gusto ka bang ibalita?" Ang pabirong usal kaagad ni Mommy Juliet.
Napalunok na lamang ng kaniyang laway itong si Dominic nang ibaling na din nina Daddy Elvis and Tita Luisa ang kanilang Attention sa kaniya...
Nakaugalian na kasi ng kanilang Family na manood ng News sa Studio 23 around that time kaya nama'y kumpletong-kumpleto silang lahat ngayon sa kanilang salas at kahit itong si Thalia'y nakatingin na din kay Doms...
'Wala naman..." Ang pagsisinungaling ni Dominic na hindi naman kinagat ng lahat.
"Eh bakit hindi ka na bugnutin ngayon..." Ang sambit naman ni Tita Luisa.
"Maganda lang po ang mood ko..." Ani kaagad ni Dominic.
"Dahil yan sa exercise..." Ang singit naman ni Daddy Elvis sa usapan na siyang ikinaluwang ng hininga nitong si Dominic at talaga namang ayaw na ayaw niya ang malagay sa Lime light.
"Oo nga pala... Nagjo-Jogging kayo tuwing umaga..." Ang masayang sambit naman ni Mommy Juliet.
"Kaya pala medyo pumayat na ng kaunti itong si Thalia..." Ang usal naman ni Tita Lui.
"ARF..." Ang outburst kaagad ni Thalia dahil sa sobrang tuwa nito nang sinabihan siyang namayat na.
NapaSmile din si Doms dahil napansin din niya ang effect sa kaniya ng pagjo-Jogging nang one time ay nakita niya ang kaniyang reflection sa salamin...
"Kumusta naman pala si Doc Racky... Hindi na ako nakadalaw sa bahay nila para matignan ang mga Antique Furnitures nila..." Ang next na sambit ni Mommy Juliet.
"Nasa Seminar po Ma..." Ang maikling sagot lang ni Dominic.
"Basta Doms ituloy-tuloy nyo lang ni Thalia ang pagjo-Jogging kahit wala si Doc Racky..." Ang usal naman ni Daddy Elvis.
"Syempre naman po Dad..." Ang nakaSmile na reply ni Dominic.
"Mabuti na nga lang at nagjo-Jogging kayo... Medyo pumayapa ang buong bahay kasi..." Si Tita Luisa naman ang next na nagsalita habang natatawa ito.
"Payapa naman ang bahay ah..." Ang curious na sagot ni Dominic.
"Weh... Dati nung hindi kayo nagboBonding ni Thalia eh lagi kayong nag-aaway pero ngayon eh magkasundong-magkasundo na kayo..." Ang natatawang explain naman ni Tita Luisa.
"Yan ang benefit ng exercise... Hindi lang physically but pati na din ang mood eh gumaganda kapag pinag-pawisan din..." Ang sambit ni Daddy Elvis at talaga namang kahit siya'y pansin din ang pagiging magkasundo nina Doms and Thalia unlike before.
NapaSmile na lamang itong si Dominic sa kanilang usapan dahil ang iniisip nina Mommy Juliet, Daddy Elvis and Tita Luisa ay ang kanilang pag-eExercise ng dahilan kung bakit palaging good ang mood nila ni Thalia but in Dominic's mind at that time ay ang Fit and handsome na si Doc Racky ang salarin kung bakit parating nasa sa Good Mood siya palagi...
"By the way Doms... Magno-November na... Kailan ba ang Annual Charity nyo..." Ang next na tanong ni Mommy Juliet sa lalo pang napai-Smile na si Dominic...
"THAT... I FORGOT TO TELL YOU..." Ang malakas na bungisngis ni Doms sa kaniyang Mom.
Isa sa mga favorite kasing activity ni Dominic sa kaniyang work ay ang Annual Pre-Holloween Treat ng Museong Pambata na ginagawa nila a week before October 31st...
Since na kaibigan ni Mommy Juliet and Daddy Elvis ang Head ng Museong Pambata ay nagpaParticipate din sila on that said event...
Once a Year ay binubuksan kasi ang Museong Pambata para sa mga Less Fortunate Children as their Charity Event to Give Back to the Community...
"NagMeeting na po pala kami kanina... Same lang din po ang gagawing activity..." Ang nakaSmile na pagpapaalam ni Dominic sa kaniyang Mommy Juliet.
"Kailan ba yan gagawin..." Ang next na tanong naman ni Mommy Juliet.
"This coming Saturday po... We'll be preparing na po starting tomorrow Ma..."
"Naku... Honey sabihan mo na ang mga Kumpare mo... I'll also ask my Amigas for donations na din..." Ang excited na usal ni Mommy Juliet dahil looking forward din siya sa event na iyon.
Ang Holloween Charity Event lamang ang pinag-usapan nina Doms the rest of the evening at kahit nang makaVideo Chat niya itong si Doc Racky ay ito pa din ang kaniyang ikinuwento dito na ikinatuwa naman ng Vet...
Hindi na din nawawala ang pagtutulakan nina Thalia and Dominic sa harapan ng Monitor everytime na nasa sa VideoCHat sila na siya namang kinaaliwan nitong si Doc Racky at talaga naman kasing gustong magpapansin nitong si Thalia sa kaniya and si Dominic nama'y ayaw na ayaw na nauudlot ang usapan nila...

*******Wednesday 9:00am*******

Sa kabutihang palad nama'y dalawang School lamang ang nakaSchedule na magFieldTrip sa Museong Pambata kaya nama'y nakapagMeeting ulit itong sina Doms upang iRun Through ulit ang kanilang mga kina-kailangang gawing preparations for Saturday...
"Okay pa ba yung mga pangDecorations natin..." Ang unang tanong ng kanilang head sa mga kaniyang mga staff when the meeting started.
"Okay pa naman po Ma'am... Pupunasan na lang po ng alikabok..." Ang sagot ng isa sa mga Currators.
"Yung list ng mga bata... Change of plan pala... dadag-dagan natin this Year... From 100 to 200 heads... Okay lang ba sa inyo..."
"Okay na okay po Ma'am..."
"Sabihan nyo na yung contact natin na taga DSWD sa Baseco Compound para maibigay na niya ang final na listahan ng mga bata..."
"Sige po Ma'am... i-te-Text ko na po rightnow..."
"Yung susundo and maghahatid sa mga bata... Please notify them na kailangan pa ng additional na services for the Kids..."
"Copy po Ma'am..."
"Sabihan nyo din nga pala yung Jollibee na magdadagdag pa tayo... "
"We're on it po..."
"Yung mga Programs... Ayos na din ba..."
"Okay na po... Kapag dumating na po yung mga donated na give aways eh ipaPack po namin rightaway..."
"Good... Doms... NagText si Mareng Juliet kagabi... Maraming na namang matutuwang mga bata n'yan..." Ang sambit ng Head ng Museong Pambata kay Dominic.
"Opo Ma'am... Sinabi ko po kay Mommy last evening..." Ang reply naman ni Doms.
"By the way nga pala... Yung mga programs and Games... Ayos na ba..." Ani muli ng Head sa kaniyang mga Staff.
"Okay na po ang Sound System... NakaLine Ups na din po ang mga programs... Pati na din po ang mga Prizes..."
"PakiTawagan na din pala yung mga tagaRed Cross at pakisabi na 200 Childrens ang invited sa Event..."
"Sure po Ma'am..."
Lagi din kasing may kasamang Medical Mission ang kanilang Annual Carity Event para bakunahan at painumin ng Vitamins ang mga Bata courtesy of The Philippines National Red Cross...
"Preparations na lang pala ang kulang..." Ang nakangiting sambit naman ng impress na impress na Head.
"Teka nga lang po Ma'am... Bakit naDouble ang number ng mga bata..."
"May nagdagdag sa Fund natin kasi... Bibisita siya sa Saturday..." Ang masayang explain naman kaagad ng Head ng Museong Pambata na siya namang kaagad na sinimangutan ng kaniyang mga Staff.
"Hindi siya Politician... Promise... Isa siyang Public Figure... Matutuwa kayo kapag nakita nyo siya..." Ang dagdag ng head nang makita niyang nakaFrown ang kaniyang mga staff dahil alam na alam niyang ayaw na ayaw ng mga ito na ginagamit ng mga Politicians for their personal gain ang mga bata.
"Artista po ba... Sikat po ba... Sino po..."
"Secret..." Ang maiksing answer lamang ng nakaSmile na Museum Head na lalo pang ikinaCurious ng kaniyang mga staff.
"And Lastly... Don't forget to Pray na magkaRoon tayo ng good weather sa Saturday... Yun lang... GoodLuck to all of us..." Ang last na sinabi ng Head sa pagtatapos ng kanilang meeting and after that ay excited nang kumilos ang lahat ng mga staff ng Museong Pambata to Prepare for their Annual Charity Holloween Party Event this coming Saturday.

*******From Wednesday To Friday*******

Naging busy itong si Dominic sa pagpre-Prepare sa kanilang upcoming Charity Event sa Saturday at kahit sa Bahay ay naging abala din siya nang makapagShopping na ang kaniyang Mommy Juliet ng mga idoDonate nila ni Daddy Elvis at ng kanilang mga Friends para sa mga mahihirap na batang pupunta sa Museong Pambata sa Saturday...
"We'll be there ng Dad mo Doms kaya lang baka after Lunch na at may appointment pa kasi kami on Saturday Morning..." Ang ibinilin ni Mommy Juliet sa kaniyang anak one evening.
"Ma... May bisita po pala sa Sabado... May idea ka po ba doon..." Ang tanong kaagad ni Doms dahil curious na curious sila ng kaniyang mga kasamahan kung sino ang bisitang sinasabi ng kanilang head.
"Yup... I was informed..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Mommy Juliet.
"Kaya nga sasama ako sa Sabado eh..." Ang pagsingit na sambit naman ni Tita Luisa sa kanilang usapan.
"Sino po yun Ma..."
"Secret..." Ang nakaSmile lamang na answer ni Ma'am Juliet na ikinatawa ng malakas ni Tita Luisa.
"SINO NGA PO YUN EH..." Ang naasar na outburst naman ni Dominic na lalo pang ikinatawa ng kaniyang Mommy Juliet and Tita Luisa.
"Basta... Wait mo na lang sa Saturday..." Ang usal muli ni Mommy Juliet.
"Masu-Surprise ka talaga Doms..." Ang pang-aasar pang lalo ni Tita Luisa sa curious na curious na si Dominic.
"Hindi daw politician... SIGURO ARTISTA ANO..." Ang next na tanong naman kaagad-agad ni Dominic.
"Hay naku... Basta Doms... Masu-Surprise ka talaga..." Ang last na sinambit na lamang ng natatawang sina Mommy Juliet and Tita Luisa at pagkatapos ay iniwan na nilang nag-aalburuto itong si Dominic na nag-aayos ng mga give aways para sa mga bata.
"Ewan ko sa inyo..." Ang naasar na parang batang sambit ni Dominic sa kaniyang sarili para sa kaniyang Mommy and Tita dahil kahit na ano pa mang pangungulit na gawin niya'y hindi sa kaniya sinabi kung sino ang magiging bisita sa Museong Pambata bukas.
...
...
...
Nakadagdag din sa pagaalburuto ni Dominic ang kakulitan din nitong Thalia dahil walang tigil ito sa kakadamba sa kaniyang sa kaniyang Bed...
Nagpadala kasi ng PM itong si Doc Racky Yesterday na hindi siya makakapagOnline ngayong gabi at may gagawin daw siyang impotante...
"Kulit mo naman Thalia eh..." Ang naasar na sambit ni Dominic sa kanilang matabang Pet na Labrador Golden Retriever nang hindi pa din ito tumigil-tigil sa pangdadamba sa kaniya habang binubukas niya ang kaniyang Laptop.
"Tignan na lang natin ulit ang FB ni Doc Racky..." Ang next na sinambit ni Dominic at pagkatapos ay sinatisfy na lamang nilang dalawa ni Thalia muli ang kanilang mga sarili na tignang muli ang mga DP sa FB nitong si Doc Racky.
"Ano naman kaya ang pinagkaabalahan ni Doc Racky..." Ang nasambit  ni Dominic kay Thalia.
"Baka lumabas at Friday ngayon..." Ang muling sambit ni Dominic.
"GRRRRRR... ARF..." Ang malakas na angil ni Thalia na ikinalaki naman kaagad ng mga mata nitong si Doms.
"Baka nakiPagDate..." Ang medyo bothered na usal ni Dominic na lalo pang ikinaAngil ni Thalia.
Walang idea itong sina Doms and Thalia kung nasa sa Baguio pa din ba itong si Doc Racky that time...
...
...
...
Alam ni Dominic na Crush lang niya itong si Doc Racky ngunit just like his pet Thalia ay hindi niya napigilang magselos dahil parang nanunuksong sumasagi sa kaniyang isipan na baka nakikipagDate nga itong si Doc Racky at this moment...
"Doms... Wala kang karapatang magselos... Huwag kang assuming..." Ang paulit-ulit na iniuusal na lamang ni Doms sa kaniyang sarili hanggang siya'y makatulog na't talaga namang bothered na bothered siya sa kaiisip kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan nitong si Doc Racky at hindi ito nakapagOnline at nakipagVideo Chat sa kanila.

*******Saturday 9:00 am*******

Pagkadating na pagkadating pa lamang ni Doms sa Museong Pambata'y naramdaman na niya kaagad ang masayang Atmosphere and ang pagka-JamPack ng Museum dahil sa mga kanilang mga bisitang bata...
"KUYA DOMS!!! KUYA DOMS!!!" Ang malalakas at masasayang pagtawag ng mga nakapilang mga bata sa kaniyang name na nagbigay naman kaagad ng isang matamis na ngiti sa mga labi ng puyat sa kaiisip kay Doc Racky kagabi na si Dominic.
"MUSTA NA KAYO!!!" Ang masayang bulalas naman din ni Dominic nang nilapitan na niya ang mga bata.
Sila kasi ang mga suki ng Charity Event ng Museong Pambata every year kaya nama'y nakilala na ng mga bata itong si Dominic at ang iba pang mga regular na staff ng Museong Pambata...
"EXCITED NA BA KAYO..." Ang next na tanong ni Dominic at binigyan naman kaagad siya ng malalakas na hiyawan ng mga batang tagaBaseco Compound.
"Doms... Puntahan mo muna yung mga taga-Red Cross at pakiCheck kung may kailangan pa sila... Uunahin muna natin ang pagbibiFlu Vaccine ng mga bata then after that ay Batch by Batch natin silang itu-Tour..." Ang bulong ng isang kasamahan ni Dominic na kaagad namang ginawa ng binata.
...
...
...
Pagkapasok na pagkapasok ni Doms sa main hall ng Museum ay nakita niyang nagreReady na ang mga taga Philippines National Red Cross at nakahanda na din ang kanilang mga gamit sa maliliit na table sa kanilang mga harapan na siyang pipilahan ng mga bata...
Kaagad na kumilos itong si Doms upang puntahan na ang mga magmeMedical Mission nang walang pasabing kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib upang maging sanhi na mapahinto siya sa kaniyang pagLapit sa mga taga Red Cross...
Napansin kasi nitong si Doms na may nakaSmile at nakatingin sa kaniya ang isang nakatayong semikal na lalaki na nakaTshirt ng Philippine National Red Cross at may nakasabit na Stethoscope sa leeg nito...
"HI DOMS..." Ang malakas and masayang bati nitong si Doc Racky sa parang estatwang natigilang si Dominic.
"Kilala mo ang Cousin ko..." Ang boses ni Myrtle na next na narinig ni Doms.
"HA???!!!" Ang naiusal na lamang ng lalo pang naShock na si Doms.
"Sabi ko magkakilala kayo ni Kuya Racky..." Ang muling sambit ni Myrtle sa nahimas-masang si Dominic.
"NA SURPRISE KA BA???" Ang para namang batang tanong ni Doc Racky sa biglang naConscious na si Dominic.
"Ha... Ah... Eh..." Ang usal na lamang ni Doms at hindi niya mawari sa kaniyang sarili kung bakit siya biglang kinabahang bigla.
"We're neighbors..." Ang nakaSmile na sambit na lamang ni Doc Racky sa kaniyang Pinsang si Myrtle.
"Ako ang tumitingin sa kanilang Alagang Aso..." Ang next pang sinabi ni Doc Racky.
"Ano... NaSurprise ka ba..." Ang muling tanong ng excited na si Doc Racky kay Doms.
"Ha... Ah... Ba't ka nandito..." Ang bulalas ni Doms dahil iyon ang unang sentence na pumasok kaagad sa kaniyang isipan to start his conversation with Doc Racky.
"NagVolunteer ako... Tinawagan kasi ako ni Myrtle..." Ang cool na reply lamang ni Doc Racky sa lalo pang naguluhang si Dominic.
"What I mean is ikaw ang titingin sa mga bata... Di ba Vet ka..." Ang mabilis na explain kaagad ni Dominic and this time ay naibalik na niya ang kaniyang Composure.
"Unang Job ni Kuya was being a Paramedic sa States then nagShift lang siya ng Career to be a Vet..." Ang natatawang sambit naman ni Myrtle.
"Ah..." Ang tanging nasambit na lamang ni Dominic habang lalo pa siyang naimpress kay Doc Racky.
"Ikaw muna ang mag-assist kay Kuya ha... I'll prepare na yung mga pangActivities and Games ng mga bata..." Ang last na sinabi ni Myrtle kay Doms bago niya iniwan ang dalawa.
"NaSurprise ka ba..." Ang parang batang muling tanong ni Doc Racky na tinunguhan lamang ni Doms at tila ba hindi pa ito makahugot ng mga words para sa kaniyang mga ideDeliver na sentences that time.
"HA.. HA... HA... Sabi ko na nga ba masu-Surprise ka eh... Hindi talaga ako nakipagVideo Chat kagabi kasi bumaba ako ng Baguio just to be in this event... Mabuti na lamang pala at Red Cross ang nagmeMedical Mission sa Charity ninyo..." Ang tuloy-tuloy na usal ni Doc Racky kay Doms habang papunta na silang dalawa sa Table nitong si Doc Racky and after a few minutes lamang ay nagsimula nang pumila ang mga bata para magpa-Check Up at mabigyan ng Vaccine nina Doc Racky.
...
...
...
Halos tumigil ang oras ni Dominic habang pinagmamasdan niya ang ginagawang pagche-Check Up nitong si Doc Racky sa mga bata...
Kung kanina'y na-Impress siya dito nang mapag-alamanan niyang naging isang Paramedic itong si Doc Racky sa US at isang itong Volunteer sa Red Cross ay mas lalo pang gwumapo sa paningin ni Doms itong si Doc Racky dahil sa pagiging Jolly and Pleasant nito habang chine-Check Up niya ang mga batang nakapila sa kaniyang table...
"Doms... May finish nang Batch ng mga Bata... Ipasyal mo na sila... Ako na Dito..." Ang sambit ni Myrtle kay Doms nang lumapit muli ito sa table ni Doc Racky.
"Kami na lang Kuya Doms ang ipasyal mo... Hintayin mo kami..." Ang pakiusap naman kaagad ng mga batang nakapila sa table ni Doc Racky nang marinig nila ang sinabi nitong si Myrtle.
"Bakit naman ang Kuya Doms nyo pa ang gusto nyong magpasyal sa inyo..." Ang curious na sambit na tanong naman kaagad nitong si Doc Racky sa mga bata na biglang ikinapula ng mukha ng nakatayo sa kaniyang tabing si Dominic.
Kaagad na nagCross ng kaniyang Fingers itong si Doms at nagdasal dahil bigla siyang kinabahan sa kung ano ang sasabihin ng mga bata...
"Astig kasi eh..." Ang maiksing explain lamang ng mga bata kay Doc Racky.
"Panong Astig..." Ang reply naman ni Doc Racky.
"Eh kasi masaya kapag si Kuya Doms ang nagpapasyal sa amin dito... At matalino pa si Kuya Doms..." Ang proud na proud na sinabi pa ng mga bata sa nakaSmile na si Doc Racky.
"Mabait ba ang Kuya Doms nyo..." Ang next na tanong ni Doc Racky sa mga bata.
"Opo..." Ang sabay-sabay na sagot naman ng mga bata na lalo pang ikinaliit nitong si Dominic.
"Ayaw nyo ba sa akin... Hindi ba ako mabait..." Ang biglang usal naman kaagad nitong si Myrtle sa mga nagulantang na mga bata.
"Oist... Ano ka ba Myrtle... Huwag mo ngang takutin ang mga bata... Ikaw na lang ang magTour dun sa natapos nang maCheck Up na mga batches... Sige na..." Ang masayang usal ni Doc Racky at pagkatapos ay itinulak niya ng marahan papalayo itong si Myrtle sa kaniyang table na ikinatuwa naman ng mga bata.
"Masaya bang magPasyal ang Kuya Doms nyo..." Ang muling tanong ng nakaSmile pa din na si Doc Racky sa mga bata at just like a while ago ay sabay-sabay na namang nag 'Opo' ang mga less fortunate Children.
"Sige... Sabi nyo yan ha... Pagtapos ko kayong maCheck Up eh puwede ba akong sumama sa inyo habang itinu-Tour kayo ng Kuya Doms nyo..." Ang Baby talk ni Doc Racky at wala pang ilang seconds ay masayang pumayag kaagad ang mga bata.
Napalunok na lamang ng kaniyang laway itong si Doms at isang nahihiyang Smile na lamang ang kaniyang naisukli kay Doc Racky nang kinindatan siya nito...
...
...
...
After na maCheck Up ni Doc Racky ang mga Bata at mabigyan ng Vaccines and Vitamins ay kaagad na itong nagyaya sa loob ng Museong Pambata and luckily naman na kahit mataas ang level ng pagkaConscious nitong si Dominic that time dahil nga sa presence nitong si Doc Racky ay Automatic na nag-On ang kaniyang pagiging Professional Currator sa mga bata...
Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya itong si Doc Racky ng palihim habang itinu-Tour niya ang mga bata at mas lalo pang gwumapo sa kaniyang paningin itong si Doc Racky dahil nakikita niyang nakikipagbiruan pa ito sa mga bata besides sa semi fit na Red Cross Shirt na suot-suot nito na siyang nag papahalata sa maMuscled na upper body ni Doc Racky...
Dominic make it sure na nagEnjoy talaga ang mga bata sa kanilang pamamasyal sa Museum na kasama siya at talagang tiniyak niya na maipakita kay Doc Racky ang kaniyang pagiging isang Professional Currator...
"Natatandaan nyo pa ba kung sino ito..." Ang nakaSmile na sambit ni Dominic sa mga Bata nang magawi na sila sa mga National Heroes Section ng Museum.
"SI TANDANG SORA!!!" Ang malakas na answer naman ng mga bata na ikinatuwa ni Dominic.
"Mabuti na lang at natatandaan nyo pa siya... Okay... Mag-Games tayo...
Hanapin nyo ang picture ni Juan Luna... May Ibibigay ako sa unang makakita..." Ang nakaSmile na reply naman ni Dominic sa mga bata na mabilis na nagsitakbuhan naman kaagad upang hanapin na ang Hero na ipinapahananap sa kanila.
"Doms..."
"Ano yun Doc..."
"Anong Oras na..."
"Ha..."
"Sabi ko Anong Oras na..."
"Di ba katatanong mo lang sa akin kanina Doc..."
"Nakalimutan ko na eh..." Ang nakangising reply na lamang ni Doc Racky.
"11:30 na..." Ang sambit na lamang ni Dominic nang tignan niya ang time sa kaniyang Fossil Wrist Watch.
"Thanks..." Ang maiksing reply lamang ng nakaNgising si Doc Racky at pagkatapos ay sumama na siya sa mga bata sa paghahanap sa Portrait ni Juan Luna.

*******12:30 pm*******

That time lang kumain ng Lunch ang mga Staff ng Museong Pambata at ang mga Volunteers ng Philippines National Red Cross dahil pinauna muna nila ang 200 Children na makapagLunch ng One Piece ng Chicken Joy and One Serving of Rice at isang small na coke...
Eventhough ganoon lamang ang pagkain ng mga Less Fortunate Children ay kitang-kita ng lahat nina Dominic and Doc Racky ang labis na kasiyahan ng mga ito dahil sa kanilang mga ngiti't pagkutitap ng mga mata ng mga bata...
"Ang gwapo ng Cousin ko ano..." Ang pagbibiro ni Myrtle nang makaupo na siya sa table na kinauupuan nina Doms and Doc Racky.
Doon na napag-alamanan ni Dominic sa kuwento ni Myrtle na malayong magPinsan pala ang dalawa at Yesterday lang nalaman ni Doc Racky na nagtraTrabaho pala ang kaniyang pinsang si Myrtle sa Museong Pambata at sakto namang may Charity Event para sa Less Fortunate Children kaya naman nagVolunteer kaagad itong si Doc Racky since he's a member of Red Cross...
Buong Lunch Period na nakaAngkla talaga sa bisgi nitong si Dominic itong si Myrtle at para bang naiimagine niyang nag-uusap ang mga mata ng magPinsan...
Medyo slight na nainis itong si Doms dahil hindi siya nilubayan ni Myrtle during Lunch at talagang ipinakita talaga nitong si Myrtle sa kaniyang pinsang si Doc Racky na feeling Close silang dalawa nitong si Doms...
Medyo naUpset slightly itong si Doms dahil ito na nga lang ang time na masoSolo niya itong si Doc Racky since naiwan nga sa bahay itong si Thalia ngunit ang pumalit namang panira ng kaniyang moment sa kaniyang Crush ay itong ngang si Myrtle...
Mas lalo pang hindi naSolo ni Doms itong si Doc Racky dahil that time ay dumating na din sa Museong Pambata ang kaniyang Mommy Juliet and Daddy Elvis at kasama din nila ang kaniyang Tita Luisa...
"Doms... Anong oras na..." Ang usal muli ni Doc Racky nang makakuha siya ng chance na magtanong muli kay Doms dahil nakiJoin na din kasi sa kanilang table ang Family ni Dominic.
"Quarter to One... May pupuntahan ka bang appoinment Doc..." Ang sambit naman ni Doms dahil medyo nawi-Weird-an na siya sa palaging pagtatanong ng time sa kaniya nitong si Doc Racky.
"Wala naman... Thanks..." Ang nakangising reply lang muli ni Doc Racky and after that ay itinuloy na niya ang pakikipag-usap kina Mommy Juliet, Daddy Elvis and Tita Luisa.
Napataas na lamang ng kaniyang Kilay itong si Dominic at binalewala na lamang niya ang behaviour nitong si Doc Racky at pikit mata niyang hinarap itong si Myrtle...
Wala na din kasi siyang magawa kundi makipagKuwentuhan na lamang kay Myrtle hanggang sa matapos na ang Lunch Time...

*******1:00 - 2:30 pm*******

Lalo pang naging masaya ang mga Bata dahil sinimulan na ni Myrtle ang kanilang Program na inihanda ng mga Staff para sa kanila...
Madaming mga bata ang nagVolunteer na kumanta't nagsayaw at madami ding mga sumali sa kanilang mga inihandang pa-Games...
Once a Year lang talaga ang Charity Event ng Museong Pambata kaya nama'y tiniyak at sinigurado ng lahat na mapapasaya talaga nila ang mga Less Fortunate Kids sa pagdalaw ng mga ito sa kanila Museum...
"Doms... Anong oras na..." Ang nakangising tanong ulit ni Doc Racky habang nanonood sila ng mga Games at hindi na nakatiis pa itong si Doms kaya nama'y kinompronta na niya ang nakakalokong si Doc Racky.
"Magtu-Two Thirty na... Bakit ka ba tanong ng tanong..." Ang  medyo naiinis na sambit ni Doms sa nakangisi pa ding si Doc Racky.
"Wala lang... Thank You..." Ang maiksing sambit na lamang muli ni Doc Racky and pagkatapos ay itinuon na nito ang kaniyang pansin sa mga masasayang mga bata.
"KIDS... Snack time na muna tayo... Maupo na kayo..." Ang announcement ng Head ng Museong pambata at pagkatapos ay nagulat na lamang ang lahat nang makita nilang nagpasok ang mga maintainance ng mga fast food.
Gulat na gulat talaga ang mga bata dahil nasanay na silang walang snacks kapag nagpupunta sila sa event...
"Bigtime..." Ang bulalas ni Doms nang makita niyang dalawang styro ng KFC ang inilagay sa hapag ng bawat mga bata.
"Oo nga... NakakaGulat..." Ang bigkas naman ni Myrtle dahil wala talaga silang alam na may Snack para sa mga bata.
Lalo pa silang nagulat nang makita nilang isang Spaghetti ng KFC, One Piece Chicken and Two servings ng Rice and isang large na Softdrinks ang snacks ng mga bata at sinamahan pa ng mga naglalakihang lalagyan ng bottomless na Gravy na lalo pang ikinatuwa ng lahat...
"Nagustuhan nyo ba ang Snacks nyo..." Ang masayang tanong ng Head and this time ay nakaMicrophone na ito.
"OPOOOO..." Ang masaya namang sagot ng mga bata na ikinangiti nina Doms.
"Bigay yan sa inyo ng Maganda kong pamangkin... MagThank you kayo sa kaniya ha..." Ang masayang sambit naman ng Head sa mga bata.
"Eto na ang bisita natin... Come here na my Sweetie..." Ang next na sinambit ng Head sa microphone at kaagad na sinundan ng lahat ng kanilang mga paningin ang direction kung saan kumakaway itong Head ng Museong Pambata habang tinatawag nito ang kaniyang pamangkin.
Halos sumabog ang nakakabinging katahimikan sa Museong Pambata nang masilayan ng lahat ang naglalakad na babae na papapunta sa kinatatayuan ng Head ng Museum...
Pati itong sina Doms and Doc Racky ay napanganga at naStarStruck nang makita din nila kung sino ang may Bigay ng masasarap na snacks ng mga bata...
"Hi Tita..." Ang masayang bati ng magandang babae sa Head ng Museum at pagkatapos ay binigyan nito ng beso-beso ang Museum Head.
"Hello Children..." Ang next na usal ng magandang babae sabay kaway niya sa mga nakanganga na ding mga bata.
Parang naging estatwa ang lahat at nanatili pa din ang nakakabinging katahimikan nang lalo pang tumamis ang ngiting ibinigay sa kanila ng babae...
"Anyare sa inyo... Ha... Ha... Ha... MagThank you kayo sa pamangkin ko at siya ang nagbigay nyan..." Ang natatawang usal na lamang ng Head Ng Museong Pambata sa mga natulalang mga bata.
"SI MEGAN YOUNG!!!" Ang hindi mapigilang malakas na Outburst ni Doc Racky na siyang bumasag ng nakakabinging katahimikan.
"SI MEGAN YOUNG!!! SI MEGAN YOUNG!!!" Ang di makapaniwalang sigaw at tili ng mga bata at kahit na din ang mga Staff ng Museum ay hindi talaga makapaniwala na ang bisita nila sa kanilang event ay ang Reigning Miss World 2013.

*******5:30 pm*******

Hindi talaga matapos-tapos ang pagte-Thank you ng mga bata sa lahat ng mga Staff ng Museong Pambata, Sa mga Volunteer ng Philippine National Red Cross at lalong-lalo na kay Miss Megan Young bago tuluyang sumakay ang mga ito sa kanilang mga Service na inupaan para sa kanila ng Museum upang ihatid sila papauwi sa Baseco Compound...
Hindi maipinta ang mga ngiti sa labi ng bawat isa dahil hindi nila maExpress kung gaano sila kasiya and kaFullfilled sa ginawa nilang Charity Event that day...
Masayang-masaya ang mga tagaMuseong Pambata dahil nagPromise kasi ulit itong si Megan Young na kahit ipapasa na niya sa iba ang kaniyang Corona next year ay pupunta pa din siya sa kanilang Charity event...
Hindi din nakalimutan nina Doms and Doc Racky at ng lahat na magpaPicture kasama si Megan Young bago ito magpaalam na din sa kaniyang Tita and sa lahat...
...
...
...
"Hay..." Ang buntong hininga na lamang ni Dominic habang naghihintay siya sa kaniyang Mommy Juliet and Daddy Elvis sa hallway ng Museong Pambata dahil nakikipag-usap pa ang mga ito sa Head ng Museum.
"Sabay ka na sa akin..." Ang bigla ng sabi ni Doc Racky sa nagulat na si Doms.
"Ha???" Ang tanong naman ni Doms.
"Sabay ka na sa Kotse niya... Brand New... Hatid nyo muna ako sa amin..." Ang usal naman ni Myrtke.
"Paalam muna ako kina Dad..." Ang sambit naman kaagad ni Doms dahil at hindi niya tatanggihan ang alok nitong si Doc Racky dahil last nakakita na siya ng isang magandang chance para maSolo niya itong si Doc Racky.

*******7:30 pm*******

Tahimik lamang na nakatingin sa labas ng window itong si Dominic at  tila ba bigla siyang naTense nang maibaba na nila si Myrtle sa bahay nito at ngayon nga'y sila na lamang ni Doc Racky ang nasa sa loob ng Brand New Honda Civic nito...
Kanina pa isip ng isip itong si Doms kung ano ang kaniyang sasabihin kay Doc Racky dahil akward na akward na siya sa katahimikan between them at lalo pang nagLevel up ang pagkaTense nitong si Doms nang maipit sila sa isang Heavy Traffic sa EDSA...
"Anong Oras na Doms..." Ang nakangising tanong na naman ni Doc Racky.
"7:30pm..." Ang mahinang usal na lamang ni Dominic at tila ba nasanay na siya sa pagtatanong sa kaniya ng time ni Doc Racky.
"Kain muna tayo..." Ang next na sambit ni Doc Racky nang gumalaw na ang traffic at kaagad na ininiliko nito kaagad ang kaniyang sasakyan sa Ayala without asking Doms kung saan nito gustong kumain.
Kahit na nahihiya itong si Dominic at gusto niyang tanggihan ang alok sa kaniya ni Doc Racky ay nanahimik na lamang siya at naglakas ng loob dahil baka hindi na maulit pang muli ang chance na maSolo niyang makasama ang kaniyang Crush na Vet...

**************

Ilang minutes ding nagDiscussion itong sina Doc Racky and Doms kung sino ang magbabayad sa kanilang Dinner at ang Ending ay pinaghanap na lamang ng upuan ni Doc Racky itong  wala ng nagawa pang si Dominic...
Sa Yellow Cab Pizza sila nagDinner and that time din ay nalaman ni Dominic na  favorite nitong si Doc Racky ang Pizza ng Yellow Cab...
Hinayaan na lamang din ni Doms itong si Doc Racky na um-Order since treat naman niya ang kanilang Dinner kaya laking gulat nitong si Dominic when their Order was served sa kanilang table...
"Pagtulungan natin..." Ang nakaSmile na sambit ni Doc Racky sa naOverwhelmed na si Doms.
...
...
...
Naging masaya ang usapan nina Doms and Doc Racky during their dinner dahil pinag-usapan na naman nila ang nangyari that day and naging animated ang kanilang kuwentuhan nang magawi na ang kanilang topic about sa Surprise visit ni Megan Young sa Musuem...
Hanggang ngayon ay StarStrucked pa din sila at hindi makapaniwalang nakapagPicture sila with Megan Young...
Tanging iyon lamang ang pinagkuwentuhan nina Doms and Doc Racky during their Dinner...
Hindi nila napag-usapan si Thalia or even si Myrtle...
Hindi din nila napansin ang paglipas ng oras because they're enjoying each others company...
Ni hindi nga din nila namalayan na naubos na pala nilang dalawa ang Party size Pepperoni Pizza at ang large Pitcher ng Iced Tea na inOrder nitong si Doc Racky...
"Doms... Anong oras na..." Ang nakangising tanong muli ni Doc Racky kay Doms.
"Naku 9:30 na pala... Tara na..." Ang sambit ni Dominic nang makita niya ang oras sa kaniyang Fossil Wristwatch and after that ay tumaas na namang muli ang dalawang kilay nitong si Doms nang makita niyang nakaNgisi sa kaniya itong si Doc Racky.
"PinagtriTripan mo ba ako... Kanina ka pang umaga tanong ng tanong ng time..." Ang next na sinambit ni Doms.
"Wala lang... Thanks..." Ang maikling response lang nitong si Doc Racky and after that ay muli na naman niyang nginisian itong si Dominic.
Pinabayaan na lamang ni Dominic ang trip nitong si Doc Racky at sumakay na lamang siya dito...
Habang papauwi sila ay hindi na nabilang pa ni Doms kung ilang beses nagtanong ng time sa kaniya ang nakakalokong si Doc Racky...

*******11:30 pm*******

After na makapagShower ni Doms at makapagbihis ng pangtulog ay kaagad siyang nag Log-in sa kaniyang FB sa laptop at laking tuwa talaga nila ni Thalia nang makita nilang Onlaine itong si Doc Racky at biglang nakipagVideo Chat kaagad ito sa kanila...
"ARF... ARF... ARF..." Ang masayang bati kaagad ni Thalia nang makita niya sa monitor ang nakaSmile na si Doc Racky.
"Miss mo ba ako Baby..." Ang Baby talk muli ni Doc Racky sa masayang si Thalia.
"ARF... ARF... ARF..."
"Pogi ba ako..." Ang next na pilyong tanong ni Doc Racky sa matabang si Thalia.
"ARF... ARF... ARF..."
Hinayaan na lamang ni Doms itong si Thalia sa harapan ng monitor dahil naSolo naman niya itong si Doc Racky kanina...
Hindi maiwasang mapangiti nitong si Doms dahil aliw na aliw siyang panoorin itong si Doc Racky na kinakausap itong si Thalia at ito namang si Thalia'y parang taong nagreResponse ng kahol kay Doc Racky...
"Oist Doms... Napalitan mo na pala ang Profile Pic mo ah..." Ang masayang bati ni Doc Racky kay Doms.
"Siyempre naman... Para sikat..." Ang natatawang usal ni Dominic habang tinignan niya muli ang DP na kasama niya si Megan Young na ginawa niyang Profile Pic.
"Doms..."
"Ano yun Doc..."
"Anong oras na..."
"Wala ka bang clock dyan sa Laptop mo..."
"Wala eh..."
"Sa Phone mo... wala bang time na nakaDisplay..."
"Wala din eh... Ano na bang oras Doms..."
"Hindi ka ba nagsasawa kakatanong ng Time..."
"Hindi eh... Anong oras na ba Doms..."
"11:35 na..."
"Ganun ba... Thanks..." Ang nakangising reply lang ni Doc Racky.
"Hindi ka ba nagreRelos Doc..." Ang hindi na napigilang tanong ni Dominic at talaga namang medyo naiinis na siya sa pagtatanong ni Doc Racky.
"Hindi eh..."
"Bakit naman hindi ka nagreRelos..."
"Eh kasi walang silbi ang relos sa akin..."
"Walang silbi... Eh kanina ka pa tanong ng tanong sa akin kung anong oras na..."
"Walang silbi talaga ang Relos sa akin Doms..."
"Ha... What's the reason Doc..."
"Eh kasi tumitigil  ang oras ko pag nandyan ka eh..." Ang pilyo at mabilis na answer ni Doc Racky at talaga namang nginisian niya itong si Dominic nang manlaki ang mga mata nito't mapatingin sa harapan ng monitor.
"DOC..." Ang sambulat na lamang ni Doms nang biglang nag-End ng VideoChat itong si Doc Racky.
Kaagad na tinawagan ng shock na shock na si Doms ang number ni Doc Racky at kaagad siyang tumigil nang marinig niyang 'Subscriber canno't be reach' ang line nitong si Doc Racky...
"TANGNA..." Ang nagpaPanic na sambulat ni Dominic dahil kailangan niyang maConfirm kung tama ba ang narinig niyang sinabi sa kaniya nitong si Doc Racky.
Labis ang kabog ng puso ni Dominic nang biglang tumunog ang notification niya sa FB...
Tahimik lamang na binasa ni Doms kung ano ang notifaction...
'Ricardo Salvador Tagged You On A Photo'
Kaagad na tinignan ni Doms kung anong DP na itinag sa kaniya nitong si Doc Racky...
"PROBLEMA MO..." Ang kinakabahang naiusal na lamang ni Doms at talaga namang hindi niya alam kung sisigaw siya o iiyak at talaga namang napakagulo ng kaniyang damdamin that time.
"Doc..." Ang nasambit na lamang muli ni Dominic habang pinagmamasdan niya ang tagged na picture sa kaniya na ginawang profile nitong si Doc Racky sa FB nito.
...
...
...
"GRRRRRR..." Ang galit na galit na pag-angil ni Thalia nang makita nito ang DP na pinagmamasdan ng natulalang si Dominic.
...
...
...
Naging parang masyadong mabilis ang mga nangyari kay Doms...
...
...
...
Hindi pa din makapagReact nitong si Dominic at tila ba napako ang kaniyang wisyo sa Profile Pic nitong si Doc Racky...
Hindi na matandaan nitong si Doms kung kailan sila nagpakuhang magkasama kanina nitong si Doc Racky...
...
...
...
Paulit-ulit pa din sa kaniyang isipan ang binitawang pick-up line sa kaniya nitong si Doc Racky...
...
...
...
Hindi talaga maAbsorb ni Dominic na gagawing profile picture nitong si Doc Racky sa FB ang picture nilang dalawa....
Pareho silang nakaSmile sa Picture habang nakaakbay itong si Doc Racky sa kaniya...
"Grrrr..." Ang angil ni Thalia sa biglang natauhang si Doms.
"Good Girl yan..." Ang kinakabahang sambit naman ni Dominic sa galit na galit na si Thalia.
"ARAAAAY!!!" Ang malakas na hiyaw ni Doms nang walang pasabing dinamba siya ng nagseSelos na si Thalia.
...
...
...
Habang hinahambalos ni Thalia ang walang kalaban-labang si Dominic ay wagas na wagas naman ang ngiti nitong si Doc Racky...
Walang idea itong si Doms na pareho lang sila ng nararamdaman nitong si Doc Racky sa tuwing kapiling nila ang bawat isa...

 Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush/Top Of The World
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You

To Be Continued

38 comments:

  1. Hahahahahahaha at talagang selos na selos ang malanding Thalia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masamang magalit kaya si Thalia Kuya PJ :))) Sana inOne Piece pa si Kuya Doms sa next chapter :))) Nyahahaha!!!

      Delete
  2. feel good ang chapter na to Kuya Ponse :)
    nakakamiss umatend ng mga ganitong event especially mga charity :)

    mga banat ni Doc Racky hahaha!ayan na Doms nagpapahaging na :))

    thank you Kuya Ponse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan talaga Kuya Riley na kahit once a year eh may mga ganyan tayong dinadaluhan kahit small event laang!

      GOOD FOR THE HEART! :)))

      Delete
  3. kakakilig naman kuya Adik! hehe. Nagets ko na cover photo ng chapter 5.hehe. Made sense.hehe. BTW thanks for clarifying my query last chap.!

    ---->Just

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siempre naman Kuya Just... Palaging may connect ang DP sa Story naten :)))

      Delete
  4. hahahaha THALIA NGANGa hahaha kaloka great great lve it! sobrang enjoy talga bnasahin mga toh kaka wala ng stress. :) salamat!

    ReplyDelete
  5. hahahaha THALIA NGANGa hahaha kaloka great great lve it! sobrang enjoy talga bnasahin mga toh kaka wala ng stress. :) salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ba Kuya Marc :))) Kitang kita kung sino ang winner!!! LOLs :)))

      Delete
  6. kelan uli ang date nyong 2? kaya pala panay ang tanong ni doc ng oras, may punchline pala sya. dapat kasi doms s yellow cab pizza mo tinanong kung bakit hindi sya nagrerelos para lalong sweet ang arrive ni doc haha. ayan dinamba-damba ka tuloy ni thalia. buti dika kinagat sa tenga hehe. thanks sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din sa palageng pagsama sa kanila Kuya 0309 :)))

      Delete
  7. red cross at tandang sora, inakala q tlaga maliligaw c joey boy d2 haha peo mali aq x3

    sabi q na un ung dahlan sa pagtatanong ng oras eh! what i didnt expect eh ung bglang off ng communication after ng pickup line at ung profile pic. grabe i know that feeling na gs2 m mkasiguro peo d m mkausap, nkakakabang nkakaexcite na nakakabaliw hahaha

    dami q kilig tlaga sa closing ng part na to, maraming salamat alpy xD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Busy kaya sina Britney and Joey Boy sa pakikipaglaban sa mga Kidnappes. Parang di mo alam Lawfer >.<

      Delete
  8. putek!
    aatakihin ako neto sa sobrang kilig!
    grrrrr...


    ^^,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan Kuya Ferdz ang tinatawag na 'Na Karen Carpenter Lang' LOLs!!!

      Delete
  9. At nabuhay muli si Mommy Silvs. Hehehe. Naguumapaw sa kilig ang chapter na to. Haaaayyyy ang sarap mainlove :-)
    Happy Halloween Kuya P!

    ReplyDelete
  10. Nasurprise ako ky Megan Young....
    Pero mas lalo akng nasurprise ky Doc Racky na pareho pala cla ng feelings ni Doms sa isat isa kakainggit.... Hahaha

    ReplyDelete
  11. wow! ang saya aman ng chapter na to. he he he. tnx ponse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu din po Tito Robert :))) I'm trying my best na mabigyan po kayo ng Smile palage :)))

      Delete
  12. Megaaaannnnn! Hahahaha.:))

    Thanks again, Ponse my friend! Enough na 'yung kilig ko until your next post!:))

    Keep smiling, keep shining! Hahahaha.:))

    All the best,

    Rico

    ReplyDelete
    Replies
    1. See you too sa next nating song Kuya Rico... "There's A Kind Of Hush'

      Ingatz kang palage :)))

      Delete
  13. Galing kuya ponse! next na please!!.

    Haha maghapon talaga nagtanong si Doc ng oras kay doms para lang sa banat na yun. Haha!

    Arte ni Thalia. Hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan talaga ANDY kapag nasa kalagitnaan na tayo ng Story :)))

      Delete
  14. Hay Kuya Ponse pinakilig mo na naman ako... LOVE LOVE LOVE.... HAHAHAHAH.... Thanks kuya Ponse sira talaga ulo mo... lakas mo magpakilig...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pagiging Adik ko Kuya Bobby ang reason kung bakit nakakalusot ako sa mga ginagawa kong mga characters :))) LOLs!!!

      Delete
  15. "Tumigil ang oras ko pag nan jan ka e"

    Anung kakiligan ito ?
    Paki explain
    Labyu :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tawag po dyaan Kuya Raffy eh CHILLIGz

      Cheesy + Kilig

      Nyahahaha!!!

      Delete
  16. Nice chapter mister author. Can't for the next one.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Adik po ang term sa Chapter na to Kuyang Anon :)))

      See you soon on the next Installment :)))

      Delete
  17. ang cute cute cute talga nito..love it..

    ReplyDelete
  18. Sasabog na ako sa sobrang kilig!!!! Tabi kayo at bka matalsikan kayo ng kung anu ano... lol....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pampawala ng init ng ulo mo Mr.FrostKing :))) Lately eh lagi na laang mainit ulo mo sa hospital :)))

      Delete
    2. Shhhhh... wag mo ipagsabi na embalmer ako... lol.....
      I misssssssss u!!!!!!

      Delete
  19. Kilig much!


    #sinbad

    ReplyDelete
  20. Ito ang perfect...! Kilig to the max at perfect ang ending song.. Mas naapreciate ko ang kantang yan ngayon dahil sa story na yan..

    Huwaaaaaaaaaa aaaa.. Close to you

    Ang galing mo Kuya Ponse.. Quota ako today sa kilig.. :)

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete